Chapter 26

13.7K 457 103
                                    

Chapter 26

Akala ko, maarte si Keehana. Pero slight lang pala!
Ayon kasi sa sabi sabi, napaka dali daw nitong mandiri. Ang conyo-conyo pa. At mataray kung makatingin pero.... looking at her right now, masasabi kong mabait sya just like her mom.

Yes, maarte syang magsalita. Yung hinliliit na daliri nya, sobra kung makatikwas.
Yung hairstyle nya, mukhang pinasalon pa.
Pero yung pagtrato nya sakin, alam kong hindi sing-plastik ni Lavinia.

"I knew it was you! Remember the day we bumped into each other? I'm actually thinking where I first met you and then the moment you're out of my sight, I realized t'was you! The girl at my brothers camera!"

Ang haba ng sinabi nya at english pa. Dumugo tuloy ang ilong ko. Pero awa ng Diyos, nagets ko naman. Di lang ako makapaniwala sa sinabi nya.
Bakit ako mapupunta sa camera niya? Wala akong maalalang pumasok ako sa camera ni Keehan!

"He's your freaking stalker!" Nagmake face si Keehana pero with class parin kasi sosyal sya.

Mabuti nalang at wala dito si Keehan dahil kasama nung isa pang Keehan at kausap sila Kuya. Kung nagkataong nandito sya, baka nagpang-away na sila nitong kakambal nya.
Sabihan ba namang stalker!

"Tunay?" tanong ko. Para kasing imposible.
Bakit sya magiging stalker ko? Ganun na ba talaga ako kahali-halina? Haha.

"Yes! That's why I couldn't imagine how he dumped you so easily. Like, he's effin head over heels towards you and then all of a sudden, he's avoiding you. Gaaaad!" humawak sya sa sentido nya na animoy stress na stress sya.
pero may narealize ako.
Ang daldal pala nya noh?
Haha.
May isa pa kong narealize!
Narealize kong nagsisinungaling sya kasi napaka, napaka, napaka imposible ng sinasabi nya!

"Tama na Keehana. Ang dami mo ng nasasabi. Baka magalit ang kakambal mo" pigil ni Tita George.

By the way, sinasandwich nila akong dalawa sa sofa.
Kaya wala akong kawala sa kanilang dalawa.

"I'm just helping him, nanay" nakangusong pagpapaliwanag ni Keehana.
Napapangiti talaga ko sa t'wing binibigkas nya yung salitang nanay at tatay. kulang nalang ay yung 'gusto kong tinapay, ate kuya, gusto kong kape'
Hehehe.

Pero sa totoo lang, parang gusto kong nanay ang itawag sakin ng magiging baby namin.
Ang sweet kasi pakinggan. Bibihira nalang ngayon ang tumatawag ng nanay.

"Kobe" tumingin ako kay Tita nung hawakan nya ko sa braso.
May ngiti sa mga labi nya.

"I know, my son's been a total jerk on you. We already know what's the reason behind his stupidity of pushing you away pero Kobe...." grabe ang pamilya ni Keehan. Ang hilig mag english. Josme! "Give him another chance." Sabi nya.

Para naman akong hinaplos sa puso dahil sa pagsusumamo ng mga mata nya.
Ganyang ganyan ako tignan noon ni mama. Naalala ko tuloy si mama at papa.

"Alam kong hindi pa kayo gaanong magkaayos ni Keehan kahit na magkasama na kayo. I have sources, you know. Alam kong hindi ka pa tuluyang nagtitiwala sa kanya. pero Kobe, Mabait na bata yun. Masipag. Responsable. Matalino. At mapagmahal" nangangandidato ba si Keehan?
Kailangan ng mabangong pangalan? Ganun?!

"Sana hindi ka sumuko sa kanya. Just like his dad, alam kong papanindigan ka nya. Magkaugali sila ng ama nya eh! Papanindigan ka nya gaya ng paninindigan sakin ng tatay nya nung maaga din akong nabuntis"

Nanlaki ang mga mata ko.
Maaga din syang nabuntis?
Seryoso?!

"I see, you're shocked!" Tumawa ng mahina si tita

"I was also 18 years old when I discovered I'm pregnant. Pero hindi ako tinalikuran ng tatay nila. He supported me. We got married and now, we have a happy and complete family" bumaba sa kamay ko ang kamay ni Tita at hinawakan yun.

At The Age Of 18 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon