Masaya... [part 2]

7 0 0
                                    

January 5, 2015

Medyo na busy ako sa mga lumipas na araw kasi nag family bonding muna kami, kasi sa susunod na araw magiging busy na ang lahat sa trabaho at sa school. Nag-aaral napala ako tumigil kasi ako ng isang taon bago tumongtong sa kolehiyo, second sem na namin bagong taon narin, so medyo hindi ako busy, pareho university ang pinapasokan namin ng ex ko, kaya hindi maiiwasan na nagkikita kami sa canteen o parehong sasakyan yung sinasakyan namin patungo sa school nag cocomute lang kami ako hanggang terminal lang at sya nag dodouble ride, medyo malapit lang yung school tsaka terminal namin kaya ako naglalakad nalang para makasave sa pera medyo kuripot kasi ako.

Nitong huling araw lang nagsama sama kaming magbabarkada nag plano kasi kami na before mag start ang class mag bonding muna kami kasi magiging busy na ang lahat, sa school at sa work, yung ibang ka barkada ko kasi hindi na nakapag aral sa kolehiyo kasi di na kaya ng mga magulang nila kaya tumutulong nalang sila sa gastosin ng pamilya nila kaysa mag-aral, kaya yun nagka chikahan kami nagka inuman, na lasing, nagkantahan nilubos lubos na namin kasi magkikita kita lang kami ulit pag yung isa sa amin ay birthday na. Minsan kulang kami minsan hindi pa sa mismong araw ng birthday kami nagsasama sama kasi tig dadalawa o tatlo lang yung bakante.

Importante sila saakin kasi bukod sa pamilya ko na andyaan para damayan ako, palage silang andyan para itxt o tawagan ako para damayan, minsan nahihiya na ako sa kanila kasi pag nalalasing ako tumatawag ako sa kanila tapos iiyak minsan nga yung jowa nila tinatawagan ko tapos pinagsasabihan ko na alagaan yung barkada wag nilang lolokohin at tsaka pinapasalamatan ko pa yung iba kasi inaalagaan nila ng maayos yung kabarkada ko kahit topakin yung iba Haha... Kaya lahat na ng nasa phonebook ko mga kabarkada ko lang sinave ko kasi hiyang hiya na talaga ako, di ko naman kasi iniiwan phone ko sa bahay pag umiinom ako kasi napaka wasted ko talaga pag umiinom pero di yung malandi style yung kinakarga lang pauwi kasi mahina talaga ako kapag nasobraan na, pinipili ko naman lahat ng ka inuman ko, yung kaya akong ihatid pauwi sa bahay bukor sa barkada ko may iba pa akong kainuman yung high school batchmates ko.

Masaya ang salubog sa akin sa bagong taon, Goodvibes lang lahat yung mga masasaklap na nangyari sa akin last year eh iniwan ko na, kakalimutan ko na yun, mga regrets ko noon kaya sabi ko sa sarili ko na kung ano man yung mga bagay na di ko pa nagagawa gagawin ko sa taon na to...

MasayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon