Reboot (From the song "Reboot")

30 2 0
                                    

AN: Credits to the owner of the video. We tried na irecreate yng story sa video at ginamit nung kaklase ko for her project/assignment. Tinutulongan ko siya ditech.

Enjoy!
=================
Noong unang panahon may tatlong magkakaibigan ang masayang naguusap-usap sa taas ng isang burol. Si Zimi ay may kulay-abong buhok at patpating hubog ng katawan. Si Miku ay may mala-bughaw na may halong berde ang kulay ng kanyang buhok. Ang huli naman ay si Luka na may kulay-rosas na buhok.

Habang sila ay masayang nagkukwentuhan biglang nagsalita si Zimi. "Teka lang ah. May kukunin ako lang ako sa bag ko." Masiglang saad ni Zimi. Tumango naman ang dalawang magkaibigan at mabilis namang tumungo si Zimi sa kanyang gamit at kinuha ang kanyang regalo sa kanyang kaibigan. "Ano yan, Zimi?" Tanong ni Luka nang makita niya ang hawak ni Zimi. "Regalo ko para sa inyo!" Masayang bati ni Zimi. Kinuha naman nila ang dalawang maliit na nakabalot na may desenyong maliliit na na bituin. Binuksan naman nila ito agad namang silang natuwa at itinaas nila ito sa ere.Ito ay isang keychain na bituin. Mas lalong naging masaya si Zimi dahil natuwa ang kanyang kaibigan sa kanyang regalo sa kanila. Kinuha naman ni Zimi ang kanyang keychain at itinaas rin sa ere na parang bituin sa langit. "Ito ang magiging parang friendship bracelet natin." Sumangayon naman ang dalawang magkaibigan.

Isang araw habang sila ay naglalakad sa may bangketa, naisipan nilang bumili ng kanilang paboritong sorbetes. Masaya silang naglakad palabas ng tindahan ng sorbetes at nagkukwentuhan. Nagtatawanan sila habang naglalakad. Pabirong tinulak ni Luka si Miku kaya naging dahilan ito para mahulog ang sorbetes ni Miku. Tinignan ni Miku ang nahulog na sorbetes at nandilim ang kanyang paningin. Bilang ganti ni Miku, tinulak niya rin si Luka ngunit di katulad kay Luka na pabiro lamang. Nahulog din ang sorbetes ni Luka at nagsimula na silang magtulakan; at mag-away. Nakatingin lamang si Zimi sa dalawang kaibigan na nagaawayan at sa sulok ng kanyang mata, may parang kumislap ang natanggal sa backpack ni Luka. 'Ang aming frienship keychain' sabi ni Zimi sa kanyang isip. Nakita niya itong gumulong at tumigil sa kalsada. Nagmadali siyang pumunta doon upang kunin ang natanggal na bituin. Sa bilis nang pangyayari, hindi na nakatakbo si Zimi palayo ngunit ang kanyang narinig na lamang ay isa malakas na busina at ang pagtigil ng isang sasakyan.

Sa burol kung saan nakaburol ang kanilang munting kaibigan na si Zimi. Paulit-ulit sa isipan ni Miku ang pangyayari. Hindi siya makapaniwala. Sariwa pa sa kanyang isipan ang pangyayari dahil nasaksihan ito ng kanyang mata. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa pagkabahala niya sa nangyari kay Zimi. Nagwala ito at malakas na sinabi na "Bakit nangyari ito?! Bakit kailangan siya pa?!" Tinignan ni Luka ang kanyang kaibigang na nagwawala at inakala niya na siya ang sinisisi nito kaya pinili na lamang niyang manahimik. Lingid sa kaalaman nila na may isang batang babae ang biglang lumitaw ang sa kanilang likod. Ito pala si Zimi ngunit ito lamang ay kanyang kaluluwa. Nakita niya nangyayari ngunit wala siyang alam kung ano dahilan kung bakit siya nandito.

Isang linggo pagkatapos ng burol ni Zimi, habang palabas si Luka ng kanilang eskwelahan napansin niya na umuulan. Napatigil siya dahil wala siyang dalang payong. Nakita niya ang isang pamilyar na desenyo ng payong at nakitang ito pala ang kanyang kaibigan na si Miku. Nilingon lamang siya nito at umalis na kasama ang bagong kasamang kaibigan. Biglang napaisip si Luka na maaaring ito na ang pagkawakas ng kanilang magkakaibigan. Napaluha ito at tumakbo paalis sa kanyang kaniroroonan habang siya ay tumatakbo palayo sinisisi niya ang sarili niya. 'Kung hindi ko tinulak si Miku hindi mangyayari ito!' Lingid sa kaalaman nila nakita ito ni Zimi na walang magagwa kundi panoorin ang pangyayari.

Pagkalipas ng sampung taon...

Nakupo lamang ang kaluluwa ni Zimi sa gilid ng kalsada ng natakpan siya ng anino ng isang babae. Napaangat ng tingin ito at nakita niya ang kanyang kaibigan na si Luka. Sinundan niya ito. Naglakad si Luka papunta sa bulletin board upang makita ang kanyang dorm room. Napansin ni Zimi ang isang pamilyar na hugis, isang bituin.

Naglakad papunta si Luka papunta sa kanyang dorm at lingid sa kaalaman niya na may kasama ito dito. Pagkarating ni Luka sa tapat ng dorm niya binuksan niya ang pinto at nagulat sa kanyang nakita. Sa tagal ng pagkahiwalay nila, hindi pa rin nakakalimutan ang itsura at pigura ng babaeng nasa harap niya. Si Miku, ang kanyang dating kaibigan. Dahil sa akala ni Luka na galit pa rin ito sa kanya kaya tumakbo ito palayo. Bago pa makalayo si Luka ay may biglang humawak sa kanyang braso upang mapatigil ito sa pagtakbo. Nilingon niya kung sino ito at kanyang nakita si Miku na may luha sa kanyang mata. "Patawad Luka. Patawad kung sinisisi kita. Patawad kung nagalit ako sayo." Sabi ni Miku habang nakaluhod ito na may tumutulong luha sa kanyang pisingi. Lumambot ang puso ni Luka dahil sa akala niyang galit pa rin ito sa kanya. Lumuhod siya upang yakapin si Miku at sinabing "Walang may gusto sa nangyari. Nangyari na ang nangyari at hindi na ito babalik. Wala may kasalanan. Nalunod lamang tayo sa galit." Naiiyak na pahayag ni Luka. Nakita ito ni Zimi at napaluha sa kanyang nasaksihan. Bumalik sa kanya ang nangyari at ang kanyang huling misyon kung bakit siya nandito, ang ibalik ang dating pagkakaibigan ni Miku at Luka.

Pagkatapos nito ay naisipan nilang pumunta sa burol kung saan nakaburol ang kanilang munting kaibigan, si Zimi. Masaya silang nagkwentuhan habang inaalala ang kanilang masasayang alaala. Nasabi niya rin nila sa isa't isa na hindi nila tinapon ang keychain na bituin sa halip ay ginawang kwintas ni Miku ito at hikaw kay Luka. Ito ay nagsisimbolo na hindi nila makakayanan ang pagkawasak ng kanilang ginintuang pagkakaibigan kasama si Zimi. May isang pigura ng batang babae ang lumitaw sa kanilang likod at nakangiti itong nakatingin sa kanila. "Thank You." bulong ni Zimi habang siya ay unti-unting naglalaho papunta sa langit. Narining ni Luka at Miku ang pamilyar na boses na iyon at nakita nila ang isang paruparo. Dumapo ito sa puntod ni Zimi at naisip nilang dalawa na baka si Zimi ito. Nakangiti silang tumingin sa paruparo habang ito ay lumilipad palayo.

One Shot CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon