Nyle
"Dammit! I only asked for a fucking mug of strong coffee and you cannot give me one!" , sigaw ni Nyle sa kanyang sekretarya.
"I'm so sorry, sir", mangiyak-ngiyak na sagot nito. " I'll just make you another cup."
"Well, dapat lang! Hindi kita binabayaran para lang tumanga! How many times do I need to tell you na ayoko ng may cream at sugar?! Do it next time and you're fired!"
"I'm really sorry, Sir. Hindi na po mauulit" , pabulong na sagot nito at halos patakbong nagtuloy-tuloy sa pintuan ng kanyang opisina.
"Chill, dude. Papatayin mo 'ata sa takot secretary mo", ani Nathan, his best friend. "Pang-ilan mo na ba si Dahlia for the past 6 years? 16? 17? Really, Nyle? Loosen up a little, will you? Tatanda ka lalo. Tingnan mo ko, still young and handsome", Nathan said while wiggling his eyebrows.
"Wala akong oras sa mga biro mo, Nathan. I run a damn big company. What are you doing here again anyway?" Ipinagpatuloy niya ang naudlot na pagbabasa sa mga papeles sa kanyang mesa. Being the CEO of Miller Group of Companies was
not an easy job. Halos lahat ng oras niya ay dito nakalaan. He couldn't blame himself though, pinili niya ito. And as if he had another choice. Nasa tiyan pa lamang yata siya ng mommy niya nang pormal na idineklara ng kanyang ama na siya ang mamahala ng kanilang kompanya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil nag-iisa lang siyang anak.
"Ouch!", exaggerated na pahayag nito sabay sapo sa dibdib. "Ikaw na nga lang 'tong dinadalaw e ganyan ka pa. At para bang ngayon lang kita sinadya dito sa lungga mo. Seriously, Nyle? You don't even go with us to drink. Man. Get a life."
"I have a life. I have a company and a very loving and adorable daughter", bwelta niya rito na hindi inaalis ang atensyon sa mga papeles.
"Speaking of your daughter. I've never seen her for ages. Ikinukulong mo yata si Nikki sa mansyon niyo. God, Nyle. Nikki is just a five-year-old kid. She needs to-"
"Will you stop nagging at me as if you know how to become a good father. Ni wala ka pa ngang anak", putol niya sa pagsasalita ng nito. "Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka nang lumabas", pagpapatuloy niya sabay senyas sa pinto. " I have so many things to do."
"Pare, Kaibigan mo 'ko. Concern lang ako sayo", seryosong sagot nito. "Nga pala, kaya ako nagsadya dito dahil iinimbita tayo ni Ryan sa engagement party nila ni Micah, this coming Saturday na at 7pm sa hotel nila, Makati branch. Inaasahan ka ni Ryan, Nyle. Ni hindi mo pa daw nami-meet ang soon-to-be-wife niya."
"I'm not sure kung makakarating ako. We'll see", tipid niyang sagot.
"Come on, Nyle. Minsan lang humiling si Ryan sa'yo, pagbigyan mo na."
"Titingnan ko."
"Okay", Tumayo na ito. "Mukha namang wala na 'kong magagawa. I got to go. May conference pa 'kong pupuntahan in twenty minutes.", anito at saka naglakas palabas ng pinto.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. Damn. Hindi niya na nga niya alam kung paano pagkakasyahin ang kanyang oras, sumabay pa ang engagement party ng isa sa pinakamatatalik niyang kaibigan.
"Ugh!" Napahilamos siya sa mukha. Matatawag pa ba niyang bestfriend ang mga ito kung napakadalang na niyang makita ang mga ito. Hell, hindi niya na nga alam kung kelan sila huling nagkasama-sama. Last month? The month before that? He had no idea. Subsob siya sa kanyang trabaho.
At 30, maasasabing isa na siya sa pinaka-successful na businessman dahil pagmamay-ari niya ang isa sa pinakamalaking kompanya na nagdidistribute ng iba't ibang construction materials. Isama na rito ang iba't ibang house furnitures at appliances na nakakarating na rin abroad. His company was making a very big name in the market ngunit kaakibat nito ang labis na hirap at sakripisyo niya. He worked at least 10 hours a day even on Sundays leaving him no time for fun and a very small time for her daughter. Nahilot niya ang kanyang sentido. He was really worried for Nicole. She's beginning to ask questions about her mother. Hindi niya sinasagot ang mga tanong nito hindi dahil wala siyang maisagot kundi dahil ayaw niyang masaktan lamang ito sa katotohanang wala na itong pakialam sa kanilang anak. Na pera lamang niya ang habol nito. Maalala pa lamang niya ang ginawa ng babaeng iyon sa kanilang mag-ama ay kumukulo na ang dugo niya. That woman was a cold, calculated gold-digger. She'd do anything for money. Mabuti na lamang at nasa puder niya ang kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang kanyang kayang gawin oras na lumapit ito kay Nicole. Sabrina didn't deserve his daughter. Hell, she didn't even deserve to be called a mother, she didn't know how to become one. That woman was pure evil kaya tama lang na kinuha niya ang kanyang anak mula rito. Nicole had no future with her.
There you go! So, guys, what do you think?
:)
BINABASA MO ANG
Lost in Love (ON HOLD)
RomanceNyle swore to himself that he would not fall in love again. Not after his ex-girlfriend betrayed him. Not after his daughter was born. And not after meeting Lacey Sanders and the fact that she made him question his own decision. Note: This is a Tag...