S U L Y A P
by NuminousChief
Plagiarism is a CRIME so dont even try to copy this.
Original Work Of Queen
Unang beses kitang nakita ay noong nakanta ka.
Isa kang Choir member sa church.Unang beses pa lang na makita kita ay napangiti mo ako.
Ang ganda ng boses mo.Malalim at buong-buo.Idagdag mo pa na ang gwapo mo habang nakanta.
Hindi halata para sa isang tulad mo ang kumanta.
Hindi ako palangiti pero dahil sayo.Naramdaman ko ang salitang Kilig.
Gusto ko malaman ang pangalan mo ngunit bagong lipat lamang kami sa lugar na iyon kaya wala akong kilala na kahit na sino na maaring pagtanungan.
Pasukan na.Hinatid ako ng daddy ko sa isa sa pinaka-kilalang paaralan sa lugar natin.Hindi ko alam kung saan ka nagaaral.Saan ka nakatira kaya ang nasa isip ko ay "makikita ko pa kaya siya?"
Iniisip ko din kung "Paano kung taken na siya?" at "may pagasa pa kaya ako sakaniya?"
May mga bulungan akong naririnig.Oo kilala ako ng mga tao dahil isa akong modelo.Ningingitian nila ako kahit na nahihiya ako.
Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng isang magjowang naguusap."Aztek!Hon!Sya yung model ng Mauvais clothing line Gosh ang ganda niya pala talaga." Natuwa ako dahil may mga postibong mga komento din akong narinig. "Mas maganda ka pa sakaniya lilac." sagot ng lalake sabay halik sa pisnge ng babae.
Naisip ko na "paano kung ako yung nasa ganyan na situation?" Unang beses na nainggit ako.
May mga tao ulit na nagbubulungan.Sabi nila may banda na kakanta sa huling araw ng buwan.Ang Dark kings daw.
Lumipas ang mga araw at umaasa akong makikita muli kita.Ngunit laking bigo ko nang di na muling masilayan ang gwapo mong mukha sa simbahang iyon.
Dumating ang araw ng Mini Concert ng banda ng Dark Kings.Nagulat ako dahil...
kasama ka sakanila.
ang laki ng iyong ngiti.
Mukha kang masayang masaya.
Nagulat muli ako ng magtagpo ang ating mga mata.
sabay ngiti mo.Dahilan bakit kumalabog ang dibdib ko.Parang lalabas ang puso ko at gustong makawala.
Natapos ang inyong kantahan.Hinintay kong mawala ang mga tao dahil ayokong makisabay sakanila.
Lakad lamang ako ng lakad.
Ilalabas ko sana ang cellphond ko ngunit hindi ko makita sa bag ko.
Hanap ako ng hanap.Natatakot ako dahil baka kung sino ang makakuha.At mas lalong ayaw kong makuha mo iyon dahil LARAWAN mo ang wallpaper non.
Palakad na sana ako pabalik ngunit may nakabunggo ako.
"Shet ang sakit.Bat kasi may nakaharang na pader eh."
"Ang gwapo ko namang pader." Sinabi mo at ngumiti ng malapad.
"Tingin ko ay saiyo ito.Nalaglag mo kasi kanina eh."
Ito na nga ba.Hawak hawak mo ang phone ko.Nanginginig ko itong kinuha sa kamay mo.Sabay sabi ng "Thank you."
papaalis na ako ng hinablot mo ang kamay ko. sabay pakilala sa sarili mo. "Hi ako nga pala si Leu.short for Leuwerik. ikaw?" ginulat mo ako ng sobra kaya kahit medyo nahihiya ay sumagot pa din ako
"Star na lang. Short for Starfire."
"As in yung flower?"
"Yes."
"Wow.So uhm pwede ba kitang ayain kumain?" simula noon ay lagi na tayong lumalabas.
Nalaman ko din na ako din pala ang wallpaper mo na siyang ikinagulat ko.
Ang saya kasi akala ko hanggang tingin na lang ako.
Ps. Bakit sulyap ang title? Malalaman niyo soon.