"May bagong confession na naman sa **** Secret Files"
"Oh? Anong sabi? Para kanino yung confession. Hindi ako nakapag-open ng Facebook ei"
"As usual. Crush confession. Para kay Steven yung confession na yun. Pero ewan ko kung babae ba yung nag-confess o bakla kasi nagge-gay language at tsaka yung bagong nag-confess, yun ulit yun Hindi siya nagpapalit ng pen name. Ang creepy nga kasi, parang alam niya lahat ng kilos ni Steven"
"Shez! Creepy nga. Nakita na ba yun ni Steven?"
"Malamang. Baka pinakita na sakanya ng mga tropa niya. Marami-rami narin kasi yung confession nung STEVEN MADRIGAL'S GIRL na pen name"
O to the M hanggang G. Kalerki! Alam ko namang ako yung tinutukoy nilang bagong nag-confess ulit kay Steven sa **** Secret Files. Kasi nag- gay language ako pero hindi ako BAKLA. BABAE ako, BABAE.
Pero geeez ha. Baka nga nakita na yun ni Steven. Owemji! Kinakabahan ako kasi baka -----
"At balita ko nga din, hina-hunting na ng mga tropa ni Steven yung nag-confess"
P A T A Y !!!!!! Kailangan ko ng mag-tagoooooo.