Naka uwi na si anson at si ate. "Ate anong nangyari sa'yo?" Tanong ko. "Wala coleen dahil lang sa baby namin" sagot niya. Pero ayoko ng tanungin kung bakit sila mag kasama ni david kasi baka mamaya hindi sila magkasama o kaya baka naman parehas lang sila ng pupuntahan tapos nagkakita sila nahimatay si ate tapos pinunta ni david sa hospital. Baka ganon nga lang. Umakyat ako sa kwarto ko. Nakita ko yung cellphone ko na puro text at tawag ni david. Baka mamaya ay hindi naman pala ako niloloko ni david.
"Hello david?" Sabi ko.
(Hello sino to?) tanong ng isang babae.
"Ah ako po yung girlfriend ni david, kayo po, sino po kayo?" Tanong ko sa babae.
(What? Ako si becca ang girlfriend ni david!) sabi ng babae.
Sinara ko yung cellphone ko at humiga sa kama. Gusto kong sumigaw ng malakas pero..... Pero..... Bakit nga ba hindi ko kayang sumigaw? Sisigaw ako. "Ahhhh..... Walangya ka... Ahhh!....." Umakyat si anson na inaalalayan si ate.
"Coleen bakit ka sumisigaw?" Tanong ni ate sa akin. "Si david kasi may ibang girlfriend!" Sabi ko. "Sabi ko naman kasi sa'yo coleen eh lolokohin ka lang niyan. Coleen lumaban ka naman. Harapin mo yung babae" sabi ni ate. "Eh ate---" nabitin ako sa pag sasalita. "Coleen kung mahal mo si david ipaglaban mo!" Sabi ni ate. "I will" sabi ko.Bumaba ako at naglakad palabas. Pumunta ako sa pinto ng bahay ni david. Pinindot ko yung doorbell sa harap ng pinto nila. Mga ilang saglit ay binuksan ni david yung pinto. Mag sasalita ako ng parang wala akong alam. "David!" Sabi ko "coleen, anong ginagawa mo dito?" Sabi naman niya. "Wala ikaw may gagawin ka?" Sabi ko. "Meron eh" sabi niya. "Ano?" Sabi ko
"Arts lang" sabi niya. "Ganon ba? Saan ka gagawa?" Tanong ko "dito lang sa bahay." Hay nako david galingan mo namang magsinungaling hindi yung halata."Oh sa bahay mo naman pala eh tara". Pumasok ako sa bahay niya kahit ayaw niya. Ayoko rin naman pumasok pero para malaman ko kung may babae siya. Pumasok ako sa kwarto niya at may nakita akong babae. Nakita ko na pinagpapawisan si david. "Kayo pala ang gagawa ng arts" sabi ko. "Ah oo coleen"pag sisinungaling niya. Nagtaka yung babae. " I-i'm ---" nabitin yung babae. "Becca? I know" sabi ko. Alam ko naman eh. " I-ikaw anong pangalan mo?" Sabi nung babae. " coleen, david's girlfriend" pagmamayabang ko. "Pano mo nalaman na becca yung pangalan niya?" Tanong ni david sa'kin "wag ka ng magsalita sweet heart" sabi ko. "Asan nga pala yung art niyo?" Tanong ko ulit. "Anong art?" Tanong ni becca.
"Hindi siya yung tinutukoy ko coleen" sabi ni david. "Wow ha!.. Ano pala yung sinabi mo kanina?" Sabi ko "basta wala yun" sabi niyaUmalis na ako dahil nakakapagod makipag away saka ko na lang sasabihin yung alam ko.
BINABASA MO ANG
Sisters
RomanceMay dalawang babaeng magkapatid na magaaway dahil sa isang lalaki na boyfriend ng isa sa kanila