Brownout (Lights Off)

296 17 54
                                    


Wala akong makita.

Iyong kaninang maliwanag at makulay na mundo naging puro kadiliman na lang ang nakikita ko. Ilang beses akong nagpakurap-kurap ng mata. Baka sakaling bumalik ang liwanag. Baka sakaling makaalis ako sa kadilimang ito.

Nakakapit lang ako sa hawakan ng stairs hanggang sa may naramdaman akong may kumapit sa akin. Sa sobrang takot ko ay napahagulgol ako nang malakas.

"Hush, Alys..." a familiar voice comforted me. "It's me."

Agad ko siyang niyakap nang malaman ko kung sino yun.

▃▃▃▃▃▃▃

It's my sixteenth birthday next week and my family decided to celebrate it only with the family and a few of my closest friends. I agreed to an intimate birthday celebration so that we could go all out on my 18th birthday party instead.

Unlike my big sister, I love it when people are celebrating me. Si Ate Alyssa kasi, medyo mahiyain. Ayaw niya yung sa kanya nakatuon ng pansin lahat ng tao. On the other hand, I love it when the spotlight is on me.

I just invited my friends to my birthday party and I can sense that my friends are fishing for answers to what I wanted as a gift. Nahihirapan akong sagutin yung tanong nila kaya sobrang vague ng mga sagot ko sa kanila.

"Kahit ano," sabi ko kina Ella at Grace.

Nagdabog si Grace na parang bata. "Anong klaseng sagot naman 'yan, Alys?"

"Libre niyo na ako ng pizza," I settled. Siguro naman okay na 'yon?

Nagkibit-balikat lang si Ella. Mukhang satisfied na siya sa sagot ko. Ewan ko. Marami akong gusto pero hindi ko alam kung ano yung pinakagusto ko. Kapag nagtatanong sila, bigla akong nagkakaroon ng mental block eh. Parang nakakalimutan ko kung ano yung nasa wishlist ko. Ganun.

Biglang ninakaw ng atensyon namin ng kambal nang bigla nila kaming inayang mag-aral, "Guys, gusto niyo bang mag-group study sa bahay namin sa susunod na quarterly week?" Malapit na kasi yung exam week namin. Sakto sana yun kasi madalas kong kasama si Neru mag-aral.

Neru Esguerra. He's many things for me. We go way back in elementary school. I met him because he was Grace's childhood friend, together with his brothers. Naging kaklase ko kasi si Grace nung elementary kami. Eh sobrang close niya sa Esguerra brothers kaya kalaunan ay nakasama rin ako sa circle of friends nila.

Grace has a really close bond with Kuya Mark, the eldest among the Esguerra brothers. Meanwhile, Neo and I don't really vibe together. I mean, yes, kaibigan ko siya pero hindi lang talaga kami parehas ng wavelength. And that's okay because Neru and I clicked the first time we met. Hindi ko na nga maalala kung paano pero basta ang alam ko, siya ang best friend ko. Well, aside from Ella and Grace siguro.

Lahat sila pumayag sa group study maliban sa akin. "Sorry, guys." Sumimangot ako. "Strict ang parents ko pagdating sa akin eh."

Ewan ko ba. Pagdating kasi kay ate, mas maluwag sila. Hindi ko alam kung parte nun ang pagiging panganay niya at pagkabunso ko pero malakas ang pakiramdam ko na yun talaga ang dahilan. College student na rin kasi ate. Nakakainggit tuloy.

Tuwing nagpaplano kami bilang barkada na lumabas at gumala, ako palagi yung pahirapang payagan ng mga magulang. Papayag lang sina Mama at Papa kapag may kasama kaming mas matanda sa amin, tulad nina Kuya Paolo (kapitbahay namin na manliligaw ni ate), Kuya Edward (kuya ni Ella), at Kuya Mark (kuya ng kambal). Saka lang si Kuya Mark ang nagiging tagapagbantay namin kapag kasama ang kambal. Kapag kasama naman namin si Kuya Paolo , ibig sabihin kasama rin si ate. Si Kuya Edward naman, madalang lang. Kapag wala lang talaga kaming choice. Ganun.

Brownout (Lights Off) (East Anderson High, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon