Jin's P.O.V.
Hindi pa rin ako makaget-over dun sa marriage thing na iyon. Grabe. Ang dami ko pang pangarap sa buhay… Gusto ko pang makapagtapos. Gusto ko pang maging single. Gusto ko pang maging Malaya. Gusto ko pang mag-asawa. Oo nga pala, mag-aasawa na ako kaso sa taong hindi ko kilala. Aish. Nakakainis talaga!!!
“Wow, Jin. Ayos ng itsura ah! Bangag na bangag!”
“Tin!”
“anong nangyayari sa iyo?”
“Tin…”
“Ano???!!”
“Tin…”
“Ano nga? Isa, sabihin mo na kaya. Come on, spill it out!”
“Tin…”
“Isa pa, babatukan na kita.”
“I am engaged…T.T”
….
….
“WEH??”
Grabe.yan lang pala ang reaction niya.
“Totoo nga!”
“Weh???”
“Aish. Sa tingin mo ba nagbibiro ako?”
“yung totoo? OO.”
“Ihh. Hindi nga kasi ako nagbibiro. I am serious here.”
“Ai. Nosebleed. Oo na naniniwala na ako. “
“Anong gagawin ko???”
“Simple, kung gwapo, sunggaban mo. Kung pangit, get rid of him.”
“Ayoko pa ngang magpakasal eh…”
“Tanga!!! Engaged pa lang naman ang relationship status mo hindi pa married. Wag kang excited, teh!”
“Loka! Hindi ako excited. Ano bang pagkatapos ng engaged? Hindi ba married?”
“Sa bagay, tama ka. Pero pwede naman maging divorced pagkatapos ng married.”
“So anong gagawin ko, Tin?”
“Kagaya nga nung sinabi ko: Kung gwapo, sunggaban mo. Kung pangit, get rid of him.”
“Buset! Ang ganda ng payo mo eh noh? Paano kapag gwapo nga pero hindi ko naman type?”
“Simple, ibalato mo na sa akin para magkalovelife naman ako. Bwahaha.”
“Aish. Makaalis na nga. Wala ka naman naitutulong eh >.<”
“Ikaw ang bahala. Basta kapag hindi mo type ah, alam mo na ang gagawin.”
Buseet. Walang kwentang payo. Natapos ang klase na wala akong naintindihan dahil sa malaking problema ko. Ni mag take down ng notes hindi ko nagawa. Nakakainis naman kasi yung Hitler na iyon eh. Nasan naba kasi ang tatay ko??? Nasaan nsiya kapag kailangan ko siya??? Sabagay, kahit naman nandito siya wala siyang magagawa eh, UNDER din pala siya kay Hitler -.-
Anong gagawin ko???! UGH. Nakakainis na. Bukas ko na makikilala ang so-called fiancée ko. I need a good advice! Pero hindi dapat galing kay Tin. Kailangan ko ng matinding payo… Kanino kaya?
…
…
…
Ai. OO nga pala. May isa pa akong bestfriend at sigurado akong matutulungan niya ako!
Kaso… Nasa ibang bansa na pala siya. Atsaka heller? As if naman na maaalala niya pa ako.. Ang bata pa kaya namin noon. Uhugin pa nga ako noon eh.ahaha. Aish. Nababaliw na ata talaga ako dahil lang dun sa pesteng engagement na iyon…
Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Wala akong natutunan. Ampu.
“Jin. Kalian pala kayo magkikita nung fiancée mo kuno?”
“Bukas,Tin. Bukas T.T”
“Anuberr! Wag ka ngang malungkot diyan. Malay mo magiging maganda yung kinalabasan niyan.”
“Aish. Sana nga.”
“Okay. Sige Jin, bye!!! “
“Bye.”
Pagkarating ko sa bahay, nagtext ulit sa akin si Hitler. Sinabi niya na magkikita raw kami bukas sa BigBang Restaurant bukas, 3PM. Naiinis ako. Paano kapag hindi ko naman gusto yung lalake? Aish.
Bago ako mag-isip ng mga paraan, kakain muna ako.
At iyon, sakto!! Nandoon din si Hitler -.-. Oh well, kakain na lang ako ng tahimik.
Pagkatapos naming kumainj ng walang salitaan, agad-agad na akong tumayo. Bago ako makabalik sa kwarto ko, may sinabi siya na nagbigay sa akin ng bagong pag-asa…
“Hindi naman ako ganoon kasamang ina, if ever you do not like the person you’ll meet tomorrow, then we won’t force the engagement...”
YES! Yun naman pala eh. Pwede naman palang hindi matuloy. Mabait rin pala tong nanay ko eh.
“Don’t celebrate yet, young lady. Kung hindi mo man magustuhan yung makikilala mo bukas, may iba kaming ipapakilala hanggang Makita mo yung gusto mo na talaga.”
Ay. Akala ko naman ligtas na ako sa pesteng arranged marriage na yan. Ganon din naman eh. Magpapakasal at magpapakasal din ako. Kainis.
Sana wag nang mag-umaga. -.-
…
…
…
Umaga na. -.-
Sino naman kaya ang ipapakilala sa akin? Sana lang maayos yung lalakeng iyon. Hindi naman kasi ako mapili eh. Atsaka, fiancée pa lang naman eh. Alam ko merong mga nagbebreak khit magfiancee na. Kaya, ayos na iyon.
RESTAURANT…
Yun,parang nakikita ko na yung magiging so-called fiancée ko... Kaso, nakatalikod -.-
“Good morning, Mrs. Villegas”
“Oh, Good Morning, Mrs. Park. Is this Jin already? She’s really a lady now.”
Nagsmile na lang ako sa kanya.ahaha.
“I would like you to meet my son, Keith James.”
Ayun, tumayo na siya. Hmmm, matangkad, check! Maputi, check! At OMG ang guwapo. Ayos rin pala tong meet-up na to eh! Napagisip-isip ko na rin kasi na tama naman yung sinabi ni Tin na ienjoy na lang to.ahaha
Inilahad niya yung kamay niya para makipagshake hands. Syempre tinanngap ko naman iyon.Take note, malambot yung kamay niya. Nahiya naman daw ako sa kamay ko. -.-
“Jin. Jin Park.”
Grabe. No response -.- Napahiya naman ata ako don.
“I’m sorry, but Keith is a very shy boy. I guess we’ll just leave the both of you alone. What do you think, Mrs. Park?”
“I think that’s a brilliant idea. That will be a perfect time for them to know each other very well.”
Nakakanosebleed naman ang usapang ng dalawang to. XD
Yun, iniwan kaming dalawa nitong Keith na ito para mag-usap daw. Walang kwenta. Puro ngiti lang naman ang sagot nitong lalakeng to pag nagtatanong ako eh. Buseet.
“Keith, may problema ba? Bakit ayaw mong sumagot ng matino, ha?”
…
…
“U-uhm, pasensya na. Mahiyain lang kasi talaga ako…”
…
…
Shett! Alam ko na kung bakit hindi siya nagsasalita!!
Grabe!!!!
….
….
ANG BAHO NG HININGA NIYA!!! T^T