Wallpaper Challenge

24 1 0
                                    

WALLPAPER CHALLENGE

"Maganda't Gwapo na lang ang gising ngayon. Comment nga."

"Tag your bestfriend"

"Taas kamay lahat ng 'di pa naliligo"

Paulit ulit na lang ang nakikita ko sa FB ngayon

May iba na pafamous pa ang post. Nakakasawa na rin minsan.

Nagbabago na ang mga tao. At sa totoo lang. HINDI maganda ang pagbabago na tinutukoy ko.

Kahit na nakakairita, tinuloy ko ang pagiiscroll sa FB.

hanggang sa mapadako ako sa isang post.

"WALLPAPER CHALLENGE: kapag umabot 'to ng 100 likes and 200 comments. Gagawin kong wallpaper si crush for 1 MONTH."

kung ang ibang challenge ay tungkol sa "Gagawing cover si crush" or "Itatag si crush" ay naiiba ito. Dahil kahit na maabot ang sinasabing number of likes and comments ay hindi pa rin naman nila malalaman sino ang crush nito.

Unang beses ko itong gagawin kaya medyo nagaalinlangan pa ako.

Dahan-dahan kong inilapit ang daliri ko palapit sa "Share" button.

Makalipas ang ilang minuto ay naging 200 agad ang comments. Ito ay dahil sa mga kaibigan kong grabe lakas ang "Supporta" saakin.

"Yes! malalaman na rin namin sino crush mo." -Kai

"Kunin natin ung cellphone niya hahaha" -Nicole

"I wonder sino crush nitong si Athena" -Jasper

"True! excited na ako!" MJ

"Gwapo kaya?"- Kristine

"Siguro? baka naman ako 'yan" -James

"Dream on dude" -Sean

"Hahahaha. Mga panget!" Hannah.

iilan lamang iyan sa mga komento ng mga kaibigan ko.

Wala pang isang oras ay naging 100+ na ang likes.

May isang salita naman ako kaya pinalitan ko ang wallpaper ko. Pero dahil ngayon ko lamang ito gagawin ay hanggat maari ayokong may makakita sino ang nasa wallpaper ko.

Dumating na ang pasukan. Ito na naman ang "Introduce yourself" sa harapan. 'yung panginginig ng kamay kasi feeling mo "Hindi" ka na marunong magsulat. Kapag bago teacher, kailangan may name tag ka pa.

Masaya ang naging takbo ng unang araw ko, hanggang sa umabot ng isang linggo.

Inaasahan kong magiging kaklase namin ang "crush" ko sa dahilan na nakita ko ang pangalan niya sa bulletin board at pareho kami ng section.

Recess na at ito pa rin ang mga tropa ko na patuloy sa pangungulit saakin sino raw ang ginawa kong Wallpaper.

Hindi naman ako nagpatinag at pilit na itinatago sakanila ang cellphone ko.

~


Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magpasukan ulit. Pumasok si "crush" ng sumapit ang ikalawang lunes ng buwan. Sabi ng aming guro ay kaya siya wala ng isang linggo ay dahil sa nahuli sila ng uwi galing sa kanilang bakasyon.

Masaya ako dahil naging katabi ko siya. Dahil wala nang ibang bakante kaya wala na siyang choice kung hindi ang umupo sa tabi ko.

Hindi naman kami close kaya alam kong hindi sasagi sa isip ng mga kaibigan ko na siya ang crush ko.

"Hi Athena. uhm ano... uhh. pwede bang uhh ano uhm SABAYTAYONGMAGLUNCH"

Hindi ko naintindihan ang gusto niyang iparating dahil una nauutal siya at pangalawa masyado siyang mabilis magsalita sa huli niyang sinabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oneshot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon