SMIL: LV

144 15 18
                                    

Chapter Cinquenta y Cinco: My part

Isang malakas na pagbuhos ng ulan ang tumambad sa akin ng binuksan ko ang bintana ng apartment ko.

Sumandal ako sa gilid nun at pinagmasdan ang pagbagsak ng mga ito mula sa itaas.

Maghahating gabi na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ako magkatulog. Hindi ako hinahayaan ng utak ko magpahinga dahil sa mga naiisip ko ngayon.

Sa mga nagdaang araw, hindi ko masasabi na ayos lang ako. Na walang problema. Kasi sa totoo lang, nahihirapan na ako. Nahihirapan sa sitwasyon ko at sa mga taong nakapaligid sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako ng may malamig na hangin ang yumakap sa balat ko. Sa mga oras na 'to, hinihiling ko na sana ay may yumayakap sa akin mula sa likod. Isang bagay na madalas kong iniimagine. Masarap maramdaman ang yakap mula sa likod at para sa akin, 'yun na ang pinaka sweet na magagawa ng isang tao sa akin.

Napangiti na lamang ako sa naisip. Nakakatuwang isipin na ganito na ako kung mag isip ngayon. Dati naman tanging pera at pamilya lang ang laman ng utak ko pero ngayon, pati mga kalandian sa buhay ay sinasakop na nito.

Pinagmasdan ko lang saglit ang kalangitan bago ako makapag pasya na isarado na ang bintana.

Dapat na akong matulog ngayon. Lalo pa't maaga akong papasok bukas. Hindi naging madali ang araw ko ngayon. Hindi madali ang makipag plastikan sa isang tao at iwasan ito buong maghapon. Walang madali sa mga ginawa ko ngayon dahil kasama ko si Hunnie. Napakalaking sagabal niya sa pagtatrabaho ko at aminado akong naiinis ako sa presensya niya.

Kahit paulit ulit ko siyang layuan ay wala pa rin. Dikit pa rin siya ng dikit sa akin at alam ko na nang aasar siya.

Oo, alam ko na ginagawa ko 'yun dahil sa pinag aakalaan niya ako na inaagaw ko si Zint. Pero nakakapagtaka lang kung bakit ganyan na siya? Dahil ba sila na ulit? Kaya ba ganun na lang siya kung bwisitin ako ay dahil nababahala siya sa presensya ko? Dahil baka agawin ko sa kaniya si Zint? Kung ganoon, ang tanga niya! Ang tanga niya para bwisitin ako dahil lang sa ganiyang rason! Bakit nga ba nagkakaganiyan siya matapos niyang ipagtabuyan at halos isuka palayo si Zint? Bakit parang napaka maldita niya sa akin ngayon na dati naman ay hindi? Siguro naiiisip niya na madalas na kami magkasama ni Zint kaya ganoon na siya pero heck! Akala ko ba ayaw na niya sa tao? Bakit ngayon ay para siyang asong bantay sarado kay Zint?!

Tss. Sa ginagawa niya ay naiisip ko na siya 'yung taong mabilis pakawalan ang mga taong napalapit sa kaniya pero kapag alam niyang may lalapit na iba, babalikan at aagawin niya pabalik. Leche. So gusto niya kaniya lahat? Hindi ko inaasahan na ganiyan siya mag isip. Napaka isip talangka.

Nagulat ako ng mayamaya ay nagbeep ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.

Napakunot ang noo ko ng unregistered number ang nasa screen. Binuksan ko ito at binasa ang message niya.

Kumain ka na?

Lalo akong nagtaka sa message na nabasa ko. Sino ba 'to?

Sino ka?

I replied. Kakaunti lang ang nakakaalam ng number ko kaya nakakapagtaka na may nagtetext na lang sa akin ng kung sino sino.

Nagpasiya akong mahiga na at pilitin ang sarili na matulog. Kailangan ko ng energy kaya dapat hindi ako nagpupuyat.

Akmang papikit na ako ng biglang mag beep muli ang cellphone ko. Kinapa ko ang lamesang nasa gilid ng kama ko at hinanap ang cellphone. Leche. Sino ba ang kumag na 'to at nagtetext pa ng alas onse ng gabi? Kung sino man siya, wala siyang magawa sa buhay niya. Pati ako dinadamay sa katarantaduhan niya. Bwisit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Much In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon