AC1

24 0 0
                                    

Nag simula na ang musika hudyat na simula na ng sayaw. Unti unting nagsilapitan ang mga lalake at kumuha ng kapareha. A guy suddenly appear in front of me.


"May I have this dance?" he said and that maid me freeze for a moment.


That voice sobrang pamilyar nito sa akin yung mga matang matiim na nakatitig sa akin kahit na naka maskara pa ito, I know who owned them. Nabalik lang ako sa katinuan ng hilahin niya ako papalapit sa kanya at ngayon ay nagsisimula na kaming sumayaw.


"Hi! I'm Xian. You know you seem familiar you looked like someone I knew." nakangiti niyang sabi sakin pero di ako umimik at tinitigan lamang siya. Tama nga ang hinala ko its him the very first man whom I loved.


Unti unting bumalik ang sakit na naramdaman ko noon ang sakit at mga ala-ala na pilit ko ng ibinabaon sa limot. Hindi ko aakalaing magkikita pa kami ulit at sa ganitong pagkakataon pa.


Ang daming pumapasok sa isip ko na paano kung nagkataon na ako ang piliin niya. Pano kung malaman niyang ako ang napili niya magiging masaya kaya siya? Paano kung hindi nangyari yon noon? Paano kung kami pa hanggang ngayon?


Gustong gusto ko siyang sumbatan at gusto kong  magalit sa kanya pero di ko kaya. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit. Kung bakit niya ako nagawang saktan at iwan. Kung ano ang meron siya na wala ako... Kung bakit siya ang pinili niya at hindi ako. Pero natatakot ako, duwag na kung duwag pero takot akong malaman ang dahilan niya.

But I can't deny the fact na may nararamdaman parin ako sa kanya. Kahit na sabihin nating sinaktan niya ako noon ay di ko maipagkakailang may puwang parin siya dito sa puso ko.


Alam kung mali tong nararamdaman ko pero may parte sa puso ko na umaasa. Gusto kong sabihin sa kanya na ako na lang ang piliin niya, na wag na niya akong pakawalan pa. 

Unti unti akong nabuhayan ng pag-asa dahil malapit ng matapos ang kanta at hindi pa niya ako pinapakawalan. 










Pero lahat ng iyon ay nawala ng parang bula ng bigla siyang magsalita.


"Thank you for the dance. Malapit ng matapos ang kanta sorry but I need to let you go now, I need to get my girl." nakangiti niyang sabi saka niya ako pina ikot


Wala akong maintindihan sa nangyari hindi ko inalintana ang pagkaikot niya sa akin wala akong pakealam kung matumba ako o para akong tanga dahil sa ngayon wala akong ibang maramdaman kundi sakit because for the last time he let me go. Sa huling pagkakataon hindi parin ako ang pinili niya


Suddenly someone hold my hand na nagpabalik sakin sa katinuan saka ko namalayan na tapos na pala ang kanta. Tumigil narin sa pagsayaw ang ilan nakatitig lamang ako sa taong kaharap ko sa taong sumagip sakin sa kahihiyang maaari kong danasin.


Hindi ko namalayan ang luhang pumatak sa mga mata ko hanggang sa siya ang nag punas nito.


"You shouldn't cry because he let you go, A jerk like him doesn't deserve someone like you." malamig na sabi pa nito ngunit sa kabila ng malamig na pagkasabi nito ay naging komportable ako.



"I'm Eros Vladimirr" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay nito


"Saya, Saya Cortal" sabi ko naman sabay abot ng kamay niya at nakipag shake hands.



"Okay everyone you can now remove your masks its now time to meet your pairs." masayang sabi pa ng emcee


Sinunod naman namin siya bahagya pa muna akong yumuko para matanggal ang maskarang suot ko. Nang iangat ko na ang aking mukha ay nabigla pa ako ng kunti hindi dahil sa wala na siyang suot na maskara subalit dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin at nakatitig pa ito saking mga mata.


Saka ko lang nakita ng maayos ang kanyang buong mukha. Mapupungay at walang emosyong mata na kulay itim, matangos na ilong, mapupulang labi at perpektong hugis ng mukha. Hindi maipagkakaila that he's a hot dead drop gorgeous human being.


Busy ako sa pagkilatis sa kanyang mukha ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at medyo naduling pa ako sa sobrang lapit nito.


"Wag kang mag-alala kung itinapon ka niya dahil andito ako at pupulutin kita." sabi niya na siyang ikinakunot ng noo dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya subalit kahit ganon pa man ay amoy na amoy ko parin ang amoy mint niyang hininga.


'DAMN'


Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya. H-he he just kissed me. Oh my god! He kissed me in front of anybody and worst in front of my parents. Damn it! Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sapagkat natulala na lamang ako. 


Simpleng paglapat lamang ng labi niya sa labi ko ang kanyang ginawa at hindi niya ito ginalaw. Napakurap ako ng ilang beses saka ko naramdaman ang pag alis ng labi niya sa labi ko kaya naman napatingin ako ng wala sa oras sa kanya.


"minarkahan na kita kaya simula ngayon akin ka na." seryoso at deritsong saad nito subalit wala ka paring makikitang emosyon sa mukha niya. Para akong tangang nakatitg lamang sa kanya dahil hindi ko parin maintindihan ang nangyayari.


"I don't like to share what's mine. What's mine is mine alone. You are mine saya, only mine" walang emosyong saad nito saka naglakad paalis. Awtomatikong napahawak ako sa labi ko at saka ko lang unti unting naintindihan ang nangyari.



Vladimirr Series: Assassins CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon