Greta Garbo

1.2K 1 0
                                    

Aakyat sa Bagyo si Greta Garbo! Nasabi sa sarili ni Monina Vargas nang mapaghusay ang pagkaupo sa isang silid na "Primera" ng "express" na patungo sa hilaga ng umagang iyon. Binuksan niya ang kanyang "saquito de mano" at sa salaming nasa loob ay tiningnan kung wala na ang "carmin" sa kanyang dalawang labi saka ang rosas sa kanyang mga pisngi. Naroon pa. Wala siyang napansin kundi nabawasan ng kaunting pulbos ang tungki ng kanyang ilong kaya't dinukot sa loob ng "va nity case" ang isang maliit na espongha at pinagpagan ng maputing alikabok ang "munting bundok" sa dakong hilaga ng yungib ng perlas ng kanyang bibig.
Nguni't wala pa si John Gilbert ko! Ang nasabi uli sa sarili sahay tingin sa orasang platina na nasa pulso ng kaliwa niyang kamay. Nakita niya noo'y 7:45 na ng umaga. Sumaisip niyang may panahon pa upang tapunan ng sulyap ang unang mukha ng binili niyang "Tribune" sa loob ng estasyon. Tingin doon, tingin dito. Tila wala siyang naibigang balita, kaya't pasabog na ibinaba uli ang pahayagan sa kanyang luklukan.
Tiningnan uli ni Monina a ng kanyang orasan. May dalawang minuto rin ang ginugol niya sa pagtunghay sa pahayagan.
Nguni't bakit kaya nababalam si Octavio -ang tanong niya sa sarili. Ang ginawa ni ya'y nagtindig. Binuksan ang pinto at lumabas sa plataporma ng tren.
Talagang kahawig ni Greta Garbo si Monina Vargas. Singkit ng kaunti ang dalawang mata, tabas tari ng manok ang dalawang kilay, humpak ng kaunti ang pisngi na bumagay sa kanyang ilong na hindi naman katangusan at sa maliit niyang bibig na nahihiyasan ng maninipis na labi na tila lamang listong pula nakatali sa isang pumpon ng rosas.
Si Greta Garbo ang kanyang "ideal," kung naging makata siya'y ito ang kanyang paraluman; kung naging banal siya'y ito ang kaniyang Dios. Ibig na ibig niya ang mga nilalabasan ni GG - mapangahas, marahas umibig, matapang sa sakuna, tagapagwasak ng tahanan at tagapagbigay ng lunas sa mga pusong ang alagang bulaklak sa dibdib ay nagsisipamutla at nalalanta.
Dahil diyan kaya tinawag siyang GG­ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang larawang ipinamimigay ay ginagamit niya itong pamagat, sa mga sulat sa kaibigan ay ito ang kanyang lagda at sa mga liham kay Octavia Razon ang "John" ang palayaw niya at ang sagisag niya'y "Greta."
May pagkamestisa, nakagayak bestidong pang-akyat sa Bagyo, sa pagkakatayo ni Mona Vargas sa platapormang tren, ay tunay siyang "GG" na tila lumalabas sa "sound picture."

II


May natanaw siyang mga kakilala. May namataan siyang kaibigan. Naisip niyang hindi siya dapat pakita sa sino man. Hindi ba ang pag-akyat niya sa Bagyo ay simula ng isang lihim na "luna de miel" nila ni Octavia? Hindi ba may salitaan silang pagdating doon, ay hindi magtitira sa siyudad kundi aakyat agad sa "rest house" sa Sto. Tomas na mataas pa sa Bagyo upang sa gitna ng lamig na tila malapit na sa langit ay doon lumasap ng lalong matapang na alak ng pag-ibig buhat sa kopang niyari sa himaymay ng kanilang puso at dibdib.
Gayon ang kanilang pinag-usapan. Gayon ang kanilang pinag-kasunduan. Nasasalat pa niya sa bulsa ng kanyang bestido ang dalawang "tiket" na primera na patungo sa Bagyo. Nagunita pa niyang hindi na sila kumuha ng "cuarto reservado" sa Pines Hotel sa pangingilag na ilathala ang talaan ng mga panauhin ay masama pa ang pangalan nilang dalawa. Pumasok ngang muli si Monina sa kanyang silid. Salamat at wala namang tao. Marahil ay nakita ang isang "saquito de viaje" saka isang "overcoat" at ipinalagay na bagong kasal ang naroroon, kayat ang iba ay humanap na ng ibang silid.
Marahil ay bagong kasal nga ang narito! Ang sabi sa sarili ni Monina. Tiningnan niya muli ang orasan. Hesus! Sampung minuto na lamang at lalakad na ang "express"!
Ang ginawa ni Monina ay isinungaw ang ulo sa bintana. Ang malamig na simoy ng hangin sa umaga ay siyang naug-nahang humalik sa kanyang makinis na noo at namumurok na mga pisngi. Tiningnan na naman niya ang orasan. Siyam na minuto na lamang. Hindi pa rin natatanaw ang kahit anino ng kanyang hinihintay.
Hindi maaaring hindi siya dumating, ang aliw niya sa sarili -walang John Gilbert na sumisira sa pangako!
Hindi nga siya nag-aalinlangan kay Octavia Razon. Sa lahat ng lumigaw sa kaniya ay ito ang mapusok ang kalooban. Wala pa silang isang buwang nagkakaroon ng "relacion" ay naroo't nagsisimula na sila ng paggawa ng isang bagay na walang salang magiging "sensacional" sa pahayagang unang makatalos ng balita.
Isiping si Mona Vargas, nagging kandidata sa "Miss Philippines" ng isa sa mga nagdaang Karnabal at naging "Miss" ng isang lalawigan malapit sa Maynila, ay sumasamang tumakas kay Octavia Razon, isang mabuting "abiador"? Naisip ni Monina noong mga sandaling yaon na mabuti'y sa eroplano sila sumakay, gumawamuna ng isang "looping- the-loop" sa ituktok ng Maynila -lalo sanang mabuti'y sa tapat ng kanilang bahay sa Ermita bago tuluyang lumipad hanggang Bagyo, bumaba sa tuktok ng Sto. Tomas, buhat doon ay lumipad hanggang Hongkong, tuloy sa Tokyo, mamaybay sa mga pulong Aleutian, bumaba sa may Kanada at tuloy ng San Francisco. Ang kasal ay saka na. Kahit saan ay maidaraos ito. Iyan ang naisip ni Monina samantalang hinihintay si Octavia.
Natigilan na naman siya.Tiningnan ang orasan. Isang minuto na naman ang nakaraan. Siyam na minuto na lamang at lalakad na ang tren!
-Bakit kaya hindi pa dumarating ang taong ito! Ang tanong niya sa sarili.
Pinagbuti niya ang kanyang pagkaupo. Naghikab pa siya ng kaunti kaya't naunat angkanyang leeg na ang mga ugat ay walang iniwan sa mga kilabot na rosas sa talutot ng liryo, saka nagmuni­ muni upang malibang.
Maraming nagsiligaw kay Monina Vargas. Walang hindi nabibihag sa kanyang ganda at walang hindi nababatubalani ng kanyang ugali. Palibhasa'y nakaguhit nasa kanyang noo ang dalawang gatla na inilagda ng mga labi ng tag-araw ay ganap na nawala sa kanya ang kamusfnusan saka ang baliw na pag ibig sa unang malas.
Tunay na siyang dalaga na ang kaliwa't kanang kamay ay nagagawang talaro ng timbangan upang pagsukatan ng lamang pag-ibig ng mga pusong inihahandog sa kanya. Ang dalawa niyang mata ay talo pa ang batong urian sa bahay sanglaan sapagkat hindi na kailangang ikiskis kundi matingnan lamang niya ay nakikilala na ang uri ng gintong inilalako o isinasangla ng lalaking lumalapit sa kanya.
Gayon ang kanyang palagay. Subalit walang nagtamo ng notang 100% kundi si Octavia Razon. Magandang lalaki at abiador, mapangahas at matapang, marunong ng lahat nang larong pampalakas at naging kampeon pa sa "fancy diving". Ang hilig ni GG na mawilihan sa "sport" ay siya ring pinaparisan ni Monina. Siya man ay sinanay na rin sa ilang larong pampalakas. Ngunit ang kanyang "especialidad" ay sa "skating".
Nakiusap si Octavia na ihatid na siya sa bahay sa kanyang "roadster". Pumayag naman si Monina at pinauwi na ang kotseng naghihintay sa kanya. Nagpatakbo sila sa Luneta. Niyaya siya ni Octavia sa Dewey Blvd. upang magpahangin pa. Pumayag din siya. Niyaya siya sa dakong Pasay. Pumayag din siya. Niyaya siyang magpatuloy hanggang Kabite. Pumayag pa rin si Monina ... at habang daa'y nag-uusap sila. Nang matapat sila sa Camp Claudio ay naibalita ni Octavia ang kapanahunan nila ni Felix Reyes, Manong Elioraga, Teniente Donato Halili, Alfonso de Guzmm at iba pang nasa "talaang ginto" ng Guardia Nasional ang pangalan.
-At abiador ka pala! ­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­-ang wala nang pupong na sabi ni Monina kay Octavio. -Naku, kay laki-laki ng hangad kong lumipad! Naku, kay sarap-sarap marahil sa itaas!
Oo nga, -ani Octavio. -Para ka na ring nasa langit. At kung may kasamang kagaya mo ay pararng may kasamang "anghel" sa gloria, paris ngayon.
-Tsis! - Ang ismid ni Monina. -Lahat nang lalaki ay ganyan kung magsalita.
-Gayon ba? Ako ay iba -salo ni Octavia, sabay bitiw sa kaliwang kamay sa manibela at ibinalatay sa leeg ni Monina bago ikinabig ang ulo't inilapit sa kanyang labi. Ang bibig ni Monina ay huling-huli ng bibig ni Octavio.
Hesus! -ang pabalang sigaw ni Monina, ngunit hindi lamag maalaman kung sanhi sa halik ni Octavio sa kanya o sa karitelang kaunti ng matumbok dahil tila "zigzag" ang takbo ng automobile.
Isa sa mga naging "sumpatiko" kay Monina Vargas ay ang kinatawng Arsenio Bonifacio ng Laguna sapagkat nakita niyang minsan sa kanyang kamay ang isang "anillo de boda" na ang nabasa niyang pangalan ay "Virginia".
Tinulaan siya ni Dr. Fausto J. Galauran noong "senior" pa ito sa "College of Medicine". Ibig na sana niyang maniwala sa "buntung-hininga sa pahayagan" ng doktor na ito sa Kalookan, ngunit namuhi siya nang sabihing ang babaeng "ideal" niya'y ang parmaseutika. Pse! Ayaw na ayaw pa naman ni Monina sa nasabing karera ng babae.
Isa pa si Carlos Ferrer, kung sulatan naman siya nito'y tila palagiang "alegato" ng isang abogado. Saka isa pa'y ayaw siya kay Carlos sapagkat tuwing hihingi ng awit sa kanya ay "Nasaan Ka Irog?" Ang ibig na Monina ay mga awit na "jazz," yaong mayroong "it" -sabi pa niya.
Si Arsenio Afan ay gumawa rin ng isang magandang "interview" sa kanya. Inihayag pa ang kaniyang larawan sa "Liwayway" at sinabing siya ang "perfect type" ng makabagong dalaga. Ngunit hindi rin mahulog ang loob niya, palibhasa'y isang "pobreng peryodista lamang" Papatayin lamang ako ng gutom ng ganyang lalaki -sabi pa niya.
Marami pang iba. Sa mga manunulat sa wikang Ingles, ang "Beuru Brummel" ng "Tribune" na si Generoso Rivera lamang ang namintuho rin sa kanya, ngunit ang pangalan nito'y pinatay ng mga "ilagpis" na asul" sa karnet ng mga naghahandog ng pag-ibig sa kanyang yapak. May isa pang "chief clerk" sa isang kagawaran ng pamahalaan ang napaalis sa kanyang tungkulin sapagkat gumawa ng mga "milagro" upang makasuno sa likod ni Monina. Isang binatang komersyante ang nabaon sa utang sa Bangko Nasional hanggang sa samsamin nito ang tindahan dahil din kay Monina. At ang lalong masaklap, isang biolinista ng Musika ang nabaliw muna saka namatay dahil din kay Monina. Sino man sa kanila ay hindi kinahulugan ng Greta Garbong ito.
Talagang sa ibabaw ng lahat ng iyan, si Octavio Razon ay walang iniwan Edmundo Dantes na nasa tuktok ng matayog na bundok sa dibdib ni Monina Vargas at sinasabing "Ang mundo ay akin." Ibig na ibig ni Monina si Octavio. Paano'y nadamhan niya ng pag-ibig na nakalalasing. Iyan ang matagal na niyang hinahanap. Gaya ni John Gilbert at Nilo Asther na palaging partner ni Greta Garbo sa pelikula. Kung magsiyakap ay mahigpit, walang kasing higpit. Kung makahalik naman ay ibinabaon pa ang ilong sa pisngi ni Greta. At kung umiibig ay hindi sinasabi subalit ipinamamalas, ginagawa, kinukuha ang babaeng iniibig na paris ni Don Juan Tenorio.
Gayon ang ginawa sa kanya ni Octavio Razon. Walang sabi-sabi 'y niyakap siya, hinalikan siya kaya nang matapos ay saka nagpahayag ng "Nalalaman kong iniibig mo ako, kaya kita hinalikan."
Napikit pa ang dalawang mata ni Monina nang magunita niya sa loob ng silid na "express" ang unang sandali ng pag-iibigan nila ni Octavio.
Isang malakas na kalampag ng kampana sa estasyon ang biglang gumitla sa kanya at gumising sa kanyang pagmumuni-muni. Sinundan ito ng nakabibingaw na sipol ng lokomotora na ibinabalita na ang nalalapit ng pagtulak ng tren.
-Aba, anong oras na ba? -Ang tanong niya sa sarili sabay tingin sa kanyang orasang platino. -Naku! isang minuto na lamang! Hesusmariosep! Wala pa si Octavio? Saan kaya nagtungo ang taong ito? Baka kaya naman siya napahamak na ?
Wala namang sinumang tumugon sa kanya. Ang ginawa ni Monina ay nagtindig. Inilabas ang kalahati ng katawan sa bintana. May nakita siyang humahabol na lalaki. Maganda ang bikas. Makisig ang damit. Akala niya'y si Octavio na ngunit nang malapit ay hindi naman. Hesus! Kinapa niya ang bilyete niya sa kanyang bulsa. Naroon ang dalawang tiket hanggang Damortis saka sa automobile hanggang sa Bagyo. Hindi maaaring hindi dumating si Octavio. Si Octavio ang kumuha ng kanilang tiket, tadong araw bago dumating ang araw ng pag-akyat nila sa Bagyo.
Sumipol uli ang lokomotora. Isang sipol na lamang at lalakad na. Halos mahulog na siya sa pagtanaw sa pintuan ay wala siyang makitang anino man lamang ni Octavio. Sa pangangawit niya'y napalingon siya sa kanyang kinauupuan. Nakita niya ang "Tribune" na binili niya sa umagang yaon. Sa pagkakasabog tumambad sa kanya ang "society page." May nasulyapan siyang "cliche" na nakatawag sa kanyang pansin. Isang babae at isang lalaki. Tila namumukhaan niya ang lalaki.
Nalimutan niyang isang sipol lamang at tuloy-tuloy na ang "express" sa Bagyo. Iniurong sa loob ang katawan ni Monina at dinampot ang pahayagan.
Kamukha ni John Gilbert ang lalaki. Makapal ang kilay, buhay na buhay ang mga mata, matangos ang ilong at may kaunting bigote sa nguso. Sapagkat kamukha ni John Gilbert ay karnukha rin ni Octavia. Binasa niva ang itaas ang balita:

MAG-ASAWANG


MAGDARAOS NG PIGING


DAHIL SA UNANG TAON NG


KANILANG PAGKAKASAL


Ibinaba niya ang tingin upang kilalanin kung sino ang dalawang mapalad na nakatapos ng 365 araw na pagsasama sa ilalim ng bubong ng isang tahanan. Naku! Hesusmariosep! Si Octavia Razon ang lalaki at si Magdalena Reyes ni Razon ang babae.
Naduling si Monina sa kanyang nabasa. Ibigniyang maniwala at ibig niyang huwag. Hindi niya napansin ay sumipol nang ikatlo ang lokomotora. Ang mga bakal sa kapwa bakal ng mga kotse ay nagkapingkian na't walang iniwan sa isang mahabang ahas na nagsisikalas ng paggapang sa daang-bakal ang mahabang "express." Ano ang kanyang gagawin? Magpatuloy sa Bagyo at bahala na? Magpaiwan at maghabol sa hukuman sa ginawang pagdaya sa kanya? Naniwala rin siya sa balita sapagkat hindi dumarating si Octavio.
-A h, magdaraya! -ang boong galit na nasabi ni Monina sabay tapon sa pahayagang lumason sa kanyang dibdib,saka sinambulat ang kanyang dala-dalahan at patakbong nagtungo sa plataporma. Hinabol siya ng konduktor subalit matuling nakataalon sa lupa.
An galing ni Monina Vargas sa "skating," sa pagtalon sa tubig kung gumawa ng "fancy diving" ay nasira. Ang mataas niyang takong ay natalapyok at ang mukha niyang may kulay; ang labi at pisngi saka ang kapupulbos pa lamang na ilong may labinglimang minuto lamang ang nakaraan ay siyang nangudngod sa lupa. Nang ibangon siya ng mga unang dumalo ay nakitang walang iniwan sa kanyang dati'y magandang mukha kundi ang kanyang mga singkit na mata na ang dating kislap ng pag ibig ay ganap na nilambungan ng masinsing engkahe ng mapait na luha.
Gayonman, ang batang binilhan niya ng "Tribune" na nakatanda sa kanyang kaaya-ayang mukha at isang suki sa sine "Ideal" ay isa sa mga nakalapit at sumaklolo sa kanya.
-Alahuy! ang sigaw ng bata -
Nahulog sa tren si Greta Garbo!



Phil LitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon