o2

28 0 0
                                    

Pumunta kaming Robinsons. Yun ang malapit na mall samin eh. Tinatamad pa naman ako maglakad.

"San tayo ngayon?" tanong niya.

Ay may kasama pala ako. Haha. Ang sama ko noh. Hihi

"Arcade tayo?"

"Tara na sa 3rd floor." Tapos nagsimula na siyang maglakad papunta sa escalator.

"Elevator na lang tayo."

"Kahit kelan talaga ang tamad mo."

Yeah right. "Pakialam mo ba?" Eh sa trip ko.

-- Tom's World --

"Ano ba yan. Pangatlong try mo na wala ka pa ding nahahakot kahit kendi! Baluga ka talaga." - ako

"Ikaw kaya."

Kinuha ko yung token sa kanya. Last na token pa naman namin to.

Tapos Hinulog ko na. Then push the button...

"HAHA. Kitams! Jackpot ko. Nahakot ko yung prizes. Weak ka lang talaga sidekick."

"Eh di ikaw na."

"So, nagsusungit ka na rin ngayon?"

Goodvibes na nga ako eh. Panira naman to >.<

Pero kahit ganito ako, sinusunod pa din naman ako ng sidekick kong yan. Kaya nga siya ang CLOSE sakin kasi natatagalan niya ang ugali kong ganito.

Nilaro namin halos lahat ng arcade games dun tapos naisipan niyang mag-ktv. Pumayag na rin naman ako kasi feel ko din naman na magvideoke. Gusto ko nga yung videoke sa sariling room, iiwan lang naman yung I.D kaso wala pala kaming dalang I.D >.< kaya dun nalang kami sa PangPUBLIC ba. Exposed ang beauty ko dito.

"Hoi 'wag na lang kaya." sabi ko sa kanya

"Ngek, andito na tayo oh. Pipili ka na lang ng kanta."

"Baka madiscover ako dito eh. Ganda pa naman ng voice ko." Haha. Magbuhat ba ng sariling bangko. :p

"Ay teh. ARTE ARTE? Anne Curtis lang naman ang peg ng boses mo." Argh. Binabara na ko ng sidekick kong to. Haha. Pero dahil good mood ako, pagbibigyan ko siya ngayon.

Tapos ayun naglista kami ng mga gusto naming kanta para di na kami babalik sa pagpili. Then pumunta na ako sa bibilhan ng token.

"Ate, 50 pesos po." Aba, magalang ako noh :)

Inabot na sa'kin ni ate yung sampung token. Ehem ehem. Ready na ang golden voice ko. Party party!

HAHA. Hyper lang :p

Pagbalik ko dun sa KTV, lumapit naman ako agad kay dakilang Sidekick. Ngayon ko lang napansin na may mga nakasalang na pa lang kanta. Tatlo. Lahat ata ay sa babaing mukhang nabagsakan ng langit. Haha.

Unang kanta niya. When the last teardrops fall.

Hindi naman napaghahalataang BROKEN-HEARTED yung babae. Pero malay natin, isang kanta pa lang naman yun eh. Kaso, TAMA pala ako kasi yung dalawa pa niyang sumunod na kanta ay I Love You Goodbye at When You're Gone. Mangiyak-ngiyak pa nga siya habang kumakanta eh.

Hay. Naalala ko nanaman tuloy si pamangkin.

Hala. Umiiyak na ata yung girl. Kawawa naman :3

Nagkatinginan na lang kami ni Sidekick.

At dahil dun nagkaroon ako ng Bright Idea. *Ting!*

Nilapitan ko yung babae. Inabutan ko siya ng panyo.

"Miss, ok ka lang?" Haha. Nagpapatawa talaga ako. Nakita na ngang umiiyak, tinanong ko pa kung Ok yung tao.

*Iyak* "Huh, uhm thanks uh. Uhm ok lang ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOW TO BE A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon