Chapter 3 : Mr. Popular??

40 3 2
                                    

"Mga Guro, kapwa ko mga estudyante, mga panauhin , mga ginoo at binibini, magandang umaga sa inyong lahat!"

-- Panimula ng isang matipunong lalaki na nasa harapan namin ngayon ........ nang natapos siya sa pagsasalita , nagpalakpakan kaming mga mag-aaral habang nag-sisigawan naman ang iba.

"Woooooh!! Ang gwapo mo Kent!!" sigaw ng isang 4th year High School student, hindi siya isang babae, at hindi rin naman lalake, alam niyo na siguro kung anu siya.

Andito kami ngayon sa "Auditorium" ng aming paaralan upang ipagdiwang ang "buwan ng wika" . At kaya ganito ako makapag-salita ngayon dahil nakiki-isa ako sa aming pagdiriwang.

"Bago natin ituloy ang ating pagdiriwang, simulan muna natin ito sa panalangin, na pangungunahan ni Sharlene Villegas, at ang pag-awit ng pambansang awit na pangungunahan naman ni Alex Roldan."

Nag-sitayuan kaming lahat upang manalangin, nagsitahimik naman ang lahat ng magsimula na ang nananalangin. Pagkatapos ng aming pag-awit ay nagsi-upo na kaming lahat, maliban sa tagpag-salita.

Habang siya'y papalapit sa mikropono...... patuloy naman sumisigaw ang estudyante . Marahil ang lalaking ito ay sikat sa aming paaralan. Ngunit ngayon ko lang siya nakilala.... at nakita.

Kung sikat siya... hindi ba dapat matagal ko na siyang kilala? Dalawang taon na ko sa paaralan na to.. pero bakit ngayon ko lang siya nakita?

Pero sabi nga nila, hindi pa huli ang lahat, buti na lang nakita ko siya.Siguro, ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na magsalita.

Ang ganda ng pwesto namin ngayon ,kaya kitang-kita ko ang itsura niya. Ito pala ang benefit pag-nasa higher section ka.

Isang matipunong lalaki, na may singkit na mga mata na parang laging nakangiti, may mapulang labi at may matangos na ilong at may makinis at maputing kutis. Gwapo nga , sabi ng karamihan. At ang pangalan niya... Kent , bagay sa kanya.

Sa ngayon , nakatitig lang ako sa kanya, at hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.

Habang nakatitig ako sa kanya....... may naaaninag ako na dilim na parang humaharang sa aking mga mata, hanggang sa......................

*PLAP

"Aray!!!!" napa-aray ako sa sakit dahil sa pag-palo sa noo ko ng kung sino."......... ang sakit naman sino ba?....." sabi ko , habang hinihimas ko ang noo ko.

"Ako! may angal??" pagdedepensa naman ng makulit kong kaibigan.

"Aaagh...Shany! Ba't mo naman ako pinalo?"

"Eh ikaw kasi...kanina ka pa tulala jan. Tingnan mo oh.. nagkakagulo na ang lahat , ikaw na lang ang tahimik jan." Nagkakagulo?? tumingin-tingin ako sa paligid ko..at oo tama nga, nagkakagulo na ang mga estudyante para tignan ang mga kandidato sa Lakan at Lakambini.

Pero imbis na makigulo rin ako.. tinitigan ko na lang si Kent. Haay ang sarap niyang titigan. Para siyang korean... heheh..kung sa bagay , mukha rin naman kaming korean :)

Pinapaypayan niya ang sarili niya habang hinihintay na pumunta sa harapan ang bawat kandidato. Pagkatapos niyang tawagin ang mga kandidato, tinawag niya ang Glee Club sa aming paaralan upang maghandog ng mga awitin.

Unang kumanta ang bandang "Clover" .Nasa unang taon pa lang ako ay kilala ko na ang banda ito ng Glee Club.. at wala pa ring kupas ang galing nila sa pagkanta at paggawa ng iba't ibang rendition ng  kanta.

(A/N: Kilalanin ang bandang clover at ang iba pang myembro nito sa susunod na gagawin kong story)

 Kinanta ni Kuya Stephen, vocalist ng Clover , ang "Awit ng Kabataan" na ginawa nilang acoustic version. Pagkatapos ng Clover, kinanta naman ni Ate Jamaicah, president ng Glee Club ang "Magkaisa".

Parallel Love <3   (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon