SH1

135 0 0
                                    

Aria's POV

Rise and shine people

Haaay~ Another day as Senior student.

Tumayo na ako at niligpit ang aking kama.

Mukhang magiging maganda ang araw ko ngayon ah. Haay~

Pumasok na ako sa banyo at ginawa na ang aking mga routines para sa pag-pasok.

After a few minutes.. Natapos na din ako at bumaba na para mag-breakfast. Naabutan ko ang aking butihing ina na naghahanda ng agahan namin.

"Morning,Ma" bati ko sakanya. Napalingon naman siya sakin at nginitian ako "Morning din, nak. Mukhang maganda gising natin ah" mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Hehe, hiya ako >.

"Naku, ang anak ko. Mukhang alam ko na yan. Haay, sige na kumain ka na diyan. Baka malate ka pa" umupo na ako sa upuan ko. Nakita ko naman si papa na pababa na ng hagdan. "Morning, Pa" bati ko sakanya ng makalapit na siya samin. "Morning, nak" sabay kiss sa ulo ko at kiss sa cheeks naman kay mama. Ang sweet talaga ng papa ko. Sana ganyan din sakin si-- Oops! Hehe, bawal muna.

"Mukhang maganda gising ng prinsesa ko ah" sabi ni papa na napatingin kay mama na parang nagtatanong. Nagkibit balikat naman si mama at umupo na si papa sa upuan nya.

"Inlove lang yan" Haay.. ayan na ang asungot. "Inlove ka diyan?!" pagtataray ko sakanya. "Papa oh! Si kuya , nangaasar na naman" pagsusumbong ko kay papa. "Aris ha!" saway ni papa. Napakamot nalang si kuya sa ulo nya. Bwahaha, kala nya ha. Binelatan ko siya at napa-pout naman siya.

Hahaha.. Ngiting tagumpay naman ako.

Matapos ang agahan ay nagpaalam na ako sakanila. Baka malate pa ako dahil kay kuya. College na kasi siya kaya di kami nagsasabay ng alis.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep at nakita ko naman ang isa kong best friend na nag-hahantay sakin.

"Antagal mo naman" sabi nya sakin ng nakalapit na ako sakanya. Tingnan mo tong babaeng to, parang byernes santo ang mukha. Buti nalang maganda mood ko ngayon. "Good morning din, Steph" ngiting asar ko sakanya. Nakasimangot lang ang bruha. "Sorry naman teph, si kuya kasi eh.." bigla namang nagbago ang itsura ni Steph, biglang nabuhayan. "Kamusta na siya?" kinikilig na sabi nya sakin. Tingnan mo tong babaeng to, napaka-bipolar. Palibhasa kasi crush niya si kuya kaya ganyan.

"Ayun makulit parin.." sabi ko sakanya. Ngiting baliw naman to. Hinila ko na siya bago pa mag-day dream sakanila ni kuya, baka malate pa kame.

Sumakay na kami ng jeep.

After 1356756146125 years na akala ko forever na ang traffic eh nakarating na rin kami sa school. Wooh! Grabe! Nakakasira ng ganda ang traffic. Rekta muna kame ni Steph sa cr ng makapag-retouch konti dahil nahaggard kame. After makapag-retouch eh lumabas na kame ng cr. Saktong paglabas namen eh sya namang tilian ng mga babae. Ohmaygad!! Maganda na ba ako?! Inayos ko ang buhok ko. Lipstick? Check. Foundation? Check. Eyebrow? Check. Perfume? Check. Damit? Check!! Okay, maayos na akong tingnan.

Parang slowmotion ang pagdaan nila sa amin. Ang mga oh-so-goddamn-hot-oh-so-papalicious-oh-so-papable-and-oh-so-handsome na miyembro ng Basketball team. Gosh! Andyan kaya siya?!

*O*

"Aria? Relax ¬.¬" Si Steph. Hindi ko siya pinansin basta nakatingin lang ako sa pinagkakaguluhan din ng mga babae. Wala akong pake kung humuhugis puso man yung mata ko ngayon. Wapakels ! Fangirling mode muna ako *Q*

Palapit banda samen ang grupo ni Anthony, Team Captain ng Basketball Team ng School. Napadaan lahat ng miyemro samen, pero.. Teka! Asan siya?

Then sa isang iglap parang nagslow-mo ang paligid. Parang may bumubuhos na mga petals ng roses at bigla nalang nagliwanag ang paligid (Kaekekan -,-)

O.may.ghad.

Wala na. Nalaglag na lahat ng nalaglag saken. Wala na.

"Aria!"

Ano ba ang ginawa netong lalaki na to at napunta na lahat sakanya. Lahat lahat na. Lahat na ng katangian ng isang matipunong lalaki ay nasa kanya na.

"Aria !!"

Para syang anghel na bumaba sa lupa. Bumaba para saken. Ang kanyang katawan, kanyang mukha. Parang nakikita ko na ang magiging anak namen. Hihihi ヾ(¯∇ ̄๑)

"Ariaaa!!"

Nabalik ako sa katinuan nung marinig ko yung malakas na boses ni Steph na tinatawag ako. Typical na malakas, kasi sa tenga ko sumigaw. Panira talaga tong babaeng to sa pagdadaydream ko -_-+

"Ano ba teph!? Makasigaw sa tenga ko ha"

"Haleeerr! Pano naman kasi anong oras na. Nakalagpas na sila oh. Ano pa gusto mo? Tama na kaka-day dream dyan. Malalate na tayo"

Haayyy ano ba yan. Di man lang ako nakapag-Hi. Nagpati-anod nalang ako ng hilain na ako ni Steph papuntang room.

Watta friend!

- - - - -

A/N:

So.. eyern.

Nakapag update din sa wakas hahaha.

Tyagain nyo na hehe

Ciao!

Seduce HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon