The Yellowcard (Denlou One Shot)

188 4 4
                                    

The Yellowcard

Alden's POV

Tinitingnan ko kung bubuksan niya ang regalong ibinigay ko sa kanya. Pero hindi niya man lang ito tiningnan. Siguro nainis siya nang malaman na ako pala ang nakabunot sa kanya. Kasalanan ko naman kasi yun eh. Kung di ako nakipagkita kay Lauren nung araw na iyon, edi sana di niya ako nahalikan. Edi sana hindi yun nakita ni Louise at di siya nakipag-break sa akin. It's been 4 months at hindi ko inakala na mauuwi sa hiwalayan ang relasyon namin. Freshman kami nang manligaw ako sa kanya at sophomore nang maging kami. Ngayong Fourth Year, siya ang nakipag-break sa akin. Pero kung alam niya lang talaga. Siya lang ang minahal ko at walang iba. Di ko akalain na nung gabing hinalikan ako ni Lauren ay nandun siya... Sinubukan kong mag-explain pero di niya ako pinakinggan. 

Ngayon, nakatingin siya sa akin at alam kong galit siya pero wala akong magawa. Pag siya talaga ang kaharap ko, wala akong masabi. Nang titigan ko siya, bigla naman siyang umiwas. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. Eversince our break-up, di pa kami nagkakausap. 

Pagkatapos ng exchange gifts, nagsi-uwian na kami. Sasakay na sana ako sa kotse ko nang marinig ko ang boses niya. 

"Manong, what do you mean na hindi mo ako masusundo? Paano na po ako makakauwi ngayon? Sige mag-cocommute na lang ako. Sige. Bye."  sabi niya sa cellphone.

Paglingon niya, nakita niya ako. Inirapan pa ako at sinabing, "At kung di ka ba naman minamalas." 

Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan ng mahigpit para di siya makabitaw o makaalis man lang. 

"Louise... please... hanggang ngayon ba naman galit ka pa sa akin?"  sabi ko

Tumingin siya at sinubukang alisin ang kamay niya. Pero di niya magawa. 

"Sino ba naman ang hindi magagalit sa nagtaksil di ba? Kitang kita ko. Hinalikan mo siya. Paano mo iyon ipapaliwanag?" galit niyang sabi

"Ilang beses ko bang sasabihin. Hindi ko siya hinalikan okay! Siya ang nakipaghalikan sa akin. Di ko alam na gagawin niya iyon... Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?"

 "Hindi mo alam na hahalikan ka niya? Bakit? Ganun ka ba kahina kaya kinakaya ka ng babae? Bakit Alden? Hindi mo alam kung gaano kasakit na makita yung boyfriend mo may kalaplapan na ibang babae! Hindi mo alam kung gaano kasakit na magmahal ng isang taong di ka naman talaga minahal! Di mo alam ang sakit na naramdaman ko. Kasi puro sarili mo lang naman ang iniisip mo!" 

Umalis siya... hawak hawak ang paperbag ng regalo na bigay ko. Sana buksan mo... Sana malaman mo ang totoo... Sana... patawarin mo na ako.

Hinayaan ko siyang umalis. Ngayon... pero di ako susuko. Kailangan mapatawad niya ako. 

End Of POV

Louise's POV

Bakit ba sa lahat ng makakabunot sa akin, siya pa? Bakit sa lahat ng mga kaklase ko, ang ex boyfriend ko pa? 

Nakakainis naman tong araw na ito. 

Nakarating ako sa bahay mag-gagabi na. Di kasi ako nasundo ni Manong kasi na-flattan daw siya. 

"Oh? Bakit ngayon ka lang Princess?" sabi ng Daddy ko

Niyakap ko siya tapos sabi ko, "kasi po si Manong, di ako sinundo."

"haay. Nako! Nakaka-ilang beses na yan si Manong ah. Bayaan mo. Pagsasabihan ko. Osya! Akyat ka na sa kwarto mo." sagot sa akin ni Daddy.

Nang makarating ako sa kwarto, nagbihis ako ng pambahay. Pero may napansin akong isang yellow paperbag sa ibabaw ng kama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Yellowcard (Denlou One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon