Gerald’s POV
Sa nakaraang buwan pareho kaming lahat na abala sa kasal namin ni Sarah na magaganap na bukas. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita , sabi kasi nilang lahat bawal daw kaya pumayag naman ako kahit labag sa kalooban ko. Kesa di matuloy diba? Naninigurado lang naman ako e.
“ Saan ka pupunta? “ tanong ko kay Honey
Alam ko namang busy din itong babaeng ito sa kasal e , baka kasi umalis at pabayaan ang preparation ng kasal kaya nagtatanong ako sa kanya kung saan siya pupunta
“ Alam mo masyado kang paranoid! “ sabi niya sa akin
“ E kasi naman e baka maglakwatsa ka “
“ Adik ka ba .. alam ko namang bukas na ang kasal niyo , aalis pa ba ako “
“ Sorry naman .. “ sabi ko sa kanya
“ Ay naku ewan ko sayo! Diyan ka na nga! “ tsaka umalis na siya “ Ahm Ken? “ rinig kong tawag niya kay Ken
“ Yes? “ sagot naman ni Ken kaya hinayaan ko nalang sila , alam ko namang busy sila e
Kaya nag decide akong pumunta sa garden ng bahay namin at nadatnan kong may kausap si Ashley sa phone at panay ang ngiti kaya lumapit ako , Di niya ako nakikita kasi nakatalikod siya .
“ HAHA , nako parang ngang baliw si Daddy e , ang gulo pa ng buhok every morning “ tas tumigil si Ashley siguro nagsasalita yung kausap niya “ Frustrated ata e! Na matagal kana niyang hindi nakita Mommy “ pagkarinig ko palang sa word na Mommy hinablot ko ang phone ni Ashley “ Ayyyyyyyyyyyyyyyyy “ si Ashley pero wala akong paki
“ Hello babe! “ sabi ko sa kanya
“ Daddy akin na yang phone ko “ si Ashley na hinahampas yung tiyan ko
“ Wait baby .. I miss your Mommy , kakausapin ko lang “ sabi ko sa kanya