ALDUB
"Ayan na, kalyeserye na Emy! 'Lika na dito!" Sigaw ni Steph galing sa sala. Nandito kasi ako sa kusina at namimili ng pagkain, pero dahil sa sigaw ni Steph at naririnig ko na rin ang boses ng JoWaPao at TVJ dinampot ko nalang ang kung anong makita kong pagkain.
Mahirap na, hindi pwedeng may mamiss akong kahit isang eksena lang ng Aldub! Wala eh, fan ako.
Pagkarating ko sa sala ay sumalampak agad ako sa couch at napatili ng malakas, "Ang gwapo ni Alden!!" cinlose up kasi siya habang nagdu-dubsmash. Kung sino man ang camera man nila please po paki close up pa!! Kahit ata sa butas ng ilong ni Alden ay kinikilig ako, jusko! Kahit magkaroon ako ng kulangot ni Alden ay itatago ko.
"Emy, sana kasing ganda ako ni Maine. Tignan mo oh, nagwa-wacky na't lahat-lahat ang ganda ganda parin. Why is that?!" Napatango ako sa sinabi ni Steph, tama nga naman. Kung sakaling magkatuluyan itong dalawang 'to, ang ganda ng lahi nila panigurado! Parehas pang may kaya ang pamilya nila. Kung sila nga ang magkakatuluyan, iiwan ko ang kumpanya ng pamilya namin at maga-apply bilang maid nila.
Ang swerte ko kung nagkataon!
Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko, sinilip ko ito at nakakita ng facebook notification sa status bar. At dahil sa nag commercial muna ang Eatbulaga dahil nagkaproblema sa signal nila, sinilip ko muna kung tungkol san ang notifiction. Dali-dali kong inunlock ang cellphone ko para makita ang notification
Steph Macaganda tagged you in a post
Napatingin naman ako kay Steph, "Srsly steph?" Tumawa nalang siya at sinabing, "Basahin mo nalang!" Binaling ko ang ulo ko sa cellphone at viniew ito.
Steph Macaganda with Emy Suarez
Gravity! Bes, try natin mag marathon ng kalyeserye! Huhuhu, this is too much. Im zo kinikilig na to the highest level! #AlDubNation•Like •Comment •Share
Emy Suarez great idea,bessy!
Jude Navotas binigyan nyo ako ng idea! Ita-try ko rin 'to.
Gabby Cruz Fan din pala kayo? Me too.Napatitig ako ng matagal sa cellphone ko. Wait-Gabby Cruz?! Ohmy! Napatingin ako kay Steph at tumili. "Ohmy g bessy! I love you! Buti nagstatus ka! Ang swerte ko sayo!!"
Natawa naman si Steph sakin, "Sus parang nagcomment lang, eh!" Sinamaan ko naman siya ng tingin. Binaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa cellphone ko, hmm makapag reply nga sa comment ni Gabby. Chance ko na 'to!
Gabby Cruz Fan din pala kayo? Me too.
Emy Suarez Oh! Ikaw din?! Wanna come and join us?
Gabby Cruz Ayos lang ba sainyo?
Emy Suarez Oo naman! Diba Steph?!