Chapter 14

33 2 0
                                        

"Sabi daw nila, FYI ay for your informarion, hindi ba pwedeng For You I will?"

Chapter 14: Nadulas ka! \(*°*)/

[8:00 pm]


Marj POV


  "Kyahh! nabusog ako dun ah!" Sabi ko sabay sandal sa upuan.

"Namiss mo luto ko no? Ako din nga namiss ko yung luto mo eh, yung puro sunog." Sabi ni leo sakin at ngumiti ng pilyo. Tinignan ko siya ng masama.

Kung pwede lang hampasin siya ng puso ko este ng.. ng.. pinggan oo tama!

"Ganyan na ba ko kagwapo para titigan mo?" Bigla niyang sinabi kaya napabalik ako sa realidad.

"O- hindi ah.. at di naman ikaw ang iniisip ko, assuming ka.." depensa ko.

"Pfh! una mong sagot ay 'O' ibig sabihin oo ang unang sagot mo, at wala akong sinabing iniisip mo ako, di bale nalang kung iniisip mo talaga ako.." sabi niya sabay tingin sakin bg nakaka-akit.

Iniwas ko nalabg ang tibgin ko at niligpit ang mga ginamit namin sa pagkain.

"Ang sipag naman ng asawa ko kaya mahal kita eh.." sabi niya kaya napatingin ako.

"Suntok gusto mo!?"- ako at pinakita ang kamao ko.

"Awwww! Ayoko ng suntok mo, gusto ko ng pagmamahal mo."

"Tigilan mo ako!"


"Eh mahal kita eh, di mo ko mapipigilan."


"Tsk! Susumbong kita kay kyle!"
nabigla naman ako sa sinabi ko at napatingin sa kanya. Nakita kong nawala yung ngiti niya at yumuko.

"Oo nga pala. May boyfriend ka pa. Tarantado talaga yang gagong yan e no!" Sabi niya sabay tingin sakin, nakikita ko sa mata niya ay..

Inggit

At....


Selos.


"Hoy! Wag monga akong tignanng ganyan! At wag mong ma-gago gago si sweetie! wag mo siyang itulad sayo! At hindi siya tarantado! Tulad mo! Siya nga lang ang naging TUNAY kong kaibigan eh! Kaya pa nga niyang mag panggap na kami kahit di naman totoo! Siya pa nga yung sumalong puot at ga...lit..ko..sa..yo.."- ako

Narealize ko kung ano ang mga pinagsasasabi ko sa kanya, packing tape! Tinignan ko siya at parang lumiwanag ang mga mata niya at nakita ko sa kanyang mga mata... pag-asa.

ang malungkot niyang labi ay ngayon parang mapunit na sa laki ng ngiti.


"So?... hindi naman talaga kayo? I knew it! You still love me!" Sigaw niya at napatayo pa.

"H-hoy! L-lumayas kana nga dito! Wala kaya akong sinabing ganon, MAHAL NA MAHAL KO KAYA SIYA... sus! Bye!" Nauutal na sabi ko. Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at ni-lock ito. Alam kong tinawag pa ako ni leo ng ilang beses pero maya-maya, walana kong marinig na sigaw niya.

Tanging narinig ko nalang ay ang mga yabag ng kanyang mga paa. Akala ko kakatok siya pero akala ko lang pala..

"Alam mo ba? kanina ng binigkas mo si kyle, my heart feels like leaving hell! Pero ng nadulas ka na nasabi mo lahat sakin.. i feel alive! At doon ko napatunayan sa sarili ko na...

Kapag nawala si Jean ng buhay ko, asahan mo.. patay na ko..."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, wala na kong narinig na kahit ano, ibig sabihin wala na siya.

Wahhh! Nadulas ako!! T^T


Leo POV


"Ang saya saya! Ang saya saya ko~~" pakanta-kanta ko habang nagdra- drive. Una, ang sakit ng pinagsasasabi niya, sino ba ang di masasaktan na sabihan kang gago at tarantado ng taong mahal mo diba, ang masaklap pinagtatanggol pa niya yung lalaking yun, pero nang biglang lumabassa bibig niya na hindi naman pala sila ni kyle. Syet!  Abnormal na puso ko tulad ko.

Kinagagalak kong Nadulas ka, jean. \*°*/

Casanova's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon