Saya

31 0 0
                                    


After this night everything will change. My life will change literally.


"Saya anak handa ka na ba?" my mom asked as she enter my room with a smile pictured in her face.


"yes ma" sagot ko naman at ngumiti rin sa kanya


"you look perfect anak" she said as she hug me and I hug her back

"you know this is for the best right? sana maintindihan mo kami ng papa mo kung bakit namin to gagawin. This is for your own good." she said at kumawala sa pagkakayakap niya sa akin.


"I know ma. besides you don't have to worry about anything sa simula pa lang alam ko naman na mangyayari nato kaya matagal ko ng inihanda ang sarili ko." nakangiting sabi ko pa


"oh sige na anak I'll go ahead sumunod ka agad ha?" she said smiling at tuluyan ng lumabas ng silid



I smiled bitterly as I looked my reflection at the mirror. Black long hair,gray eyes, skin as white as snow, lips as red as apple who would ever thought that I'll ever turn out to be a beautiful young lady. Before the night ends you will no longer be the simple girl you've known before because after this night you'll enter a new world, a world where you have to fight for your life a world between life and death.


Ilang sandali pa ay bumaba na rin ako at umalis patungong Haven doon kasi gaganapin ang event na dadaluhan ko. Nauna na roon sina mama at papa.

Agad akong pumasok pagkadating ko sa lugar. Maraming tao ang naroroon at alam kong hindi lang ito basta bastang ordinaryong ball sapagkat purong kilala at makapangyarihang tao ang alam kong imbitado dito. Nakita ko kaagad sina mama kaya naman lumapit na ako agad sa kanila.


"Ma" tawag ko pa dito at saka ako humalik sa pisngi nito pati narin kay papa.


"sakto lang ang dating mo anak ilang minuto na lang at magsisimula na ang sayaw kaya suotin mo na ang iyong maskara" may awtoridad na sabi ni papa at sinunod ko naman agad ito.


Ilang saglit pa ay tinawag na ang mga anak ng mga bisita at kabilang na ako doon kaya naman nagtungo na ako sa dance floor. Nakatayo ako sa kanang bahagi nito kasama ang iba pang babaeng anak ng mga panauhin at kaharap naman namin ang mga lalake.


Ipinaliwanag muna ng emcee ang patakaran sa nasabing sayaw. Hindi maaaring gumalaw ang mga babae hanggat wala pang nag aaya rito. Ang mga lalake ang may kapangyarihang pumili sa magiging kapareha nito. Pag nakahanap na ito ng kapareha ay maaari na itong sumayaw, maari ka ring magpalit ng kapareha kung nanaisin mo at pwede rin namang hindi basta ang lahat ng ito ay naka depende sa lalaking kapareha mo.


This is not just an ordinary dance kasi sa sayaw na ito mismo nakasalalay ang kinabukasan mo. Sa simpleng sayaw na ito ang kapalit ay ang pagkatao mo sapagkat dito mo malalaman kung sino ang magiging kabiyak mo.


OO dito nakasalalay kung sino ang magiging asawa mo at wala ka nang magagawa pa sapagkat iyon ang batas sa mundong ginagalawan ko.



Vladimirr Series: Assassins CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon