1~

760 16 4
                                    

Grade 6 pa lang tayo, kilala na kita kahit magkaiba tayo ng paaralan na pinapasukan. Basketball player ka nun. Matangkad, maputi, sporty at higit sa lahat, gwapo. Kapag pumupunta kayo ng team mo sa school namin para makipaglaro sa mga kaklase ko’ng basketball players din, palagi lang akong nakatingin sa’yo sa isang sulok.

Daming nagkakagusto sa’yo. Pati nga Class Mayor namin, nagkacrush din sa’yo kaya’t lagi nila kayong tinutukso dalawa.

May gusto na rin ako sa’yo nun pero ako lang ang nakakaalam nun. Kase alam ko namang di mo ako mapapansin dahil hindi naman ako sikat sa school namin. Isa lang akong hamak na commoner samantalang ikaw ang captain ball ng team n’yo.

Sa mga laro n’yo, sumasama ako sa mga kaklase ko sa panonood kahit wala akong kahilig-hilig sa basketball. Nagchi-cheer ako sa’yo ng palihim at iniimagine ko na dedicated para sa’kin ang bawat pagshoot mo nung bola. Pero sa tuwing nagkaka-points ka, ‘yung mayor namin ang tinutukso nila sa’yo; nung teammates mo, coach mo at mga kaklase ko. Naiinggit ako sa kanya. Gusto kong ako ang tuksuin nila sa’yo. Alam kong imposible pero nangangarap pa rin ako.

Naging madalas ‘yung pagpunta n’yo sa school namin. At pakiramdam ko ay nagkakamabutihan na rin kayo nung mayor namin. Alam mo na crush ka n’ya pero hindi ko alam kung gusto mo rin s’ya.

Dumating na ang araw ng official game n’yo pero hindi ako nakapanood. Alam kong hindi mo rin naman napansin na wala ako dun kase alam ko’ng hindi mo naman ako kilala. Ni hindi mo nga alam na nandito pala ako. Nabalitaan ko na lang na hindi kayo ang champion.

Pagkatapos nung competition, madalang na kayong napapapunta sa school namin. Minsan daw pumupunta kayo kapag Sabado kase daw binibisita mo ‘yung mayor namin. Hindi ko alam kung totoo ba ‘yun o hindi. Minsan naman, pumupunta kayo kapag hapon. Sa classroom namin, palagi kong naririnig ang pangalan mo na mini-mention nung mga kaklase kong may crush din sa’yo. Kinikilig ako kapag naririnig ko ‘yung pangalan mo. Pero hindi mo alam ‘yun. Pati rin nung mga kaklase ko.

Isang araw, may nabalitaan kaming may entrance test daw. Yun bang parang talent and skills na exam for scholarship para sa Highschool. Sumali kami nung bestfriend ko sa essay writing.

Nung araw ng examination, nakita kita. Kasama ‘yung mga kaklase at teacher mo. Tinanong ka nung mayor namin kung san’g field ka mag-eexam. Napag-alaman kong talented ka rin pala sa acting. Tapos tinukso ulit kayo nung mga kaklase ko kase pareho kayo nung mayor namin. Acting din s’ya hilig. Nainggit ulit ako pero di ko pinahalata. Nakisabay na lang ako panunukso nila sa inyo. Wala akong panlaban, alam ko ‘yun.

Nagpaalam ka na sa amin. Este, sa kanila. Alam ko namang hindi mo ‘ko kilala kaya ba’t ka naman magpapaalam sa’kin diba? Gusto kitang sabihan ng GOOD LUCK pero alam kong imposible kong magawa ‘yun.

Natapos na ang examination nun at nagsiuwian na kami. Di na kita nakita.

Dumating ang panahon na hindi na talaga kita nakita. Life still went on. I was still a commoner. Walang masyadong pumapansin. Hindi na kita palaging iniisip at unti-unti ka nang nabubura sa isip ko.

Hanggang nung gumraduate na ako. Alam ko, gumraduate ka na rin nung mga panahong ‘yun kase magkabatch tayo. Hindi na talaga kita inisip at wala na akong balita sa’yo.

Crush, pangarap ka na lang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon