Chapter Four

17 0 0
                                    

After ng klase ay pumunta ako sa mall para bumili ng bagong Cellphone. Medyo Luma na kasi ang cellphone ko kaya bibili ako ng bago.

Pagkatapos kong bumili ay kumain na ako ng hapunan sa Jobee. Alone. Di bali ng alone basta May pagkain. Eto yung forever ko <333 Haha! Para sa mga single dyan! Kaway kaway

Umorder na ako ng Dalawang kanin at Fried chicken tas Caldereta with Dessert pa and Softdrinks plus take out na burger and fries. Hindi rin naman halata na malakas akong kumain haha. Pero di nyo alam na marami ang nagtatanong sakin kung bakit raw ganito ka sexy ang katawan ko. Hihi. On diet ba raw ako? Haha! Dependi lang naman yan sa metabolism eh. Kasi kahit anong pilit kung pagpapataba, talagang Kapos ako sa fats! Tsaka sa sobrang sexy ko ay may abs ako. Kaya minsan na akong nanalo ng Best in swim suit attire and Miss Body Beautiful dahil raw sa hubog ng katawan ko.

Kakasimula ko palang ng isang subo ay may biglang lumapit sa table ko at nilagay ang tray ng pagkain nya. Pag angat ko ng ulo..

"Can I share with your table miss?"

Eh. Sino pa ba?

"Wew! Ikaw na naman Vince!" Napailing nalang ako. " okay sure. Hindi rin naman akin ang table nato para ipagdamot ko sayo"

Nilapag nya sa table ang pagkain saka umupo. Napatingin sya sa pagkain ko at napansin ko ang kanyang pagtawa.

"Whats funny? Huh?"

"Hihi. Wala. Hindi ko inisip ganyan ka pala kalakas kumain sa sexy ng katawan mo"

Sa sinabi nyang yun feeling ko namumula ako.

"Ah hehe. Thanks. Ganito talaga ako kumain. Masyado bang di kaaya ayang tignan?"

" no no no, ofcourse its fine! And your cute! Haha"

"Tsss. Kain na nga tayo. Kung ano ano pang mga biro eh."

Sa lakas kung kumain ay nauna pang natapos si Vince. Nahiya naman ako! Hahaha. Bahala sya basta ako, eto talaga ako. After a minute ay natapos narin ako. Pumunta muna ako ng Cr saglit para mag ayos ng sarili. Then I put a lipstick on. Dry kasi yung lips ko pag walang nkalagay na lipstick.

Papunta na ako sa counter para bayaran ang mga inorder ko pero Tinanggihan ako ng cashier dahil sa bayad naraw ang order ko. Nong tinanong ko kung sino ang nagbayad, sinabi nya sa akin na Boyfriend ko raw ang nagbayad na si Vince ang tinuro ng babae. Nginitian pa ako ni Vince at napangisi nalang ako sa babae. Sabi pa nya " Uyy gwapo naman ng boyfriend mo. Regular costumer namin yan, Minsan magkasama pa sila ng Girlfriend nya, si Mj-- ay sorry Miss." Napatigil sya ng banggitin si Mj pero agad din naman nagsorry. Haha! Okay lang naman yun eh tsaka hindi ko naman sya boyfriend. Ano naman kayang sinabi ng mokong nato!?
" no its fine! Hehe sige Salamat po" tapos lumabas na kami sa Jobee.

"Kala mo natuwa ako sa sinabi mo sa Cashier? Anong boyfriend kita? Hmm.. pero thank you narin sa pagbayad mo sa order ko. Ako naman sana magbabayad nun eh nag ayos lang ako saglit sa Cr."

" Nag lipstick ka?" Biglang tanong nya.

"Oo bakit? Hindi ba halata?"

"Hindi."

"Huh?"

"Hindi bagay sayo. Tanggalin mo nga yan, mas maganda ka pag hindi nakamake up. Just remain simple. Okay?" Tumigil sya sa paglalakad at hinarang ako.

Bahagyang nilapit nya ang kamay nya sa labi ko at dahan dahang Pinunasan ng panyo ang lips ko.

"Teka, anong ginagawa mo?" Pinigilan ko sya.

"Tinatanggal ko lang lipstick mo. Anong gusto mong gamitin ko? Gusto mo halikan pa kita?"

"Sira! Ako na, pasweet ka pa eh baka may makakita satin!" Kinuha ko sa kanya ang panyo at pinunasan ko ang lipstick. Teka? Bakit ko nga ba sinunod ang sinabi nya? Boyfriend ko ba sya?!

PANSAMANTALA lamang MAHAL koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon