Chapter 2

13 0 0
                                    

~Flashback~

"Allysson, may dapat kang malaman."

Hawak ni Zian 'yung kamay ko. Alam kong nararamdaman niya yung panginginig nito. Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng takot at kaba. Sa mga salitang binitawan niya, may hindi magandang mangyayari.

"Ano yun Zian?"

"Hindi mo deserve ang tulad ko,Allysson." Malungkot ang mukha niya, Pilit siyang umiiwas sa mga titig ko.

" Ano bang sinasabi mo Zian? OK naman tayo diba?" Pinipilit kong tapusin ang pag uusap namin at magkunwari na lang hindi nagyayari ang lahat ng ito. "Tama na please. "

"May iba na kong mahal Allysson"

Humigpit ang hawak ni sa mga kamay ko. Hindi ako maka sagot. Para bang napipi ako sa pagkakataong iyon. Sana bingi nalang ako para Hindi ko narinig sa kanya ang mga salitang yun. Sana bulag nalang ako para Hindi ko makita ang sariki kong luhaan. Hindi makapag salita, at Hindi makapag Laban.

"Im so Sorry, Allysson."

Nakayuko siya halatang umiiwas sa tingin ko. Sa mga mata kong nalulunod sa mga luha dulot ng mga nagyayari. Kasabay ng pag patak ng luha ko ang pagbagsak ng kamay ko mula sa mahigpit niyang hawak.

"Wala naman tayong problema diba? Bakit ka ganyan Zian?"

"Allysson, bingi kaba? May mahal na akong iba!!!!" Tumaas ang boses niya. Ramdam ko rin ang galit sa Puso niya.

Hindi ko naiintindihan ang nagyayari. Nagulat ako. Natakot sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi na siya yung Zian na nakilala ko. Ibang-iba na siya.

~End of Flashback~

End of Chapter2

Meant To Be (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon