Untitled Story Part

19 0 0
                                    

Author's note:
Hello, this is your author BrentLovesYou . So since malapit na ang pasko, ito po ang aking regalo sa inyo. Isang one shot thrilling christmas story. Enjoy :)






DENA'S P.O.V

"Anak, paki kuha mo nga ako ng condensed milk sa ref at ng magawa na itong salad natin." Utos sa akin ni Mama.

Sumunod naman ako at nagtungo doon. Kumuha ako ng dalawang lata ng condense milk. Ibinigay ko  naman ito sa kaniya.

"Ate Dena!! Ano yung regalo mo sa akin??!" Sigaw ni Reggie papalapit sa akin.

"Regg. It's a secret. Pag sabihin ko sayo, eh hindi ka na niyan ma susurprise." Saad ko at nginitian siya.

"Kailan ko pwede buksan?" Tanong niya.


"Bukas pa ng 12 midnight. Sa Noche Buena ba. Sabay sabay tayo nila Mommy at Daddy. Siguro sila Lolo at Lola darating. Di ba mas masaya kung sabay sabay tayo."Saad kong muli.

"Sige, sana laruang baril." Saad niya at umalis.

Bumalik naman ako kay Mommy para tumulong.

"Ay Dena, wala na pala tayong cheese. Maaari ka bang magtungo sa kanto? Sa may grocery, bumili ka ng dalawang pakete." Saad ni Mommy at binigyan ako ng dalawang daan.

Pagkalabas ko, bigla akong sinalubong ng malamig na hangin. Isang senyales na malapit na ang pasko. Maliliwanag ang bawat bahay na dadaanan ko. At masasaya ang mga batang namamasko sa mga kabahayan. Naka ngiti halos lahat ng tao, walang away, ingay at bangayan. Sana araw araw pasko nalang haha.

Pagkarating ko sa grocery agad akong bumili ng cheese. Pagkaabot sa akin ng binibili ko, binigyan pa ako ng tsokolate.

"Hala,para saan ho ito?" Tanong ko.


"Pamasko yan iha. Lahat ng bumubili dito binibigyan ko. O siya, advance Merry Christmas." Bati sa akin ng ginang.


"Ah.. Maraming salamat ho." Saad ko.



"Walang anuman... Lea." Saad nito at bumalik na sa loob.


Lea?? Sinong Lea? Dena naman ang pangalan ko at hindi Lea. Hayy nako, siguro namalikmata lang ang tinderang iyon.



Ngayon ay December 23 na. At bukas Noche Buena na ng 12 midnight. Ito ang paborito ko sa pasko dahil higit sa maraming pagkain, eh may regalo pa akong makukuha. Excited na akong makita ang mukha ni Reggie kung makita na niya ang regalo ko.



Agad akong pumasok pakarating ko sa bahay. Nagpapatugtog na si Reggie ng pampaskong tugtugin at sinasabayan pa ito habang naka pikit. Pilyo talaga ang batang ito, kaya mahal na mahal ko ito eh.

"Dena! Apo!!"

Agad akong napatakbo ng makita ko si Lola at si Lolo. Agad ko silang yinakap ng mahigpit. Na miss ko sila sobra.


"Ate Dena naman eh. Mas bata ka pa sa akin. Buti pa ako nag kiss lang kay Lolo't Lola, ikaw may payakap yakap pa." Singit ni Reggie.

Nagtawanan naman kami. Agad naman akong nagtungo sa kusina ng tawagin ako ni Mommy na abala parin sa pag gawa ng salad.


"Tignan mo nga doon si Baby Nashie sa kwarto niya." Saad ni Mommy.

Sumunod naman ako at nagtungo sa kwarto ng bunso namin na si Nashie. Siya ay 5 taong gulang na.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NOCHE BUENA (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon