*****
Pagkatapak na pagkatapak ko sa aking paaralan. Huminga ako ng malalim sabay lakad na parang walang kilala sa school na'to. Umakto akong, parang famous. Kasi diba yung mga famous, snob.Pagkarating ko sa room. As usual. Maingay, magulo, mahaharot, mga feeling magaganda at gwapo, mga chaka, mga alipin, mga feeling masisipag, at syempre hindi mawawala diyan ang mga pokpokin.
"Ang ganda ni Thania, kaso may sayad" narinig kong sambit ng feeling gwapo kong kaklase na talaga namang humahagalpak pa sa tawa. Nilapitan ko nga ito.
"Alam mo kulugo. Kahit na may sayad ako, maganda ako. Ei ikaw? May sayad na nga, pangit pa. Kung makapang-lait pa kala mo may maipagmamalaki" inis kong pangri-real talk sakanya. Huh! Ako pa ginanyan niya.
Dumiretso nalang ako sa upuan ko at tang*na lang talaga.
"Yang si Thania. Hindi naman talaga maganda, feeling maganda lang naman. Wala pang boobs" sambit naman ng pokpokin kong kakalase na kulang nalang ay maghubad para ipakita ang dapat hindi ipakita.
"Hoy gaga! Para sa kaalaman mo, maganda ako at may boobs ako na akma sa katawan ko. Ei yang sayo, malaki nga. Maganda kaba? Puro ka boobs, wala ka namang utak. Aral muna bago kapokpokan ul*l" pangri-real talk ko rin sakanya. Bwisit na 'to.
Kakabadtrip, ang aga-aga. At hindi pa nagsisimula ang klase ha.
"Ang iingay niyo. Ei kung mag-aral nalang kaya kayo" sigaw ng feeling masipag kong kaklase na kasalukuyang masipag na nangongopya.
"Isa ka pang inutil ka! Aral aral ka diyan. Puro ka naman pangongopya. Tan**na mo, ikaw ang manahimik" pangha-hard ko naman sakanya. Tikom tuloy bibig niya.
"THANIA! MAY NAGHAHANAP SAYO" sigaw naman ng chaka kong kaklase.
Sa sobrang ka-bwisitan ko dito sa loob ng room. Lumabas agad ako at pinuntahan yung naghahanap saken.
At pusang galang naka hubad. Parang gusto ko nalang bumalik ulit sa loob ng room at makipag- trash talk-an nalang sa mga walang kwenta kong kaklase.
Shez! Bat nasa harap ko si Steven ngayon? BAT NASA HARAP KO YUNG TAONG PINAG-CONFESS-AN KO? OO SIYA MISMO, SIYA LANG. WALANG KASAMANG IBA. TEKA BAT AKO NAKA-CAPSLOCK? SHET PARA DAMA.