Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Kabanata 9

206K 4.3K 208
                                    

KABANATA 9

Good thing hindi na ako kinulit ng magulang ko kagabi. Hindi ko naman kasi alam ang irarason ko kung madami pa silang itatanong.

I just made an excuse about strolling the place. Mabuti na lang at kinagat nila 'yun. I didn't mention anything about the encounters last night. Baka palakihin pa nila.

Hindi din nakatulong yung hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa nangyari.

Kay Carl.

Hindi ako mapakali sa kung anong mangyayari kinabukasan. I don't know how I will face him again. Parang nahihiya ako na makita siya ulit dahil sa nangyari kagabi.

I also replayed some scenes... I can't help but cringed about them.

The next morning, medyo magaan ang pakiramdam ko kahit na kulang ako ng tulog. Parang may kung anong excitement akong nararamdaman whenever I thought of Osmium.

Parang excited yata akong pumasok ngayon?

Mabagal kong sinusuklay ang buhok ko habang nakaharap sa salamin and I just found myself looking at my reflection.

My face is glowing.

Naputol ang pagmumuni ko nang biglang may kumatok sa pinto. Hininto ko na ang pagsususklay at nakangiting sinalubong si Mama na nasa pinto.

She smiled. "Good morning… breakfast is ready, anak. Baba ka na."

I just nodded at sumunod sa kanya.

"You look happy. Did something happen in school?" nagtatakang tanong sa ‘kin ni Mama sa gitna ng pagkain namin.

Nagulat ako sa naging tanong niya. Mabilis akong umiling sa pagtanggi. I look happy? Huh?

"Wala naman po." Umiwas ako ng tingin at yumuko habang ngumunguya.

"Okay then.." she trailed off, still doubting my answer.

"Maybe, she's liking her school already. Tama ba, anak?" singit ni Papa.

I didn't reply at mabilis na tinapos na lang ang pagkain. Ganun ba ako kahalata?

"Tapos na po ako. I better go, male-late na po ako eh," pagsisinungaling ko.

Hindi naman kasi ako mahahatid nila Papa kaya magta-taxi na lang ulit ako.

Mabilis akong humalik sa pisngi ni Mama at Papa at nagmadaling lumabas sa bahay. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Mama. Paano niya naman nasabi na masaya ako? I don't have any particular reason.

Umiling ako at naglakad palabas na ng gate. Maybe, it's just a mood. Baka, malapit nang dumating ang mens ko.

It's just hormones, I think?

Natigilan ako sa paglalakad sa nakita ko sa labas ng bahay. I saw his familiar masculine figure. What the?! Anong ginagawa niya dito?

The adrenaline came rushing.

"C-Carl?" I said in shock as I saw him leaning on the wall while his arms were crossed.

And he's wearing his signature attire—ang hoodie niya.

I can't believe it! Nakakagulat siya.

Napatuwid siya ng tayo at humarap sa direksyon ko. He has this arrogant face again, parang lagging masungit.

"Hey, morning,” he said in a cold manner. What's with the mood?

"Anong ginagawa mo dito?"

Bakit siya nandito? Ako ba ang hinihintay niya? O may kakilala siya malapit sa ‘min?

The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon