Nyle
6 years ago
He saw her dancing wildly at the center of the dancefloor. She was so beautiful. Almost every guy inside the bar were looking at her. She carried herself well, so confident. Matagal-tagal niya itong sinusundan ng tingin. Nang hindi na siya makapagtiis ay nilapitan niya ito sa isang table kung saan naroon ang mga kasama nito. Man. She was far more beautiful closer, black hair, brown eyes, kissable lips and a body to die for. Akmang tatayo na ito nang magsalita siya.
"Miss, care to dance with me?", Tumingin ito sa kanya bago nagsalita, and damn! She has the most beautiful big brown eyes.
"Uhhhm...", tila nag-aalangan pa ito noong una. Tumingin ito sa mga kasama nito sa mesa. Nang tumango ang mga ito ay humarap ito sa kanya. "Sure."
Inilahad niya ang kanyang kamay at nagpakilala rito. "I'm Nyle by the way", Agad nitong tinanggap iyon.
"Sabrina. But you can call me Sab", Ngumiti ito. She had a smile that could give a heart attack to men. Tila rin commercial model ito ng isang toothpaste brand dahil sa mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.
"It's very nice to meet you, Sab", itinuro niya ang dancefloor kung saan marami na ang mga pares na nagsasayaw. "Let's dance", Tumango ito at nagpaakay sa kanya papunta sa gitna ng mga nagkakasiyahang mga tao. She danced so well. Her moves were very graceful as if she'd been dancing all her life. Hindi niya inaalis ang titig dito. Ganoon din naman ito sa kanya. They danced as if there's no tomorrow. Kahit malamig sa loob ng bar ay pawis na pawis silang pareho. And God, she looked so hot. Itinataas-taas pa nito sa ere ang mga kamay at ibinabaling-baling pa ang ulo nito habang sumasayaw.
"Where have you been all this time, Sab?", bulong niya rito. "Bakit ngayon lang kita nakita?". Humagikgik ito at medyo itinulak siya palayo sa dibdib. Hindi ito sumagot at patuloy lang nagsayaw.
Nang matapos ang tugtugin ay nag-aya na itong umupo. Masakit na raw ang mga paa nito. Sakto namang nagsitayuan ang mga kasama nito sa table ng mga ito.
"Let's go, Sab," wika ng isang babaeng kasama nito. "may tama na si Brennan.", pagpapatuloy nito at saka itinuro ang isang lalaking inaalalayan ng dalawa pa nitong lalaking kasama.
"Gotta go, Nyle. Nice meeting you." Akmang dadaan na ito sa kanyang harapan nang hawakan niya ang braso nito.
"Wait, may I have your number?", aniya sabay dukot ng kanyang cellphone sa kanyang pantalon.
"Uhm, okay." Kinuha nito ang kanyang cellphone sa kamay at ibinigay ulit sa kanya matapos nitong i-type ang sariling number. "Here."
"Thanks, Sab. I'll call you."
Ngumiti ito at saka tuluyan nang naglakad palabas ng bar.Ang una nilang pagkikita ay nasundan pa ng maraming ulit. And he was falling madly in love with her. He bought her jewelries, clothes, perfume and all of the things she wanted. Hell, he even bought her a new car and a condo unit. After almost a month of courtship, she finally said yes to him. He was so happy back then. Eventually, they lived together in the condo unit he gave her and he discovered something that really dissapointed him, she was no longer a virgin. But he just ignored the fact that he was not the first man in her life because he was blinded by his love for her. And besides, she's already twenty-six, two years his senior, hindi niya na rin inaasahang siya ang makakauna rito. He was just so disappointed, plain and simple.
At first, things were really exciting between them. They're very happy or at least he was. After some months, hindi na ito makuntento sa mga ibinibigay niya. Nagsimula na itong manghingi ng pera sa kanya. Nagkasakit daw ang ama nito sa probinsya, kailangan ng nakababatang kapatid nito ng pang-tuition at kung ano-ano pang mga dahilan. He didn't mind though. He loved her with all his life at gaano ba naman ang hinihingi nito. Kung tutuusin, hindi naman makakabawas sa yaman niya ang mga hinihingi nito. At gusto rin naman niyang makatulong sa pamilya ng kanyang nobya. But things started to be strange and suspicious after that. She was asking for millions. Millions! Saan naman nito gagamitin ang ganoon kalaking halaga? Ibinibigay naman niya ang lahat ng gusto at kailangan nito. Halos buwan-buwan na rin niya itong binibigyan ng perang pampadala sa pamilya nito sa probinsya. Nang itanong niya rito kung ano ang pagagamitan ng pera ay sinabi nitong inatake sa puso ang ama nito at kinakailangan ng malaking halaga para sa isang bypass operation. Walang pagdududang bininay niya ang hinihingi nitong halaga sa isiping nanganganib ang buhay ng ama nito. Nang maibigay niya ang tseke ay nagpaalam itong uuwi sa probinsya. Ilang linggo rin itong hindi bumabalik sa kanilang condo unit nang magsimula siyang mag-aala. Tinawagan niya ito at sinabing pupuntahan niya ito. Ngunit mabilis nitong pinutol ang kanyang sasabihin. On her way na raw ito pabalik sa kanilang tirahan. Inintay niya ito sa labas ng kanilang building at laking pagtataka niya nang bumaba ito sa isang taxi. Itinanong niya kung nasaan ang kotse nito ngunit sinabi nitong kinailangan munang isangla ang kotse dahil kinulang ang pambayad sa operasyon at gamot ng ama nito. Doon na siya nagduda. Paanong hindi magkakasya ang ibinigay niyang pera rito? Napakalaking halaga noon. Kahit pa sabihing sa pinakamodernong ospital operahan ang ama nito ay tiyak niyang sobra pa iyon. May kung anong kumudlit sa kanyang puso sa isiping niloloko siya nito kaya kahit anong pilit niya sa sariling hindi nito magagawa iyon ay ginawa niya ang isang bagay na matagal na sana niyang ginawa, labag man sa kanyang loob. He consulted an investigator. It took him just a day to find out that Sabrina really made a big fool out of him. Niloko siya nito. Pinaikot lamang siya nito at isa siyang malaking tanga para maniwalang mahal din siya nito. Pinerahan lamang siya nito. Hindi totoong inatake sa puso ang ama nito dahil matagal na itong patay. Wala rin itong kapatid na pinag-aaral sa probinsya. Ngunit ang lubos na dumurog sa puso niya ay nang malaman niya na ang lahat ng mga ibinigay niya rito ay napupunta lamang sa lalaki nito. Matagal na palang ganoon ang babae. Nang-aakit ng mga mayayamang lalaki, bibilugin ang ulo ng mga ito at saka gagatasan. Bakit nga ba siya agad-agad naniwala rito gayong hindi pa niya ito kilala nang lubusan? Kaya't ginawa niya ang matagal na niyang dapat ginawa.
Hiniwalayan niya ito. Tandang-tanda pa niya ang gabing iyon...
BINABASA MO ANG
Lost in Love (ON HOLD)
RomanceNyle swore to himself that he would not fall in love again. Not after his ex-girlfriend betrayed him. Not after his daughter was born. And not after meeting Lacey Sanders and the fact that she made him question his own decision. Note: This is a Tag...