Nakauwi na si mommy at daddy pero umalis din sila agad pero sabi ni daddy bago siya makaalis dun muna matutulog sa kwarto ko si aina. Gabi na umakyat na ako sa taas pauntang kwarto. Nakita ko si aina na nanonood ng tv humiga ako sa kama ko. "Diyan ka matutulog?" Tanong sa'kin ni aina. "Oo kama ko 'to ehh.." Sabi ko. " dito daw ako matutulog!" Sabi niya. "Kwarto ko 'to uy!" Sabi ko. "Do'n ka daw sa sofa" sabi niya.
Hayaan ko na lang kahit dun ako sa sofa malambot naman yun. Kinabukasan ay nakita ko yung mga damit ko na nakakalat. At yung mga shorts ko ay hinahagis ni aina. "Aina! Ano bang ginagawa mo sa damit ko?" Sigaw ko. " syempre dito ko ilalagay yung mga damit ko!" Sabi niya "binigyan ka naman ng sarili mong drawer diba?" Sabi ko. " oo, pero ang dumi nun eh." Sabi niya. "Pwede namang linisin eh!" Sabi ko. Bumaba na ako at nagluto ng pagkain. Nag text sa'kin si mommy na mag ho-hotel na muna sila kung saan malapit sa hospital.
"Plato!" Sabi ni aina. " kumuha ka!" Sabi ko. "Ang lapit lang naman ng kukuhanan mo ng plato ayaw mo pang kumuha!" Sabi niya. "Baka ikaw yun? Ang lapit nga lang sabi mo diba? Edi ikaw na kumuha!" Sabi ko. "Ahhh!" Sabi niya. Mula ng bata pa kami hanggang ngayon tamad pa rin yan.
"Magbago ka naman aina!" Sabi ko. "Ano?" Sabi niya. "17 years old ka na aina, 10 years old ka pa lang tamad at maarte ka na! Paalala ko lang sa'yo aina may boyfriend ka na yung isang boyfriend mo inayawan ka dahil tamad ka! Aina kung aayos ka lahat magkakagusto sa'yo walang iiwan sa'yo!" Paliwanag ko. "Kaya ba nagkaroon ng becca ang boyfriend mo dahil nanggugulo ka ng buhay ng may buhay? Isa ka kasing pakeelemera at isang pabaya na tao hindi mo alam yung boyfriend mo meron ng iba!" Sabi niya. " hindi kami nag aaway ni david ngayon, wala siya ibang babae." Sabi ko. "Hindi ka kasi naniniwala!" Sabi niya. "Wag nating pagusapan ang mga boyfriend natin dito, ang pinaguusapan natin yang pitong tapn na pagkatamad mo!" Sabi ko. "Hayaan mo coleen may new year pa na dadating, marami pang araw na pwede akong magbago" Sabi niya."Bakit kayo nagsisigawan?" Tanong ni mommy. Andyan na pala si mommy. "Asan po si ate at si daddy?" Tanong ko. "Andun sa labas." Sabi niya. Pumasok agad siya sa kwarto at nahiga. Pumunta ako sa labas para salubungin si ate nakita ko siya na may hawak na baby habang nakaupo sa wheel chair. Timulak ni anson ang wheel chair papunta sa loob at si daddy naman ay inaayos yung mga gamit. "Coleen, eto na siya, eto na yung pinaka hinihintay natin, at ang mahalaga tita ka na!" Sabi ni ate. "Oo nga ate diba ate dati bata pa tayo naglalaro tayo kunyari may baby ka ako naman tita. Naalala mo pa?" Tanong ko. "Hindimg hindi ko yun makakalimutan coleen." Sabi niya. "Hay nako may nagdadrama dito laos na yan. Coleen paghain mo 'ko!" Sabi ni aina. "Aina! Kamusta ka? Long time no see." Sabi ni ate habang pinag hahain ko si aina. "Eto maganda pa rin!" Sabi ni aina. Pagkatapos ko ipaghain si aina ay tinawag ako ni ate nicole. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Buhatin mo." Sabi ni ate. "Bakit? Nabibigatan ka?" Biro ko.

BINABASA MO ANG
Sisters
RomanceMay dalawang babaeng magkapatid na magaaway dahil sa isang lalaki na boyfriend ng isa sa kanila