Napabangon ako sa kinahihigaan ko ng maramdaman kong tumatama na ang sikat ng araw sa aking mukha. Mabilis akong tumayo at dali daling inayos ang hinigaan ko.
Nagunat unat muna ako at tumingin sa orasan dahil paniguradong mahaba ang tulog ko dahil sa mga nangyari kagabi dahil feeling ko eh napagod ako ng sobra.
'10:25 am na ng umaga? Weird,'
Pagkatapos kong magunat eh lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina.
"Oh Baby? Napuyat ka ba?" Tanong ni Mama sakin. Tinanguan ko siya at umupo sa bakanteng upuan at dun ko sinimulang kumuha ng kanin.
"Oh sige baby kain lang.." Sabi ni Mama na nagbigay pa saken ng bacon at hotdog.
Napatigil ako sa pagsubo.
Weird.
Nawiwirduhan ako sa paligid ko kasi feeling ko eh nangyari na yung scenario ng ganito. As in ganito talaga. Malakas ang kutob ko na nanyari na to kaso di ko matandaan kung kailan.
Bumuntong hininga ako at kumuha ng bacon at hotdog na inilapag ni Mom sa side ko.
Kumain na lang ako ng kumain habang si Mama naman ay abala sa pakikipagusap kay Dad.
Pagtapos kong kumain eh nagtoothbrush ako at nagayos ng konti. Pumunta ako sa living room namin dahil nakita ko si Mama na nanonood ng t.v at dun nagpaalam.
"Mama alis na po ako," sabi ko kay Mama.
"Ingat ka baby! Wag kang pagabi ah!" Sabi niya.
Lumabas na ako ng bahay na bakas ang pagkagulat, nagtataka ako kung bakit feeling ko eh alam ko na yung nangyayari. Feeling ko nangyari na ito. Kaso hindi ko alam kung kailan.
Nagsimula na akong maglakad.
Tutal eh malapit lang ang school namin kaya pwede ko namang lakarin yun.Habang naglalakad ako na gulong gulo ang isip, may nakita akong isang hardin.
Napakagandang hardin.
Nagtaasan lahat ng balahibo ko at nagsimula akong kabahan ng sobra NG DI KO ALAM!
Lumapit ako sa hardin na iyon at tumingin tingin.
'Ang ganda ng mga bulaklak'
Nawala ang kaba ko ng makita ko ang nagsisinggandahang bulaklak at halaman.
Napawi lahat ng kaba ko dahil nakita ko ang favorite ng bulaklak ko.
Isang daisy na kulay pink.
Busying busy ako sa pagtingin ng mga halaman ng mapako ang paningin ko ng may dumapo sa palad ko..
Isang paru-paro.
Isang itim na paru paro.
Nagsitayuan muli ang mga balahibo ko at kinabahan ako ng sobra.
Dali dali akong umalis sa lugar na iyo at dumiretso na sa school.
Pagdating ko sa eskwelahan, dumiretso muna ako sa locker ko at kumuha ng libro.
"Ano bang nagyayari saken?" Inis na tanong ko sa sarili ko at padabog kong isinara ang locker ko.
Habang naglalakad ako sa corridor ng biglang...
*BLAAAAGGGGG*
"ARAY!!!" Sigaw ni Glaiza, ang mean queen sa batch namin.
Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa takot at kaba hindi dahil isa siyang mean queen o kung ano pa yan.
"Im s-sorry!"
"ANONG IM SORRY!!? KITA MO NA GINAWA MO DAHIL DYAN SA KATANGAN MO DITO SALVADOR!? TIGNAN MO!? NADUMIHAN ANG UNIFORM KO!!!" hesterical na sabi niya..
Kundi, ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako ng sobra, na parang mababaklas na ang ribs ko sa katawan dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ang kinatatakot ko... nangyari na to. Oo sure na ako dun. Pero hindi ko talaga maalala kung saan at kailan!!?
"ANO!? TUTUNGANGA KA PA DYAN HA MYPH!? YOU BITCH!!" Sigaw niya at bigla niya akong sinampal.
"Omg! Pigilan niyo sila!"
"Grabe si Glaiza no!?"
"Kawawa naman si Myph! Huhuhuhu!! Help them pleasee!!!"
"She deserve it!"
"Yeah! Basura siya!!"
Gulat ako ng bigla ko akong tumakbo. Kusang tumakbo ang mga paa ko palayo sa mga estudyante. Para itong may buhay na kusang gumana na di ko naman inutusan.
Nakaramdam ako ng pagod kaya napahinto ako.
Andito ako sa rooftop.
Umupo ako sa mga bleachers at dun ako nagpahinga.
"Hi,"
"Oh my God!!!!"
Halos atakihin ako sa sobrang gulat ng makita ang isang lalaki.
'Nababaliw na ba ako? Alam ko talagang ako lang ang magisa dito eh. Kasi mararamdaman ko kung may tao dito!'
"Naistorbo ba kita?" Ngiting tanong niya.
Shet. Ampogi niya! (*0*)
Alam niyo yung ngiti niya?
Yung ngiting pamatay.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Gwapo.
Maputi.
Matangkad.
Singkit.
Mayaman.
Unang tingin pa lang alam ko ng mayaman. Sa pormahan pa lang kasi malalaman mo na agad.
"Ah eh hindi" naiilang na sagot ko. Ano ba yan! Bakit ba ako nahihiya!? Matapos na dejavu umatake ang pagkapabebe ko.
(_//////_)
"Are you alone?"
Sasagutin ko sana siya ng syempre hindi. Kausap nga kita eh. Kaso baka maisip neto na ang sungit ko naman.
BINABASA MO ANG
Black Butterfly
Novela Juvenil"Yung mga di nating inaasahang pangyayari, yun pa yung nangyayari," ~ O N E S H O T