CHAPTER 2

13 0 0
                                    

      Nalaman ko na si Francis Enriquez yun. Ang kuya ng friend ko. Waa. Hinanap pa talaga niya

ako ha. At pagkatapos,ikinonfirm ko siya as a friend at dun na nga nagsimula ang pagiging

komplikado nang lahat. well, di ko naman alam na ganun pala kakomplikado yun ih. Hindi niya

naman kasi sinabi. So ganito nga, minessage niya ako at nagtanong siya kung may boyfriend daw

ako. Eh yun,sakto wala akong boyfie. Sabi ko wala. Tapos nagulat ako nung sinabi niyang gusto

daw niya ako. Agad agad? Luh. Hindi ko pa nun alam kung ilang taon na ba siya o kung ano pa

man. Ang alam ko lang nag abroad yun dati  at malamang lamang ay nagbakasyon ng Pinas kaya

andito pa at nakikita ko. Ang sabi ko bakit naman masyado niyang minamadali ang lahat. Hindi ba

pwedeng hinay-hinay lang muna. Excited much ba? Eh ang sabi niya hindi daw pwede kasi

direct to the point siya kung magsalita eh. Tinanong niya ako kung like ko daw siya at kung

pwedeng maging kami at akong si gaga ay sumagot ng "OO" na walang kamalay-malay na

mapupunta ako ngayon sa kinalalagyan ko.

     At yun na  nga kami na. Sa isang iglap kami na??? o_O Anong pumasok sa kukote ko!

Nabigla ako. Ang sabi ko lang like ko siya. Yun yun ih. Para sa tanong na kung like ko siya

pero hindi dun sa kung pwedeng maging kami na. Lagooot na naman ako kay mama!!!! Ayaw

kasi nun akong magkaboyfriend. Tatlo nga pala kaming magkakapatid. Panganay ako at wala

daw akong tinandaan. tss. Nakakarelate ba? Yun lang ang tingin nila saken. Hindi kasi nila ako

naiintindihan. Basta. Ako kasi yung tipo ng tao na ipaglalaban ang alam kong tama at kung

anong sa tingin ko ay makabubuti para saken. Oo, magulang ko sila pero nasa saken pa din ang

last say kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Alam mo kasi nung naging kami ay malapit

nang magsembreak. Pangalawang chance ko na 'to ng pagpasok. Ang kaso hindi alam nina

mama na tumatambay lang ako sa shop dahil hindi ko gusto ang mga kaklase ko. Ayoko lang

sa mga plastik. Naiirita ako.

     Isang malaking bagay pa yun. Sangkatutak ang mga kaaway ko. Laganap ang mga taong

pinagchichismisan ako sa kalye. Wala akong masyadong kaibigan eh. At kung meron man halos 

mga lalaki. Siguro kasi mas ok silang kasama. Totoo kasi sila. Yun din ang dahilan kung bakit 

iniisip nang lahat na malandi ako. Letse. Hindi talaga nila ako maiintindihan eh. Nakakainis. 

Buong buhay ko na lang lagi ako ang mali para sa lahat tas eto na nga. May boyfriend na ko!

Pano na 'to????? 

                                                                                                 to be continued...

The Day You Made Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon