KABANATA 10
Three days...
Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Carl sa school. Hindi na siya pumapasok for a few meetings sa Chemistry. Maybe ito yung rason kung bakit siya naging repeater—palaging siyang lumiliban sa klase.
Ano nang nangyari sa kanya? Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. Is he okay?
"Uy, hindi mo ba kakainin ‘yan? Malapit nang matapos ang lunch break,” sabi sa ‘kin ni May, pointing at my meal.
Hinawakan niya ang balikat ko at mahinang pinisil iyon para kuhanin ang atensyon ko.
Ngumiti lang ako nang tipid sa kanya.
"Hindi pa ako gutom. Maybe later," malumanay kong sabi. Agad namang lumungkot din ang mukha niya at tumigil siya sa pagkain.
"Seriously, Christie, what's the matter? You can always tell me. Lagi ka na lang matamlay. Your parents?" she asked concernedly.
Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa magulang ko. I told her everything about me and vice versa. I was comfortable telling her my story. I know I can trust her. Mabait naman siyang tao. Besides, I've never had a friend besides her.
I'm so blessed she's my friend. Pero nagi-guilty ako sa pagtatago ng tungkol kay Carl. Parang nahihiya kasi ako, lalo na at sinabihan na niya ako na ‘wag lumapit kay Carl. He's bad news.
Pero, here I am. Thinking about him. I'm quite worried about him being absent for a few days. Hindi naman kami close nang masyado pero bakit concerned na concerned ako sa kanya? Baka, may damsel-in-distress syndrome pa ako? The thought of him saving me that I have to give something to him back?
"Hindi. Thanks, May. I'm just tired. Alam mo na ang hirap ng pinagawa ni Ma'am na assignment sa ‘tin." I shrugged, trying to convince her with my excuse.
She sighed and nodded. Alam kong hindi siya convinced pero hinayaan niya na lang ako. Ganun ba ako ka-affected kay Carl? Eh, ano naman kung absent siya? Hindi naman siguro titigil ang mundo ko kung hindi ko siya makikita.
Nilubog ko ang sarili ko sa pakikinig sa discussion buong araw at hindi na namalayan ang oras. Mabilis natapos ang klase na wala pa ring sumusulpot na Carl.
I guess hindi talaga siya papasok. Parang ako ang natatakot para sa kanya. Hindi ko minsan makayang um-absent kahit isang discussion. Para kasing isang buwan ang nami-miss mong lesson sa tuwing nakaka-absent ka. Ayoko ng ganun.
I hope he'll catch up with the lesson.
I sighed heavily habang papalabas ng school gate. Nauna na kasi si May umuwi dahil maagang dumating ang sundo niya. Tahimik akong naghihintay ng taxi dahil hindi na naman ako masusundo ng magulang ko dahil sa may importante raw silang pupuntahan.
Well, hindi ko na lang ininda ang bagay na mas importante pa para sa magulang ko. Sanay naman ako. At least, they're getting along fine.
"Christie?"
Busy ako sa pagtse-check ng cellphone ko nang biglang may nagsalita sa harap ko. I looked up and my eyebrows furrowed as I tried remembering his familiar face. Parang nakita ko na siya. I can't point out when and where did I met him.
Sino ulit siya?
Oh. Then, it clicked. I think he's one of Carl's friends. Binulsa ko ang phone ko at pilit na inalala ang mukha niya.
"You don't remember me, do you?" he asked.
Napahiya ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako masyadong makaalala ng mga mukha. Mabilis kong makalimutan, especially if we only have a brief encounter.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Obsession
General FictionCollege student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of Osmium University, all she wants is a normal campus life and maybe a friend. But her peace is shattered upon meeting the infamous bad boy who...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte