4~

275 9 5
                                    

Hello Sophomore year ^_______________^

Maaga akong napunta sa school. Firstday eh. Kakahiya naman kung malate ako diba? Pagdating ko sa school, dami na agad tao. Katulad ko, excited din sila. Nakita ko ulit ang mga kaibigan ko at kung sino-sino pa. Marami ding mga bagong mukha. May mga transferees and such. Nawala ka sa isip ko nung mga panahong yun. Talagang di kita inisip at nagpalibot-libot na lang kami nung mga kaibigan ko at hinanap ang classroom namin.

Finally, nahanap ko na yung classroom tsaka ako pumasok at naghanap ng mauupuan. Naging kaklase ko yung kaklase ko nung 1styear and at the same time, kapitbahay ko kaya ok na ako. Nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase. Yung iba naging kaklase ko na last year, tas yung iba naman ngayon lang.

Nagulat ako ng husto nung nakita kong pumasok ka sa classroom. Hindi ko akalaing magiging kaklase pala kita. Ang saya-saya ko! Pero di ko pinahalata. Ngunit, nahawi lang din ang ngiti ko sa ilalim ko nung nakita kong pumasok din sa classroom yung mayor namin nung Elementary. Yung babaeng may gusto din sayo. Nawalan na ako ng pag-asa na mapansin mo ako.

Naging madali ang araw, pormal nang nagsimula ang klase. Tingin lang ako ng tingin sayo. Safe naman ako eh, kase di ka naman tumitingin sa akin.

Sa RT groupings, hindi tayo magkasama. Nasa ibang group ka. Pati na rin sa seating arrangement, anlayo-layo mo. Haaaaaaaaaaay, hindi nga talaga siguro tayo meant-to-be. Saklap >///<

Hanggang sa isang araw, nagbago ng seating arrangement. At sobrang ansaya ko!! Magkatabi tayooooooooooooooo! Sobrang napangiti yung puso ko. Well, yun nga. Ikaw yung pinakamalapit sa bintana tapos ako yung katabi mo. Syempre, di kita kinausap kase di naman tayo friends. Hanggang papansin lang ako sayo; yung kunwari mahuhulog yung ballpen o kaya manghihiram ng ballpen at kung anu-ano pa. Pinapansin mo rin naman ako pero hindi masyado. Yung kaklase lang natin na nasa likod ko yung kinakausap mo. Tsaka ako rin, yung nasa likod ko lang rin yung kinakausap ko. Pero kalaunan, kinausap mo na rin ako. Pramis, ansaya ko nun! Pinagpawisan ako ng malamig :D

Nung una, nahihiya pa ako sayo. At halatang ikaw din naman nahihiya din sa akin. Chosssss! xD

Hanggang sa umabot sa punto na nagsasabunutan na tayo. Naghahabulan sa classroom, nagkukulitan, naghihiraman ng bolpen. Minsan pa nga pinapahawakan mo sa akin yung mga paperworks mo. Kinukuha mo lang kung kelan mo gusto. Alam kong mababaw pero ansaya ko nun! Hindi ko alam kung paano nagkaganun. Yun bang bigla na lang tayo naging close. Minsan pa nga, pinagkakatuwaan mo ako. Ginugulo mo yung buhok ko kapag nagsusulat ako o di kaya niyuyugyug mo ako para hindi ako makapagconcentrate sa mga ginagawa ko. Tas ako naman kunwari naiinis pero deep inside, kinikilig na ng bonggang-bongga.

Yung lalaki naman na nasa likod ko, nakikisali rin kaya masaya. Nagka-crush din ako sa isang yun pero panandalian lang. Mas crush talaga kita eh <3

Akala ko hanggang tingin lang ako sa’yo. Yun pala, pwede pang maging higit pa dun! Grabe, di ko ma-imagine.

Sa sobrang close natin, inaasar na tayo nung mga kaklase natin. Kesho ang sweet daw natin. Sabi pa nga nila bagay daw tayo. Eh ikaw namang baliw, sumasakay naman sa mga pang-aasar nila. Sinasabihan mo pa sila na may gusto ka nga talaga sa akin. Nakakainis ka, pinapakilig mo ako ng sobra >///<

Nung pauwi nga kami nung bestfriend ko na nasa kabilang section, tinukso nya ako na lumalandi na raw ako. Ako naman, tawa lang ng tawa. Tinanong nya ako ng “May gusto ka din ba sa kanya?”. Sagot ko naman, “Wala ah. Pinagsasabi mo jan.”. “Ket konti? Grabe namang di ka madevelop nyan eh trending kayo sa section nyo. Haha.” Tanong nya ulit. “Sus. Wala nga. Haha.” Ulit sabi nya, “Pano kung manligaw sya sayo? Sasagutin mo?”. “Asus. Asa! Wala naman talagang gusto sa akin yun, pinagtitripan lang nya ako. Alam ko naman yun.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush, pangarap ka na lang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon