o1

28 1 0
                                    

Andito na ako...

Si Yhanella Elicano, sapat ng alam niyo lang ay pangalan ko. Hindi na kailangan ng edad, tirahan at kung ano pa. Dahil alam kong pagkatapos ng kwentong ito, maraming maiinis, magagalit, magtataka at magtatanong sa kung anong naging takbo ng istorya.

Tama kayo. Gusto kong turuan ang kapwa ko babae na maging Heartbreaker. Hindi ako namimilit. Ang kusang lumapit dahil na rin sa galit, TULONG ko ang kapalit.

Uunahan ko na kayo. Hindi ako Broken-hearted. Hindi pa ako nasasaktan. Hindi pa ako nagkaka-BOYFRIEND dahil AYOKO. at Hindi ko pa naranasang MAGMAHAL.

So, bakit ko to ginagawa?

Simple lang...

BABAE ako.

Di mo pa rin gets?

BABAE ako kaya ayokong kinakawawa ang Babaeng tulad ko.

Kaya kung isa ka sa mga dahilan ng pag-iyak nila. Pasensyahan na tayo, SARILI MONG LARO ANG MAGPAPATALO SAYO.

"Tama na yan Yhannie. Akala mo naman masisindak mo sila dyan eh sa notebook mo lang naman sinusulat. Ikaw lang nakakabasa niyan. Ilagay mo kaya sa website mo."

Hay naku. Epal na naman tong sidekick ko. Di ba ako yung Hero kaya kailangan ko ng kasangga. Makikilala niyo rin siya, huwag kayong atat.

"Tanga ka ba? Eh di pag nilagay ko sa Website, makapaghahanda na yung mga lalaking nagpapaluha sa mga kababaihan." Sabi ko sa kanya sabay hampas ng notebook na sinusulatan ko kanina.

"Sya nga pala yhannie, yung pamangkin mo umuwing umiiyak kanina. Nakita ko pag akyat ko dito sa kwarto mo. May problema ata." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong nangyari kay Rocia? yung pamangkin ko.

"Teka nga, puntahan ko muna sa kwarto niya. Magluto ka na din kaya ng hapunan, dito ka na kumain sa bahay." 

"Wow nemen. Matutuwa na sana ako't inalok mo kong kumain dito, ako naman pala yung paglulutuin mo." Tsk =_=

"Magrereklamo pa eh, gawin mo nalang." sabi ko sa kanya sabay labas ng kwarto ko.

Nasa may pintuan palang ako ng kwarto ni Rocia, naririnig ko na agad yung iyak niya. May problema nga 'to. Kaya dahan-dahan kong binuksan yung pinto at pumasok na ako.

Andun siya sa kama niya, yakap yakap yung Teddy bear na lagi kong nakikita sa kanya pag nasa bahay na siya. Umupo ako sa gilid ng kama.

"Anong problema? Bakit ka ba umiiyak bhe?" yan kasi ang tawag ko sa mga mahal ko.

"T-ti-tita *sob* k-kasi ..." hindi na natatapos yung sinasabi kaiiyak eh.

"Tahan na kasi para maintindihan ko."

Umayos naman siya. "Kasi tita si Mackie, nahuli kong may kahalikang babae sa school." aah. Yun naman pala. Teka?!!! Sinong Mackie 'to?

"Sino ba yung mackie na yun?"

"Boyfriend ko po tits."

Kaya naman pala kung makaiyak, grabe. Yun ba yung nagbigay sa kanya ng teddy bear na yan. Baluga >.<

*Sob*

Tss. Umiiyak na namn siya. Ano ba yan.

"Umayos ka nga bhe, lalaki lang yan. Nasasaktan ka di ba? Kung nasasaktan ka, sige magpakasakit ka. Kung gusto mo umiyak, sige umiyak ka. Huwag lang yung makikita ko't naririnig sa buong bahay. Kung di ka pa makaMOVE-ON, then stay. Basta dapat bhe unti-unti kang magstep forward."

Sabi ko sa kanya. Yan na ang pinakamatinong advice na maiibigay ko sa kanya. Dahil kung ako talaga ang masusunod, gaganti ako. Papaluhain ko din ang lintik na lalaking yun. Pero ayokong gawin yun sa pamangkin ko. Siya dapat ang magdesisyon sa bagay na yan.

"Tits pwede iwan mo muna ako. Salamat ah." Tapos niyakap niya ako. I hugged her back, tumayo na ko't lumabas na ng kwarto niya.

Ngayon, naiintindihan niyo na ba ako?!

Ayokong nakikita ang kapwa kong nagkakaganyan dahil sa lalaki.

Kaya kung magalit ka man sakin, wala akong magagawa.

Gagawin ko pa rin.

"Yhannie."

O.O

"Tae ka! Bakit ka ba nanggugulat dyan!" Nahampas ko na naman tuloy siya.

"Aray naman! Sasabihin ko lang naman PO na tapos na akong magluto. KAKAIN na."

tapos bumulong pa, rinig ko naman. "Ako na nga yung napag-utusan, ako pa yung kinakawawa nitong babaeng 'to."

"May sinasabi ka?" Sabay tingin ng masama sa kanya. Ang bait ko na kaya sa kanya sa lagay na 'to ^_^

"Wala."

HAHA. Tameme lang siya

Wala na ko sa mood kumain dahil sa nangyari sa pamangkin ko. >.<

"Hoy. Labas na lang tayo."

"Huh. Eh sayang naman yung niluto ko."

"Nawalan na akong ganang kumain. Kainin ko na lang pag-uwi."

"Psh."

Kaya ayun lumabas na lang kami kasi wala naman talaga siyang magagawa, yun ang gusto ko eh.

HOW TO BE A HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon