[2] Platonic

1 0 0
                                    

A/N: I took the idea of this chapter from one of shirlengtearjerky's update in Psychedelic Drabbles. But the story is different.

Instructions (susunod kasi ng hindi nagkakamali): Basahin according to the number.
xxx

10. Minsan nanghihinayang pa rin ako na kinausap kita noong araw na 'yon.

2. Kahit na may pagka anti-social ka, okay ka naman palang kausap. Ang dami mo ngang alam eh. Hindi ka masyadong madaldal pero nakakaaliw kang kasama. Ewan ko ba kung bakit. Maybe because you are darn smart?

Hanggang sa naging routine na yon sa loob ng halos apat na taon. Masaya. Wag na lang pansinin ang mga bwisit na nangiinis na may something na daw tayo. We enclosed ourselves into an impenetratable bubble everytime we are together.

5. Kaso bigla na lang.. ewan ko ba. Nagulat na lang ako sa mga nangyari. Nasasaktan ako pag magkasama tayo. Parang tanga no? Kasalanan mo rin to. Valentines, nagcomment ka sa timeline ko ng ♥♥ Akala ko ba platonic tayo? Napa dami tuloy ang inom ko ng san mig light.

7. Sabi ng teacher natin sa Econ, wag daw magmamahal ng sobra sa highschool kasi daw bata pa. Nakakagago daw kasi ang pag ibig.Sana nasabi niya yan dati pa.

3. Hanggang sa di ko na kinaya ang pang iinis nila at nagtanong na ako. May gusto ka ba sa akin? Wala kang sinagot.

4. Okay lang. Atleast malinaw na di ba? Di na aasa. Para matigil na ang pang aasar nila. Para alam ko na ang isasagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa atin.

1. Masungit ka daw at tahimik. Sabi sa akin ng iba nating kaklase. Okay lang, hindi naman kasi ako interesadong kaibiganin ang lahat ng estudyante sa school na nilipatan ko. Kaso nakasabay kita sa jeep at mahaba ang biyahe.

8. Kaso may narealize ako habang tumatagay ako ng empi lights. Mahal na pala kita. Matagal na.

6. Wala pa ring nangyari. Hanggang sa graduation na at magkaiba na tayo ng pinasukan na university. Okay naman.

9. Syempre sinabi ko sayo. Umamin ako. Kaso wala kang sinabi. Wala kang reply. Wala.

Xxx
Definition of Platonic:
Platonic- No romantic feelings. Barkada. Friendzone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon