Kabanata 2

13 1 0
                                    

"Excuse me. . . Miss. . ."
Baritono ang tinig na pilit na nanunuot sa pandinig ni Janel.
"H-ha?" nagising siya dahil doon.
Napaayos siya nang upo at agad na hinanap kung sino ang nagsalita.
Namulatan niya ang guwapong mukha ng lalaking katabi.
"Ahh. . ." saka lang niya na-realize na bahagi lang ng kanyang panaginip ang presensiya ni Federico.
"Excuse me,Miss. . ." kay simpatiko nang ngiti sa mga labi nito.
"W-what can I do for you?"
Bumilis ang kabog ng dibdib ng dalaga.
Parang nakalimutan niya ang balak sanang pagbara rito sakaling kausapin siya.
"Ah, I just want to inform you na malapit na tayo sa destinasyon. Mas magamda siguro kung gisingin na kita."
"Ah, gano'n ba? T-thank you for that," nabubulol na wika ni Janel, at hindi niya alam kung bakit.
"You're welcome."
Saglit na katahimikan.
Mukhang alam na ng dalaga kung ano ang iniisip nito.
Mukhang gusto talagang magpakilala ng isang ito, ah. Bilisan mo't sabihin mo na. . .
At mukhang tama ang pagkakabasa niya sa binata.
"By the way , my name is Kristian."
Tama ang iniisip ng dalaga. Kabisado na niya ang mga ganoong style ng kalalakihan.
"So. . . it's nice to meet you Mister Kristian," nakangiti ring wika ng dalaga.
Sinadya niyang hindi ibigay ang pangalan dito.
"Thank you," nakangiti pa ring wika nito.
Kristian. . . what a nice name?
Saglit na napatigil ang dalaga sa pag-iisip
Maganda siyang ngumiti. . . Nangingiti ang dalaga sa isiping iyon. Pero hindi ako madadala ng mga ngiting iyon.
Binuksan niya ang kanyang laptop at nilibang ang sarili sa pagbabasa sa ilang files niyang naroon.
Mayamaya ay naramdaman niyang tumayo ang lalaki at nang pasimple niyang sundan nang tingin kung saan patungo ay sa restroom pala.
Nagkibit-balikat na lang siya at itinuloy ang ginagawa.
Mayamaya ay naramdaman ni Janel na naupo na uli sa tabi niya ang lalaki.
"Nagtatrabaho ka?"
Tila ba walang narinig ang dalaga na patuloy pa rin sa ginagawa niya.
"Excuse me. . ." bahagyang nilakasan ng binata ang boses niya.
At napansin na rin ito ni Janel na tila ba nagulat pa nang makita ito.
"Oh, I-I'm so sorry. May ginagawa kasi---"
"That's fine."
Iyon lang at muli nang naupo ang binata sa kanyang tabi.
"So. . . what will you do in Aklan pagdating mo ro'n?" wika ni Kristian.
Hindi ba obvious? Eh, 'di magbabakasyon.
Ngunit hindi iyon ang sinabi ng dalaga.
"Ah, I'm just taking a week-long vacation. Masyado na kasi akong busy sa trabaho ko."
Muling nangiti ang binata.
"Is that so? Buti ka pa makakapagbakasyon. Samantalang ako trabaho pa rin."
Napatitig si Janel sa katabi. Muli niyang nasilayan ang simpatikong ngiti nito.
"Almost half an hour na lang pala at darating na tayo sa Aklan, 'no?"
"O-oo nga."
Tila ba nahu-hook siya ng malakas na appeal ng binata, hindi niya magawang ignorahin ang pagpapapansin nito.
At ilang sandali pa nga ay nakalapag na sa lupain ng Aklan ang eroplanong sinasakyan nila.
Sinabi ng flight attendant na maaari nang bumaba.
Naghanda na sina Janel at Kristian.
"So it's nice meeting you, Miss---"
"Janel. . . Janel Rivera," ngayong ay nagagawa nang ngumiti ng dalaga.
"Thank you, Miss Rivera," kaswal na wika ni Kristian. "I hope we'll see each other again."
"I hope so."
Iyon lang at bumaba na ang dalawa ng naturang eroplano at pumunta na sa kani-kanilang destinasyon.
Agad na tumungo sa private resthouse na tutuluyan si Janel.
Kasama iyon sa package trip na kanyang nakuha.
Nang may biglang pumasok sa isipan ng dalaga.
Wait. . . parang may mali.
Saglit na napaisip ang dalaga. At agad naman niyang nalaman kung ano iyon.
Nalugi ako ro'n, ah. Hindi niya sinabi kung anong surname niya.
Napaawang na lang ang bibig ng dalaga sa isiping dalaga.
Naisahan siya ng guwapong lalaking iyon.
Hindi siya makapaniwala na sa kaunting pagpapa-charming lang ay naapektuhan na siya at naibigay niya ang kanyang pangalan.
Ano ka ba namang babae ka, sa loob-loob ng dalaga.
Pero habang tumatagal ay naisip din niya na ayos lang din. Sabagay ay guwapo rin naman ang lalaking iyon at talagang malakas ang appeal.
Parang gusto niyang muli silang magkitang dalawa.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Parang kailan lang, tila pangarap lang ni Janel na makabili ng sariling bahay.
Ngunit ngayon ay abot kamay na niya ang bagay na iyon.
Sinamyo ng dalaga ang ihip ng hangin habang nakatayo sa terasa ng resthouse.
At ang taimtim na pagtama ng mga alon ng tubig sa pampang ay tila musika sa kanyang pandinig.
Tila ba bumabalik sa kanya ang mga panahong isa lang siyang hamak na probinsyanang pilit na umaabot ng mga pangarap.
Hanggang sa pumanig sa kanya ang kapalaran.
Kahit na nangyari ang insidenteng iyon kay Janel ay pinanigan pa rin siya ng nakararaming tao lalo na ng mga kababaihan.
Pagkaalis niya sa kumpanya ni Federico ay lumipat siya sa kumpanya ni Jokha Zamora, isang successful businesswoman na nakilala niya sa isang business convention na napuntahan niya.
Ikinuwento niya rito kung ano ang ginawang pagtatangkang panghahalay ni Federico sa kanya nang nasa kumpanya pa siya nito.
At agad naman siyang pinaniwalaan ng kaibigan.
Naging mabuti ang relasyon nila bilang employer at bilang employee.
Nakapag-ipon na siya ng malaki at kaunti pa ay mabibili na niya ang pinapangarap niyang bahay.
Kaunti na lanh, Mama. . . matutupad na ang pangarap natin.
Naisipan niyang lumabas muna pansamantala upang pumunta ng dalampasigan para maglakad-lakad.
Kabilugan ang buwan kaya iyon ang nagbibigay ng ilaw sa gitna ng dagat.
Napakaganda ng tanawing iyon.
Naglakad ang dalaga sa parte ng pampang kung saan natatamaan ng alon ang kanyang mga paa.
Doon ay pinanood niya ang bilog na buwan at ang mga kumikislap na mga bituin sa paligid nito.
Tila ba nakadarama ng kung anong kasiyahan ang dalaga sa mga oras na iyon.
Ah, this is life! Sabi ko na nga ba't mapapayapa ang kalooban ko sa aking pagbabakasyon.
Ngunit lingid kay Janel, hindi niya namamalayan na may mga mata ring nakatingin sa kanya.
Nagmamatyag sa bawat ginagawa niya.
Magbabayad ka, Janel. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! sa loob-loob ng aninong patuloy pa ring nagmamatyag sa dalaga.
Mayamaya pa, naisipan ni Janel na pumasok na uli sa tinutuluyan niya.
Habang patuloy pa rin siyang sinusundan ng tingin ng anino. Hindi pa rin ito pumayag na mawala ang dalaga sa paningin.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"I want you to do this mission, Kristian. Ikaw lang ang puwedeng gumawa ng misyon na ito," kaswal na wika ni Jian sa pinsan.
"Pero Jian, it's my vacation. Next week pa ang balik---"
"I know that thing. But accomplishing this mission is necessary. Kailangang---"
"How about Gerald? Magaling siya---"
"I gave him another mission," agad na putol ni Jian. "Don't worry. Mae-extend ang vacation mo pagkatapos nito."
Nakangiti na si Jian sa mga oras na iyon.
Hindi naman magawang tanggihan ni Kristian ang pinsan.
"Excuse me sir, narito na po tayo sa last floor ng building. Bababa na po ba kayo?"
Naputol ang iniisip ng binata at muling bumalik sa kasalukuyan.
"Oh, thank you. Dito na lang ako," kaswal na wika ng binata. Inabutan ng binata ng tip ang elevator boy at agad na siyang lumabas kasama ang attendant na may dala ng kanyang mga gamit.
So. . . mag-uumpisa na ang misyon ko.
Agad niyang natagpuan ang kuwartong tutuluyan.
Ipinasok na ng attendant ang mga gamit niya pagkatapos ay umalis na.
Inilibot ng binata ang paningin sa buong kuwarto at nasiyahan siya sa nakita.
"Nice, hindi pa rin nagbabago ang hotel na ito magmula ng dati," nakangiting wika ng binata.
Pagmamay-ari ng pamilya niya ang naturang resort at hotel na tinutuluyan.
Isa iyon sa branch ng Fuentebella Hotel at carbon copy ng hotel na nasa Isla Fuentebella kaya parang naroon na rin siya sa paboritong bakasyunan.
Dumiretso sa bedroom ang binata at nahiga sa napakalambot na kama.
Tila ba bumibigat ang mga talukap ng mata ng binata habang nararamdaman niyang unti-unting inilulubog ng malambot na kama ang buo niyang katawan.
At tuluyan nang nakatulog ang binata. . .

•••
Vote
Comment
Become My Fan



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fated To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon