It's been 2 weeks since I heard that voice.
His voice.
Yes, he's a guy.
Pagkatapos kasi nung scene na yun na tumigil ang ulan eh bigla rin itong nag tumigil sa pagkanta.
Hindi ako mapakali ng araw na yun.
Kung sino yung makasalubong ko na lalaki ay pinapakanta ko. Hahaha
Aba malay natin baka siya yun.
Sinasabihan nga ako ng iba na weird kasi kada may makasalubong ako na lalaki pinapakanta ko.
Pero hindi lahat kumakanta.
Tinatawanan ako. Sigh.
Anyways sinukuan ko na yun. Baka talaga hindi pa tamang panahon para makita ko siya.
After all, everything happens for a reason.
"Huliaaaa! Tulala ka na naman!" Sigaw ng bestfriend ko na si Fiona sabay bato ng popcorn sakin.
Nandito kasi kami ngayon sa canteen. Vacant namin eh.
"Ah eh... ano kasi eh.." sabay subo na lang ng popcorn.
"Don't tell me yung boses na naman yun? Akala ko sinukuan mo na ito?" Tanong naman ng isa ko pang bestfriend. Si Claire.
Si Claire yung tipong mahinhin at talagang concern sa amin pag may problema kami. Para na ngang second nanay tong si Claire.
Si Fiona naman opposite ni Claire.
Parang lalaki itong gumalaw. Maingay. Tatawanan ka kapag ka umiiyak ka.
Pero sympre kahit ganun yun mahal ko yun.
"Hindi kasi ako mapakali guys eh. Nung narinig ko talaga yung boses niya..." naputol na naman yung sasabihin ko.
"Nung narinig mo ang boses niya akala mo gwapo? Akala mo siya na the one por yow? Aba! Huliana! Wake up girl! Duh? Walang ganun!" Suporta sakin ng magaling kong kaibigan na si Fiona.
Grabi sumuporta! Imbis na tulungan ako eh kung anu-ano sinasabi nun.
"Jullie we have to go. Time na din kasi. On time pa naman teacher namin. Baka malate na naman kami. Sige Jullie." Nginitian ako ni Claire Sabay yakap sakin. Kahit kailan para talaga siyang nanay. Hahaha.
Virgin na nanay. Haha.
At hinila na nga niya si Fiona na busy sa pagkain ng popcorn.
Dahil sa ginawa ni Claire ky Fiona eh nagwave na lang ito sakn.
T.L.E kasi namin ngayon at iba yung kinukuha namin.
Silang dalawa computer ako naman drafting.
Malas nga eh ako lang yung nag iisang babae samin sa drafting. Hahaha.
Pero okay lang yun kasi they treat me like a princess.
Alam niyo ba kung ilan kami sa subject na ito?
Mahigit kumulang 99 ka tao lang naman.
Sa sobra ngang dami eh hindi ko kilala lahat.
Habang papasok ako ng kwarto namin nakita ko kaagad yung reaksyon nila na parang natatae.
Teka anyare sa kanila?
At nang pumasok na nga ako ng kwarto.
Nabuhusan ako ng tubig.
"Oh I'm so sorry Julia. We thought you're a rat kasi eh.." sabi nitong Victoria malanding ahas na to sakin. $*!(#)!@). Hindi ako nagmumura pero tangina!!!
Wala talagang ginawa yung tatlong hayop na yun sakin. Bwesit!
Sila lang naman ang sagabal sa buhay ko.
Jina, Kay at Victoria. Mga pangalan ng mga bitch na yun.
"Here lemme punas you!" At pinunasan nga ako ng lintik na Kay na yun ng isang tela na may pintura.
Muntikan na akong maiyak hindi dahil sa ginawa nila kundi dahil sa mga classmates ko.
Hindi nila ako tinulungan.
In fact nakatingin lang sila sakin.
Tumakbo ako palayo sa kwarto namin at sympre basa nga ako diba?
Nadulas ako. Alam niyo kung saan?
Sa putik lang naman.
Tumayo ako at tumingin sa tatlong hinayupak na yun at tinutok sa kanila ang middle finger ko na para bang baril.
Tiningnan ko na din yung mga classmates ko.
Concern ang itsura nila.
Pero bakit? Hinayaan lang nila yung tatlong bitch na yun? Tangina talaga oh!
Bwesit!!!!At dahil basang basa ako dumiretso na lang ako sa rooftop.
Hindi ko na napigilan napahagulgol na lang ako ng iyak. Shit lang!
Bakit hindi nila ako tinulungan? Bakit pinabayaan nila ako? Ang sakit grabi. Tinuring ko na silang kaibigan kahit hindi ko alam pangalan nila.
Sa sobrang dami naman kasi eh.
Napa upo na lamang ako sa sahig. Para nga akong damit na binilad sa init.
"Ba bakit??!!... *sob* mga gagong yun *sob*"
Oo, para akong tanga dito. Ang sakit sakit lang kasi hindi nila ako tinulungan.
Akala ko they treat me like a princess pero bakit?!
Sa kalagit-anan ng aking kadramahan eh may kamay na lang na umabot ng panyo?
Teka, bakit malaki ito? Parang buong katawan ko na ang masasakop nito.
"Ma *sob* laki *sob* naman ata *sob* itong *sob* panyo *sob* na to?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa siya ng mahina at tiningnan ang mukha ko.
"Your eyes are lovely."
Namula naman ako sa statement niya.
Wala akong sinabi sa kanya. Tinitigan ko lang siya.At sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi na ako umiyak.
A/n: Check check. :)
Peace out!
