teaser

146 2 2
                                    

^dedicated din kasi ni msg nia din ako.. katuwa!!! =D

*teaser lang ito.. ndi ko am kung sang chappie lalabas.. nai post ko na to sa dati kong acct, kay lang engot ko, ndi ko na mabuksan kasi nkalimutan q pword.. hahaha.. ung@jhaine21  akin un eh.. hahaha...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                Pauwi na ako, kung may ibang daan lang na ligtas ayoko talagang dumaan dito eh. Iba kasi yung pakiramdam ko. Alam ko kahit hindi pa niya sabihin, nandito na naman sya- naghihintay. Nakayuko lang ako habang naglalakad, nung alam kong malapit na ako kung saan sya malamang naghihintay, binilisan ko yung lakad ko. Hindi ko naman talaga nakitrang nandun sya, pero nung biglang may humawak sa braso ko. At niyakap ako mula sa likuran, alam ko sya  yun. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa pagkakayakap sakin. Hindi naman ganun kahigpit yung pagkakayakap niya kaya naanggal ko rin. Hinawakan ko yung mga kamay niya at huminga ng malalim bago ako humarap sa kanya.

                Tumingala ako sa kanya para tingnan sya sa mga mata niya habang sinasabi ko sana yung mga gusto kong sabihin. “Mi-“  Kaya lang, magsisimula pa lang ako, naputol na niya yung gusto kong sabihin nang bigla niyang nilappat ang maga labi niya sa labi ko. Wala akong nagawa, parang bigla akong nanghina, yung lakas na ang tagal kong inipon para iwasan at layuan na sya, wala na. Tumulo na lang yung luha ko. Pagkatapos, niyakap niya ako, sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya, pati yung sakit at lungkot nung mga araw na pilit ko syang iniwasan at layuan. Hindi ko alam paano niya naipaparamdam sa akin yung mga bagay na yun, pero siguro dahil ganun din yung nararamdaman ko ngayon, para sa kanya. kahit ganito, parang ang saya ko. Sinandal ko lang yung ulo ko sa dibdib niya, dumilat ako, nanlalabo pa rin yung paningin ko dahil sa pag iyak ko. Nun ko nakita....

                Gusto ko sanang magdalawang isip.. Pero kilala ko yun eh, sigurado ako yun yun eh. Namanhid yung buong katawan ko, nanigas, hindi ako makagalaw, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buong katawan ko. Ang alam ko na lang, tumutulo na naman yung mga luha ko, tuloy tuloy na...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

currently making my first chappie pero dahil kailangan ko munang asikasuhin ung bday party ng baby kothis saturday.. un muna pagkakaabalahan ko this week.. =) sana tlaga may mkapansin nito...

Our PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon