CHAPTER 03

3 0 0
                                    

May naglalakad nga na apat na lalaki palapit sa table namen. At aaminin ko, lahat sila may mga ichura. Walang maitulak kabigin sa lalakas ng appeal ng mga to. Yung yatlo ay may sakbat na gitara sa likod, yung boyfriend naman ni Aubrey ay wala, dahil drummer pala eto.

Nagpakilala naman sila bilang si Hans, Dwayne, Xian, at Gino yung boyfriend ni Aubrey. Aince, magkakilala na pala silang lahat maliban saken, e ako na lang ang pinakilala ni Aubrey sa mga bagong dating. Hinde ako sigurado, pero parang napansin ko na tinitingnan nila yung suot ko na halos kagaya ng sakanila. Naka tshirts na black at pants lang din kase sila. 

"Asan si Chyenox?" Tanong ni Veronica.

"Nandyan sa labas, nagpalit lang ng tshirt. Hanggang ngayon ba naman Veron die hard fan ka pa din ni Chyen?" Naka ngising tanong ni Hans kay Veeonica.

"Of course not! Gusto ko lang naman makipag kaibigan sakanya. Pero napaka suplado nya." Wika ni Veronica.

"E kase nga, ayaw nya sayo girl!" Asar ni Nina kay Veronica. Nag tawanan nanaman tuloy yung kasamahan ko sa table.

"Yo! Sorry, I'm late."

Napalingon ako sa bagong dating. Feeling ko na starstruck ako. Alam nyo yung crush at first sight? Yung kapatid ng love at first sight? Ganun! Ganun yung naramdaman ko. Unang tingin ko pa lang sakanya, crush ko na sya. Ang gwapo kase! Ang mata magaganda ang shape. Ang ilong, masyadong pointed. Matangkad sya, ang katawan okay lang. Hinde man sya kagaya ni Brad Pitt na mala Adonis ang hubog ng katawan, e para naman syang si Justin Bieber na punong puno ng cuts ang katawan! Ang labi, natural na parang rosas. Ang sarap siguro halikan! Napailing ako sa huli kong naisip. Kailan pa ako lumandi?

"Huy Ylys!" Siniko naman ako ni Nica kaya nagising yung ulirat ko sa pakikipag landia sa isip ko.

"Ha?" Yun lang ang tangi kong nasabi.

"Sabe ko si Chyenox." Ninguso pa nya si Chyenox, kaya napatingin ako sakanya.

"Ahm. Hi. Ylys." Nilahad ko yung kamay ko sakanya, kahit alam kong nanginginig yun.

"Chyenox." Kinuha nya yung kamay ko at ngumiti saken. Para namang may dumaloy na kuryente sa sistema ko ng nag dikit ang palad namen. Kaya halos mag wala ako sa isip ko ng bawiin nya yung kamay nya saken.

Umupo sya sa tabi ni Veronica. Since yun na lang talaga kase yung space. Katabi ko kase sa gilid ko si Hans, Dwayne at Xian. Medyo nainis naman ako, kase katabi nya si Veronica.

The whole night, nakinig lang ako sa mga kwentohan nila. Nakikitawa kapag nag tatawanan sila. Si Chyenox naman, nakikitawa din. Ni hinde ko pa nga sya halos na ririnig makipag biruan o mag salita. Sumusulyap ako minasan kay Chyenox, kapag dumadapo sa braso nya yung kamay ni Veronica, tinatanggal nya  eto, kaya naman napapangiti ako sa isip ko.

Madami dami na din yung nainom ko. Hinde naman kase talaga ako pala inom, kahit nung highschool ako. Siguro nung 4th yr ako, naka inom na ako twice. Bday kase ng classmate ko yun.

Nahihilo na ako, kaya tumayo ako para sana mag CR kaso may naka bangga saken na babae. Natapon tuloy yung hawak nya na alak sa damit ko. Napa singhap naman ako dahil sa lamig! Automatic naman na napatayo si nica at Chloe, pati na din sila Hans.

"Sorry, sorry. Hinde ko- -"

"Hinde mo sinadadya? Hinde ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!" Pinutol ni Nica yung sasabihin nung babae.

"Sa susunod kase gamitin mo yang mata mo. Jesus!" Bulaslas ni Chloe at binigyan ako ng tissue.

"Sorry, hinde ko kase sya nakita." Paliwanag nung babae.

Sasagot pa sana si Nica kaso hinawakan ko na yung braso nya pati na din yung braso ni Chloe. Ngumiti ako sakanila just to give assurance na ayos lang ako. Alam ko naman na sa taray netonh dalawa kong pinsan ay hinde sila papa awat na tarayan tong babae "Ayos lang." Ngumiti din ako dun sa babae.

"Naku ha! Sorry talaga. Sorry talaga." Halata naman dun sa babae na sincere yung paghingi nya ng paumanhin.

"Ayos lang. Aksidente." Ngumiti ako sakanya. Ngumiti naman sya din saken, humingi naman sya ulit ng paumanhin bago umalis.

"That girl! Tsk. Ayos ka lang ba talaga Cousin?" Tanong saken ni Nica.

"Sus! Ano ba yan? Ayos lang yan ano. Not a big deal. Balot na balot kaya sya." Hinde pa ako nakakasagot eh nag salita na si Veronica. Punong puno naman ng sarcasm yung boses nya.

"Veeon!" Sita sakanya ni Nina.

"What? E totoo naman! I mean, who will wear a pair of jeans and tshirt sa isang bar? Diba?" Tumaas pa yung kilay nya.

"Veronica! I'am telling you. Pinsan ko sya!" Sabe ni Chloe sakanya na parang nagbibigay ng warning.

"Fine! I forgot, probinsyana nga pala sya. Tss." She rolled her eyes. Napatingin naman ako kay Chyenox na katabi nya, and I'am not surprised na nakatingin lang sya saken.

Heaven! Pakiramdam ko napapahiya ako. Pinahiya ako ni Veronica sa harap ng crush ko. I am never humiliated like this in my entire life! At talagang sa harap pa ng crush ko? Nararamdaman ko yung init ng nagbabadyang luha sa gilid ng mata ko. Pero hinde ako iiyak, not in front of anyone!

I composed my self at hinarap si Veronica "I'm sorry. Hinde kase nasabe saken ni Chloe at Nica na sa bar pala ang punta. And, I really don't do this bar thingy. First time ko, wala kase sa probinsya namen na ganito." Pinilit kong ngumiti sakanya ng aking genuine smile pero hinde ko nakaya. Isang plastic na ngiti ang naibigay ko. "Now if you'll excuse me." Tatalikod na sana ako sakanila, kaso hinawakan ni Nica yung kamay ko.

"Ylys. ."

"I'm fine Nica. Mag c-CR lang ako." Ngumiti pa ako sakanya bago umalis.

Hinanap ko yung daan palabas netong bar, hinde na ako pupunta sa CR dahil pakiramdam ko sasabog na ako sa pagka inis sa babae na yun kapag hinde ako nakapag pa hangin sa labas. Diredirecho lang ako palabas, nag sosorry na lang ako sa bawat tao na nakakabangga ko.

Paglabas na paglabas ko ay nagpunta agad ako sa dulo kung saan wala masyadong tao. Umupo ako sa sideway at inilapit ko yung noo ko sa tuhod ko. Umiyak ako, dahil hinde ko kaya yung nararamdaman ko. First time ko mapahiya. Sobra. Sa harap pa ng crush ko ng iba pang mga tao na hinde ko naman kakilala pa ng husto.

I'am not a snappy type of a person, but I really can't hold my self kanina. Kaya naka sagot ako ng punong puno ng sarcasm kay Veronica.  Kung andito lang si mama, siguro ako pa ang pinagalitan nya dahil sumagot pa ako ng ganun.

Ano ba nagawa ko dun sa babae na yun? Para ipahiya nya ako ng ganun? Ngayon ko pa lang naman sya nakilala ah.

"Umiiyak ka?"

Bumilis yung kabog ng dibdib ko sa boses na narinig ko. Hinde ako pwede magkamali.
Dahan dahan kong ini angat yung ulo ko sa lalaking nag salita. Mas lalo lang naman nadagdagan yung kaba ko ng mapag tanto kong tama yung hinala ko kung sino sya. .si Chyenox.

TAKE A CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon