ONE

33 0 1
                                    


Ang babaeng mahal ko nawala ng dahil sakin.

Ang mga ngiti na nagbibigay saya sa akin wala na.

Ang mga matang mapupungay na laging nakatingin sa akin wala na.

Si Jasherine Choi. Sya ang buhay ko. Pero wala na sya.

Xxxxx

Noong highschool kami

isang palaban na babae si Jasherine. Kahit sino binabangga nya kapag alam nyang tama sya.

Pati principal inaway nya at ang malala isang Frat member din ang pinatulan nya.

Isang araw rinig ko ang impit nyang sigaw sa isang kwarto sa headquarters.

Oo. Isa din akong frat member. Kaklase ko sya at gusto ko sya pero bawal. Isang malaking pagkakamali na malapit sya sa isang tulad ko.

Pagpasok ko sa kwarto nandun sya. Nakatali ang paa't kamay, nakabusal ang bibig, at ang uniporme nya ngayon ay may bahid ng dugo at putik.

Patuloy ang pagluha nya kasabay ng pagpatak ng luha nya ang pag-agos ng dugo mula sa ulo nya. Halatang labis syang pinahirapan.

Masakit na makita syang ganito. Gago talaga sila pati babae pinapatos. Akmang lalapit ako sa kanya at muli syang tumili nakikita ko sa mata nya ang labis na takot.

Dahan dahan akong lumapit. Habang tinatanggal ang tali sa paa at kamay nya ipinaliwanag kong di ko sya sasaktan at tumigil na sya sa paggtili ngunit patuloy pa din ang iyak nya.

Di sya ang Jasherine na kilala ko ang palaban na Jasherine parang nawala at napalitan ng iyaking bata.

Dumaan kami sa backdoor ng headquarters para walang makakita. Habang nilulusot sya sa bakod sinabi kong poprotektahan ko sya.

Hanggang bakod lang ako dahil mapaghahalataan ako. Tinanaw ko sya habang naglalakad hawak ang ulo nyang may sugat.

Sa school ko na ulit sya nakita may bandage ang ulo nya at makikita sa mata nya ang paghihirap na dinanas nya.

Nang mahagip nya ako sa tabi nginitian nya ako at nilapitan. Nagpasalamat sya sa ginawa ko at kapalit nun tuturuan nya ako sa ibang subjects namin. Binalaan ko sya na wag lumapit sa akin dahil sa hatid kong panganib pero nagpumilit sya.

Araw-araw nya akong tinuturuan ng Chemistry at Geometry. Isang beses habang tinuturuan nya ako nag confess ako at nagtanong kung pwede manligaw. At pumayag sya.

Yun ang pinaka masayang araw para sa akin. Lagi kaming namamasyal after class. Pagtapos hinatid ko na sya sa bahay nila. Nandun ang tatay nya nakaabang sa gate.

Pinakilala nya ako sa parents nya bilang boyfriend, ibig sabihin sinasagot nya na ako.

May tinanong ang tatay nya na lubhang ikinagulat ko.

"May grupo ka ba o barkada?"

Nagkatinginan kami ni Jasherine. Di ko alam ang isasagot ko. Pero sya ang sumagot para sa akin. Syempre sinabi nyang wala.

Bago pa ako makaalis may sinabi sa akin si Jas.

"Umalis ka na sa Frat"

Buong gabi ko yun pinagisipan. Buo na ang loob ko aalis ako kahit alam kong di pwede pero para to sa babaeng mahal ko.

Sinabi ko sa leader namin ang tungkol sa pagtiwalag ko. At sabi ko na nga ba di pwede.

"Dahil ba sa babae?"

Tanong nya. At mamaya maya may isang babeng nakaupo sa silya nakatali at walang malay.

Si Jasherine.

Simula pa lang pala alam na nila. May naramdaman akong matigas na bagay ang tumama sa ulo ko sanhi na pagkawala ng aking malay.

At sa muling pagdilat ko nakita kong pinapahirapan nila ang babeng mahal ko sa harapan ko mismo.

Once you get in hell there's no way out

Pagsumali ka sa Frat di ka pwedeng umalis. At pinagsisihan ko ang desisyon kong pagsali.

Nagpupumiglas ako ng tumili sya ng buong lakas kahit may busal ang bibig nya. Mga hayop sila di ko sila mapapatawad.

Iyak ng iyak si Jasherine habang hinihiwa ang pisngi nya at ng makita ko tuloy tuloy na ang pag agos ng dugo mula rito.

Takot na takot ang nakikita ko sa mata nyang namumula na kaiiyak.

Di pa sila nakuntento bigla nilang sinikmuraan si Jasherine. naririnig ko ang paghangos ng kanyang paghinga. Pinilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko pero nakaramdam ako ng hapdi at likido sa kamay ko sa sobrang pagpupumiglas nag sugat na ang kamay ko.

Ginupit din nila ang mahahabang buhok ni Jasherine. Dalawa kaming iyak ng iyak. Kasalanan ko ito alam ko namang mapapahamak sya pero tinuloy ko pa din. Oo nagpaka-selfish ako.

Sa sobrang pagdurogo ng kamay ko nagawa kong matanggal ang tali sa kamay at paa ko. Dali-dali kong sinunggaban ng suntok ang lalaking kanina pa nagpapahirap sa babaeng mahal ko.

Kaso may naramdaman akong malamig na metal na nakatusok sa likuran ko. Paglingon ko nakatayo ang frat leader na syang sumaksak sa akin.

Bago ako matumba na rinig ko muli ang impit na sigaw ni Jasherine at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Napadilat ako dahil sa ingay ng mga sasakyan at sa mahinang bulong ni Jasherine.

Sobrang sakit ng likod ko na hindi ko na kayang maglakad. Nilingon ko sya. Duguan ang sikmura nya may saksak sya sa parteng yun. May umaagos na dugo mula sa bibig nya. Pero sinusubukan nya pa ding magsalita.

"M-mahal na m-mahal k-kita Xiao. M-mag ingat k-ka lagi. B-bantayan kita palagi. N-nandito lang ako l-lagi sa tabi m-mo...."

Sumara na ang mga mata nya na labis kong kinaiyak maraming dugo ang nawala sa kanya at pati sa akin. Sinikap kong gumapang papuntang gilid ng kalsada para makahingi na tulong.

Pero sa muling pagdilat ko wala na sya sa piling ko.

xxxxxxx

"Dadalawin ulit kita Jas bukas. Say hi for me kay god at kay mama. Nami-miss na kita. Sana nandito ka pa din tandaan mo mahal na mahal kita."

Pinunasan ko ang luha ko at tinulak ang aking wheelchair simula noon. Di na ako nakapaglakad pa. Sa huling pagsulyap ko sa puntod nya muling bumuhos ang luha ko.

"Mahal na mahal kita Jas. Paalam..."

XxxxxxxxxxXxxxxxxx
Any reactions?

Feel free to comment.

please vote and share this story too..

Thank you! Kamsahamnida! Xie xie!

Forever Turns Into Disaster (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon