CHAPTER 04

3 0 0
                                    

Ch-cheynox?" Yun lang yung nasabe ko sakanya. Na bigla kase talaga ako na nandito sya ngayon sa harapan ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya saken, at tsaka umupo sa tabi ko. Kinuha nya yung panyo nya sa bulsa nya at iniabot saken. "Oh. Punasan mo yung luha mo."

Inabot ko naman sakanya yung panyo nya. "Sa-salamat." Pinahiran ko naman yung pisngi at yung mata ko ng panyo. Kaya na amoy ko yung pabango nya. Ang bango! Shocks. Ano kaya tong pabango na to?

"So, iniiyakan mo ba yung pagka tapon ng alak sayo o yung sinabe ni Veronica?" Seryosong tanong nya saken.

"Ha? Ah eh. .hinde. ayos lang naman saken yung natapunan ako." Hinde pa din ako makatingin sakanya dahil feeling ko matutunaw ako sa titig nya.

"So yung kay Veronica? Sorry about that. Ganun talaga sya eh, prangka. Hayaan mo na yan. And besides, ayos naman ang get up mo. Hinde showy." Ngumiti sya saken. Oh My Gosh! Feeling ko gugunaw na ang mundo.

"A-ayos lang yun. Na bigla lang kase ako, medyo napahiya ako." Paliwanag ko sakanya.

Tumango tango naman sya. "Siguro, first time mo mapahiya ng ganun ano?"

Tumango naman ako sa tanong nya.

"Halata naman. Mukha kaseng minamahal ka ng lahat."

Ano daw? Ako? Minamahal ng lahat?

"Ha? A-ano?"

"Wala, sabe ko mukha namang gusto ka ng lahat. Mukha ka kasing mabait. Halika na nga!"

Nilahad nya yung kamay nya saken, nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hinde. Kaso, halata nya siguro na hesitant ako kaya sya na ang kusang kumuha sa kamay ko para makatayo ako sa kinauupuan ko.

"Saan tayo?" Tanong ko sakanya ng nag simula kameng maglakad na hawak nya pa din yung kamay ko.

"Magpapalit ka. Basang basa yang damit mo." Walang lingon lingon na sabe nya saken, patuloy pa din sya pag lalakad. Hinde pa din nya binibitawan yung kamay ko. Kaya naman yung lahat ng malalandi na cells at neurons ko sa katawan ay nag wawala na.

Napatigil naman ako sa paglalakad sa sinabe nya, kaya napabitaw sya sa kamay ko. "Ahm. Ano. Wala kase akong damit." Napakagat pa ako sa labi ko.

"Meron ako. Nasa bag, sa kotse ko." Tumalikod sya saken at nag lakad na papunta sa kotse nya. Hinde na nya kinuha pa yung kamay ko kaya medyo na dismaya ako.

Sumunod na lang ako sakanya. Pagdating namen sa parking lot, pinatunog nya naman yung alarm ng kotse nya. Isang itim na HC yung tumunog. Binuksan nya naman yung pinto at may kinuha sa loob. Iniabot nya saken yung isang plain na white tshirt.

Kinuha ko naman, kaso hinde ako naka galaw agad. Hinde ko kase alam kung saan ako magpapalit.

"Ahm. Saan ako magpapalit?" Tanong ko sakanya.

Tumingin sya saken ng seryoso. "Dito. Sa harap ko. Wala naman makakakita. Ako lang."

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Napanganga ako sa sinabe nya. Seryoso kase yung mukha nya. Shemay, manyak pa ata yung crush ko! Nooooooo!

Tumawa naman sya. Napahawak pa sya sa tyan nya. Nag taas naman ako ng kilay, may nakakatawa ba?

"You're. .yyou're blushing!" Hinde sya makapag salit ng maayos dahil sa sobrang kakatawa. "I'm just kidding. Sa loob ka na lang ng kotse ko magpalit. Dyan na lang ako sa likod." At tumawa pa din sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAKE A CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon