CHAPTER 3

13 0 0
                                    

       So yun na nga hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa mama ko na may boyfriend na ako tas 

stepbrother pa ng friend namin ng kapatid ko. At beware, pinaalalahanan pa ako ng mama ng friend ko

na mag stay away from him dahil magulo daw ang buhay ng kuya ng friend ko. Wala naman akong

pakialam kasi wala naman sigurong masama na maging kami di ba? We're both singles. Lumipas yung

mga araw. Nagkaroon na ng kulitan. Hindi naman ako masyadong nagtetext sa kanya before pero nung

sinabi niya saken na magload naman daw ako kahit once a week eh okay na daw yun kaya ayun

nagloload na ko para sa kanya. Ayoko muna sanang seryosohin,ang kaso dun na ko napupunta. Di ko

alam kung anong naghihintay para sa aming dalawa. Mag-eend pa naman yung first semester at

di ko pa nasasabing hindi na ko pumapasok. For sure,iisipin nilang siya ang dahilan nun kahit hindi. Nagsimula

kaming magkita. Sa church yung first time. I was thinking about my life then bigla siyang dumating.

Nasa likod ko siya. Ang sabi ko dun siya sa tabi ko. Tumabi naman siya. Nagkwentuhan kami. Sabay

kaming nangarap ng patungkol sa aming bukas. Masaya ako. Noon ko lang naramdaman na talagang

masaya ako. Parang ayaw ko nang matapos. Niyaya niya akong kumain sa MCDO. Favorite ko pa

naman dun. Tinanong niya ako kung ano daw ang gusto ko,siyempre spaghetti favorite ko kaya yun

ang sinabi ko. haha. Pareho pala kami ng gusto. Lumimit ang pagkikita namin pagkatapos ng araw na

yun. Sa bahay nila. Sa downtown o kung saan man na walang makakakilala saming dalawa kasi

prefer ko nga na ilihim muna. At bumuo kami ng masasayang alaala hanggang sa dumating ang araw

na kinatatakutan ko.

                                                                                             to be continued...

The Day You Made Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon