Hindi ako umimik.
Tinitigan ko lang siya.
Parang may mga insekto sa loob ng tiyan ko na nagtatalon talon at pinasasabugan ang puso ko.
Teka? Ito na ba ang sinasabi nilang kilig?
Inalok na naman niya ako ng kanyang malaking panyo.
"Ang laki naman ng panyo mo." Sabi ko sa kanya at kinuha na lamang ito.
Napatawa siya ng mahina.
Ito na naman siya.
Nakatitig ulit sakin.
Takte, nacoconcious ako.
Ang gwapo naman ng lalaking ito.
Matangos ang ilong, masingkit na mata at kissable lips.
Shit! Erase erase. Ang manyak ko naman!
"What's your name?" Tanong niya sakin habang tinitigan ako.
"Ju-julia Tu-tuazon! Hehehe" nag fake smile na lang ako.
Paano ba eh epic naman na pagkikita ito oh.
Basang basa ako tapos ang pangit pangit ko na dahil sa lagay na to.
"May sugat ka pala."
Saka niya nilagyan ng ewan ko kung ano yun na nanggaling isang maliit na box sa loob ng bag niya.
Boy scout ata to eh noh? Laging handa.
"Boy Scout ka ba?." Eek parang pick up line. Hahaha.
"Nope." Cool na cool niyang sagot.
"Eh? Bat may dala kang mga ganyan." Turo ko sa kanyang mga dala.
"Ah yan ba? For emergency. May practice kasi kami ng basketball mamaya" at nilagyan ako ng band aid.
Umupo siya katabi ko.
Walang umimik samin.
Ginagamit ko na din yung malaking panyo niya. Pinunas ko sa mukha ko at buhok.
Napatingin ako sa kanya.
Nakapikit siya habang naka ngiti.
Bigla naman itong tumingin sakin at ako naman nagpapanic dahil nahuli niya akong naka tingin sa kanya.
Nag bell na. Tapos na ang klase.
Tumayo siya.
"Sige Julia! Una na ako. May practice pa kasi kami eh."
Sinundan naman ng mata ko ang bawat paghakbang niya.
Tumigil ito sa paglakad at tumingin sakin.
"By the way towel pala yan. Hindi panyo. Keep it." At tuluyan na siyang umalis.
