PART VI TEDDY BEAR

1K 35 7
                                    

Alden's POV

Habang naglalakad kami sa Mall, at dala-dala ni Maine yung teddy bear na binili ko sa kanya. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Paano ba naman kasi, sobrang laki nung teddy bear. Ayaw naman niya magpatulong kasi baka daw bawiin ko pa. Akala niya kasi type ko yung teddy bear. Duh? May isang cart na kinuha si Meng at nilagay dun yung teddy bear niya. At ang mas nakakagulat eh, sumakay din siya!

"Alden, Alden! Tara dito bilis."

Agad naman akong lumapit.

"Maine, anong ginagawa mo dyan? Bakit ka sumakay dyan? Hahaha!"

"Kasi naman Alden, ang bigat nitong teddy bear! Napagod na din ako kaya sumakay na ako. Oh, ano pang ginagawa mo? Tulak!"

Habang tinutulak ko yung cart, parang gusto ko nalang lumubong sa kinakatayuan ko. Paano ba naman kasi, ang daming nag pipicture samin!

"Omg girls, look nyo si Kuya oh! Ang sweet!"

"Sana siya nalang boyfriend ko! Waaaah!!!"

"Picturan nyo guys, magiging trending 'to!"

At kung anu-ano pang side comments ang naririnig ko. Natatawa nalang ako sa mga sinasabi nila.

Napunta kami sa Bench. Tas bumaba si Meng. Bibili daw siya ng shirt eh. Sumunod lang ako

"Alden, which one? This? Or uhmm.... This?!"

"Para di kana mahirapan meng, parehas nalang bilin mo!"

"Anong size mo, RJ?"

"Hulaan mo, Menggay!"

"Hay nako tisoy, bahala ka nga! Mabuti pa bantayan mo nalang yung teddy bear ko bilis! Baka mawala, nako!"

"Ah, eh, sige na nga! Intayin nalang kita sa labas."

Maine's POV

Ayaw sabihin ni RJ yung size nya. Hay nako, babawi pa naman ako kasi binili nya ako ng teddy bear. Hihi, ang cute naman kasi talaga!

Pero etong size naman na 'to, siguro naman kasya na sa kanya. Parehas kami. Naks, lakas maka-couple shirt!

Nagpunta na ako sa cashier, habang nandun ako, nakita ko si Tisoy na may kausap sa phone. Well, mukhang galit siya na ewan. Pero by the way, nasakin na yung mga pinamili ko.

"Uhm, tisoy, eto nga pala. Payback kasi binili mo ako ng teddy bear. Thanks!"

"Ano kaba Meng, okay lang yun no! Ang ganda ah. Thank you din."

"Alden oh, parehas tayo. Ang cute! Hahaha"

"Crush mo siguro ako meng? Bakit parehas tayo?"

"Luh? Pag magkaparehas, crush agad?! Diba pwedeng sale lang muna?"

"Whatever Maine, pero salamat. Ang ganda!"

"Welcome tisoy! Pero teka, sino nga pala yung kausap mo sa phone kanina?"

"Ah, yung ex ko! Hahaha. Nakakatawa siya. Nakikipagbalikan eh. Ano ako, sira? Matapos niya akong saktan ganun nalang?!"

"Kalma Rj, enjoyin mo muna yung buhay single. Welcome to the club!"

"Hahaha, tara na nga menggay! Baka pagalitan kapa, anong oras ka oh, gabi na din pala."

"Sige, tulak mo na ulit kami, Tisoy!"

"Hay nako Meng, para ka talagang bata! Tara na nga! Hahaha!"

The Proposal (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon