Dream Guy

244 11 1
                                    

                            " Rin, tara na! Bagal kumilos? " Sabi sa'kin ni Lissa.

" Wait lang! Atat? " Sigaw ko, nasa loob parin kasi ako ng classroom at siya nasa labas na, kasama yung boyfriend niya. Swerte talaga ni Lissa.

" Tulungan mo na kaya, Mahal. " Rinig kong sabi ni Ikuto kay Lissa. Mabuti naman at na isip niya yun. Pero hindi ko talaga type yung endearment nila na ' MAHAL.' Sabihin niyo ng bitter, pero di ko talaga type yun. Like hello? Ang korni! 

And bagay talaga sila, isang Kuto at isang Lisa. Wow~ Perfect Combination! 

" Sige na nga, kung di lang kita mahal eh. " Sabi ni Lissa at pinalo ng mahina si Ikuto , amp naglandian pa. Ba't ba ako napapasama sakanila? 'Di ko alam na nakakaya ko yon! Susme. 

Lumapit na sa'kin si Lissa at tinulungan ako sa mga dala kong gamit, dala kasi ni Ikuto yung gamit niya.

Nakalimutan ko, Ako nga pala si Rienee Eve Rivera ( Rini Iv Rivera ) at etong mga kasama ko ay si Melissa Terres, bestfriend ko at si Ikuto Ambata, boyfriend niya. Well ako still single and ready to eat pringles HAHAHAHAHA! 

Mayaman 'yang dalawa eh, si Lissa na may business ang family at malaki ang bahay, may balak pang lumipat. Amp lang iiwan ako. Deh joke sabi niya malapit lang yung paglilipatan nila. Sabi ko naman lilipat na nga lang, sa malapit pa, tangina wag ng lumipat 

Si Ikuto naman mayaman din, well wala naman akong pakilam kay Ikuto, dahil hindi kami Close, friends lang pero ipinagtataka ko kung bakit Ikto ang pangalan niya. Hindi naman siya Half. Pure daw siya. 

Nang makarating kami sa gate, sinalubong kami ni Kuya Driver.

" Kuya, pakihatid na lang po 'to sa bahay. " Sabi ko kay Kuya tapos ipinatong ang gamit ko sa sasakyan. " Di po kayo sasabay Ma'am? " Tanong ni Kuya.

" Hindi na po, may pupuntahan pa po ako. " Sabi ko kay Kuya at sinarado ang pintuan ng sasakyan.

" Yaman mo talaga. " Sambit ni Lissa habang naglalakad kami, ihahatid pa kasi ni Ikuto si Lissa at ako may pupuntahan pa.

" Hindi ah! Mas mayaman nga kayo sa'min, see! You even have a business and a big house. " Sabi ko kay Lissa.

" Neknek mo Rin, anong hindi ka mayaman? Bakit kayo may driver ha? Bakit kayo may dalawang sasakyan? Bakit sobrang laki ng bahay niyo at ang lawak pa? Yun ba ang sinasabing hindi mayaman? " Paghehesterical niya. Napakamot naman ako sa ulo, sabagay totoo lahat ng sinabi niya.

" Lul, pramis talaga Lissa, HINDI." Sabi ko at tumawa.

" Bahala ka, oo nga pala. Wala ka pang balak magka-boyfriend? " Pagoopen niya. Ehh ayoko!

" Magboboyfriend, wala namang manliligaw? Baliw lang! " Sabi ko sa kaniya at nagpout, ang totoo may hinihintay ako.(〃 ̄ω ̄〃ゞ..

" Hoy Pusa, meron kaya! " Sigaw niya saakin. 'Yan na naman siya, tinatawag akong pusa ε=o('ロ`||) It hurts! You know!?

" At sino?! " Panghahamon ko sa kaniya. Eh sa wala akong alam eh! (╯°□°)╯︵ ┻━┻

" 'Yung pinsan ko. " Pakikiepal ni Ikuto.

" Sinong pinsan? Si Datu Puti?━Σ(゚Д゚|||)━ " Gulat kong tanong sa kaniya, Si Datu Puti?! Bakit Datu Puti tawag ko? Kase Datu pangalan niya. As in Datu, wala ng naisip yung nanay na ipangalan sa kaniya at may natagpuan na Datu puti sa table at yun ang ipinangalan sa kaniya. Pwede naman kasing Juan o Pedro na lang ang ipangalan, Datu pa ang naisip. Tsk tsk.

" Oo. " Sabi niya at patango tango pa.

" Bakit hindi ko alam? Tsaka wala namang napunta sa bahay. Duwag Siya!!\(>o<)ノ " Sabi ko at nagpapapadyak sa kalsada. Okay nakakahiya 'tong ginagawa ko.

Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon