Tina's POV 2: Introducing "Garden of Freedom"

7 0 0
                                    

(Sa Garden)

Tina’s Pov:

“Shhh… ok lang yan Tina.” Sabi ni Gian, habang hinihimas niya yung likod ko…… habang umiiyak ako sa harap niya.

“Hindi! Hindi to’ ok! Hindi lang ako na-reject ee, pinahiya pa ko.. Nakakainis eh.

“Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi pagka-inis kay Anthony..

“Hindi man lang niya napansin ung letter ko….

“Hindi man lang niya ko binigyan ng kahihiyan sa sarili ko.

“Bakit niya ba ko tinatrato ng ganito????!!!!”

Habang sinasabi ko to' kay Gian, umiiyak lng ako.

Sa kanya ko nilalabas yung sama ng loob ko kay Anthony.

" Sorry Tina, hindi ko na dapat sinuggest yun." paghingi nia ng tawad sa kin.

"Ba't ka nagso-sorry? E hindi naman ikaw ang nag-reject sa kin?"

 

"Kahit na, nagui-guilty tuloy ako dahil, sinabi ko pa yun."

Sa pagkasabi niya nun, feeling ko, ako dapat ang maguilty. Siya na nga tong tumutulong sa kin, tapos guilty pa siya.

(KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING........KRiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing)

nag-ring n yung bell, ibig sabihin, tapos na yung break namin.

Umalis ako sa pagkakasandal ko sa kanya, sabay punas ko sa mga luha ko.

"Hayaan mo, magiging ok rin ako. Sige , mauna ka na , salamat ah."

"Ha? Hindi ka ba papasok sa next class mo?"

"Hindi ako makakapasok ng ganito itsura ko. Baka kung anu pang masabi ng mga kaklase ko."

"Ah, O sige.. Dito ka lng ahh. Make sure n magiging ok ka." Pag-uutos niya.

Nag-nod lng ako, tapos, umalis na siya.

..

..

..

..

..

Masarap ang hangin dito sa Garden.

Ang tawag ni Monique dito, "Garden of Freedom"..... Ewan ko ba dun, ang daming ka-ekekan.

Pero, tama naman siya dun.

Kasi dito sa Garden na to', marami  ang nangyayari... malaya ang mga estudyante.

pwedeng mag-drama, mag-senti, ma-emo, kumanta,gumawa ng music video , magbaliw-baliwan....

Parallel Love <3   (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon