KARYLLE POV
"Girl next week na birthday mo. Pupunta ba si James mo?" tanong ng besty ko na si Ann.
"Hindi na siguro alam ko namang hindi na ako importante sa kanya pagkatapos ng alam mo na." sagot ko sa kanya na malungkot.
Si James siya ang ex ko na napaka sa lahat. Gwapo, mabait, mayaman, matalino, gentleman. Lahat na siguro ng katangian na sa kanya na.
Pero ng dahil sa aksidente na ginawa ng walang hiyang lalakeng yon iniwan niya ako. Umalis siya na di pinapakinggan ang paliwanag ko kung totoo nga ba ang nakita niya.
*flashback*
"Kaye mahal parin kita bumalik ka na sakin iwan mo na ang lalakeng yon." sabi saken ni Paul. Nakahawak siya sa balikat ko kaya di ako makapalag.
"A-aray Paul! Nasasaktan ako. Bitawan mo na ako please lang. Mahal ko si James." sagot ko sa kanya. Nababaliw na siya. Hindi ko na siya kilala.
"Hindi! Ako lang ang mahal mo" sigaw niya.
Pagkatapos niyang sumigaw hinalikan niya ako. Pinipilit ko siyang itulak pero ang lakas lakas niya. Nagulat ako ng biglang natumba si Paul at pagtingin ko nakita ko si James na nanlilisik ang mata.
"J-james h-hindi yon k-kung ano ang n-nakita mo." naiiyak na ako dito.
"hindi nga ba Kaye? Pano mo nagawa saken to? Minahal naman kita ah? Ano? Mas masarap ba sya?" sigaw niya habang naiiyak na.
"James nagkakamali ka. *huk*Ikaw ang mahal ko. *huk* Pakinggan mo ko please." umiiyak na ako kase sarado na ang tenga niya para sa paliwanag ko.
"Tama nang rason ang lahat ng nakita ko." pagkatapos niyang sabihin yon nag walk out na siya at ako naiwan ditong mag-isa.
*flashback ends*
Hanggang ngayon naiiyak parin ako sa tuwing naalala ko ang nangyari sa amin. Kung pinakinggan niya lang sana ang paliwanag ko.
Kami pa kaya hanggang ngayon?
Masaya pa kaya kami?
Sana pumunta siya para makahingi ako ng tawad sa kanya.
____________________________________________________________________________________
*day of the party*
Birthday ko na ngayon. Ang gown ko ay kulay white tapos ang sa shoulder ay parang sa gown ni Aurora. Meron siyang slit sa gilid at ito ay natatakpan ng red na tela. Pagkatapos meron anim na button like sa ilalim pa ibabaw. Tapos pa balloon siya kaya princess talaga ang dating
Sa itaas ako ng hagdan namin naghihintay sa pagtawag sa akin ng emcee para sa entrance ko kuno.
"Good evening to all ladies and gentlemen. We are gathered here today in this wonderful evening to share a happy birthday to the princess of Catalina family. Please stand and give a round of applause to our dearea princess. Karylle Catalina" intro ng emcee
BINABASA MO ANG
MUSIC OF LOVE (ONE-SHOTS)
RomanceTHIS IS COMPILATION OF ONE-SHOT LOVESTORIES BUT WITH MUSIC APPLIED TO IT.. ANG MGA KWENTO PO DITO AY HANGO SA MGA PABORITO KONG MGA KANTA KAYA HABANG NAGBABASA KAYO PWEDE NYONG PAKINGGAN ANG KAKANTAHIN NIYA.. KUMBAGA ANG CONVERSATION DITO AY LYRICS...