Aria's POV
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Aah.. Miss? Okay ka lang ba?"
Sh.t ! Ang ganda talaga ng boses nya.
"Uy miss?"
Sht! Sht! Sht! Nawala ata dila ko. Speak Aria. Speak!
"A..a..ahmm.. Yeah!!" napapitlag pa sya sa pagsigaw ko. Shaks! Your insane Aria.
"Ahmm. Mukhang okay ka nga. Sige papasok na ako" at lumakad na sya papasok ng building nila.
Wala na...
Yung nagiisang chance ko na mapansin ni crush wala na. As in, WALA NA!
Lugo lugo akong pumasok ng room. Iilan palang ang naroon dahil maaga pa naman.
Dumukdok nalang ako sa desk ko.Feeling heart broken ako dito. Huhu.
Pero shete lang... Ang wafu nya talaga. Emeghed!
Shaks! Aria ang landi mo talaga hihihi
Okay, compose your composure Aria.
Dumating din yung bestfriend kong haggard na haggard. San bang lupalop nanggaling to?
"Besstttt!!!" Tumakbo sya papunta saken .
"Anyare?" taas kilay kung tanong sakanya. Pano' parang sabog sya. Gulo gulo yung buhok. Yung uniform, tabingi pa yung mga butones. Yung bag nya nakalaylay na. Na-imagine nyo ba?
"Huhuhu.. Bess, late ako huhu" nakatayo lang siya sa harap ko at umaaktong umiiyak kahit wala namang luha.
"Alam ko" bored na sabi ko. "Buti nalang wala pa yung prof naten. Kundi sa labas ka na naman talaga mag-le-lesson" one time kasi na time-ngan sya nung prof namen na late. Ayun, sa labas siya naglesson. 2 hours yun ah. Mukha siyang tanga dun. Naalala ko tuloy yun hahaha. Ops! Ang bad ko.
"Bwiseettt huhuhu" umupo na sya sa tabi ko.
Sakto na syang dating rin naman ng prof namen bugnutin. Nagstart na ang lesson at parang lutang lang akong nakatulala. Naaalala ko paren yung nangyari kanina.
Shemaayyyy!!
- - - - - - - - - - - - - - - -
When the bell ring, I immediately fixed my things and stood up.
"Nagmamadali, Aria?" tanong sakin ni Steph.
"Yeah, kelangan kong pumunta sa library eh. Para sa assignment dun sa isang subject naten. Ikaw? Di ka ba sasama?"
"Nope. Tapos na ako eh. Kaya nga napuyat ako eh hehe" Kaya pala. Ngiting inosente naman tong isa.
"Daya mo." I pouted. She just smirk at me. Oww.. What's that means?
"Hindi mo alam?" tanong niya saken habang naka-smirk paren. Parang baliw na tong isa, may pa-smirk smirk pa. Mahanginan sana siya.
"Ano ba kasi yun?" irita kong tanong sakanya. Ayaw pa kasing sabihin eh.
"Well... May laro ang fafa mo ngayon" ngising sabi nito saken at instant naman na lumaki ang bibig at gulat na nakatingin sakanya habang nakatakip ang isang kamay ko sa bibig. What the--f!!
----------------------
Nakatulala lang ako habang nakatanaw sa malayo.
Andito ako sa library at nakaharap sa iba't ibang libro. Yung mahadera ko namang bestfriend, andun na at siguradong tuwang tuwa yun.
Naman kasi iiihhhhh! Ba't di ako nakasagap ng balita nun. Badtrip nemen! Kung alam ko lang edi sana pinagpuyatan ko ng gawin 'to para andun narin ako nanunuod. Kelangan ko ng gawin to dahil ipapasa na to sa makalawa.