L A S T C H R I S T M A S
by:NuminousChiefPlagiarism is a CRIME so dont even try to copy this.
Original Work Of Queen
12 am.
Its Christmas Eve.At ito ako nagdo-drawing ng anime na character pero hinawig ko sa mahal kong girlfriend.
alam ko maya maya lang pupunta na siya dito.At magiintay ako sakaniya pero sana dumating siya ng TAPOS ko na ito pata surprise.
Ako nga pala si Aztek Sanchez. Isang Anime adik at isang Gwapo na loyal na lalake.Nineteen na ako at isa na lang ang pangarap ko.Pero di ko alam kung matutupad pa yon gayong-
“Anak kain na.Nandito ang mga pinsan mo sa sala inaantay ka.Please nak move on please.”
“Mama pupunta siya.Nangako siya sakin na sabay kami magpapasko.”Ewan ko ba diyan kay mama kung anong pinaglalaban.
“Nak...” pero di ko siya pinakinggan kaya tumalikod na lang ako at nagpatuloy sa kaninang ginagawa ko. Narinig ko na ang mga yapak nya na papalayo.Senyales na umalis na siya.
Ilang saglit lang ang lumipas ng may naramdaman akong kamay na pumatong sa aking balikat.
Sa oras na iyon ay alam ko na agad na ang nagmamayari ng kamay na iyon ay sakaniya.
“Hey... Narinig ko mula kay tita ka pa daw nakain. Alam mo namang ayaw kong nagugutom ka diba?” Unti-unti akong napangiti dahil dumating na siya.
“Inaantay kitang dumating eh.Salamat mahal at hindi mo ako binigo.” Siya ang klase ng babae na hindi bumabali sa salitang binitawan.Kaya ko siya mahal na mahal.Pero isa lang iyon sa mga bagay na minahal ko sakaniya.
“Uyy Az! Ako yang dino-drawing mo noh?“ saka ko lang naalalang hindi pa ako tapos kaya naman tinaboy ko siya papalayo. “Hey! Lumabas ka muna! wag ka dito.”
mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti pa din siya. “Uyy ayaw aminin ako yan Hon ano?” hay nako bakit ba ang kulit nito ni Lilac? Pero kahit ganoon siya at mahal ko pa din siya.
“Hindi sabi ikaw 'to eh! Basta labas!” sabay talikod ko at pinagpatuloy muli ang pagdo-drawing.
Ilang minuto pa ang lumipas nang natapos ko ang aking supresa.Lumabas ako upang hanapin si Lilac at ibigay ito.
“Ma? Nasan na po si Lilac?” kung titignan mukha akong adik dahil sa sobrang laki ng aking ngiti.
“Anak...”Yan lamang ang natatangi niyang binigkas na salita at saka siya humagulgol sa aking harapan.Saka ako tumalsik dahil sa isang kamao na dumapo sa pisnge ko.
“Jusko Aztek! Isang taon ng Patay si LILAC! kelan ka ba gigising sa katotohanan na matagal na siyang patay ha! INIWAN na tayo ni Lilac! Wala na siya! PATAY na sabi siya!”
Bakit nga ba? Ayoko kasi...
Ayokong tanggapin ang katotohanang iniwan na niya ako...
Masakit.Mas masakit pa sa Sobra! Nangako siya.Magpapakasal pa kami eh!
Siguro nga at baliw na ako.Dahil kahit alam kong patay na siya ay nagpapaka TANGA at BULAG.
Ang sakit kasi sa pakiramdam na mawalan ng taong mahal mo.Alam ko alam niyo na ang pakiramdam na ito.Sobrang sakit na nakakabaliw na siya.
Mahal na mahal ko siya pero bakit? Bakit sa lahat ng tao siya pa namatay? Bakit sa dami nung sasakyan, Yung kaniya pa ang nabangga!? Ang sakit lang.Ang SAKIT SAKIT lang!
Huling pasko na nakasama ko siya.Sana naibigay ko sakaniya yung sing-sing.
Kaso galit ata ang tadhana sakin at nung mismong araw na sana magpo-propose ako, ang huling araw na makakasama...Mayayakap... Mahahalikan ko siya.
Sana pala sinundo ko na lang siya.
Para sabay kaming namatay.