TGB ☔ 01

1 0 0
                                    

Tinignan ko ang langit na na ngingitim na dahil, malapit na mag gabi at dahil din sa nagbabantang pumatak na butil ng mga tubig.

Kinapa ko ang dala kong bag kung may dala ba akong payong. Mabuti nalang at nadala ko to ngayon. Nagingitim na ang berde nitong kulay at may mga butas butas na din ito.

Napabuntong hininga nalang ako. "Konti nalang, Jessie. Mapapalitan mo na yang payong mo. Makakagraduate kana. Malapit na."

Kasabay ng pag tayo ko sa may waiting shed ay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. "Sht" bulalas nalang bigla ng bibig ko. Bat ngayon pa? Di kakayanin ng dala kong payong ang ulan ngayon.

Umupo nalang ulit ako at tinaas ang dalawa kong paa para naman di gaanong mabasa yung nag iisang sapatos ko. Gagamitin ko pa to bukas.

Lumipas na ang isang oras at hindi parin tumitila ang ulan. Unti unti akong binalot ng lamig at takot. Bat kasi ngayon pa umulan ng malakas? Haaay. Kamusta na kaya yung mga kapatid ko? Baka nagugutom na sila. Andito pa sakin yung hapunan nila.

Hindi ko naman maatim na magtaxi. Ang mahal mahal. Ibibili ko nalang yung pamasahe ko ng bigas kaysa sumakay.

Baka kumakalam na ang sikmura ng mga kapatid ko. Bahala na nga! Ilinagay ko yung payong ko sa sling bag ko. Tatakbuhin ko nalang, sagabal lang ngayon ang payong ko. Baka masira pa. Mababasa lang din naman ako, tatakbuhin ko nalang.

Ibinaba ko ang mga paa ko at unti unti kong naramdaman ang tubig na pumapasok sa loob ng sapatos ko. "Hoo. Wish me luck."

Akmang tatakbo na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko. Malamig. Malamig na malamig na kamay.

"AHHHHHHHHHHHHH!"

Inagaw ko yung braso ko sakanya pero hinatak niya rin pabalik kaya muntikan na akong matumba. Sht. Muntik na yun.

"Don't go into the rain. Baka magkasakit ka." Sabi nung lalaking nakahoodie kaya hindi ko maaninag ang mukha.

Tinitigan ko lang siya at inagaw na ng tuluyan ang braso ko. Sino ba siya? Makaasta. Di naman kami close. Mapapakain niya ba yung mga kapatid ko? Tss.

Tatakbo na sana ulit ako kaso hinawakan niya ulit ako. "Ano ba!? Paki mo ba kung magpaulan ako? Di naman kita kaano ano!"

Nakakainis naman ang lalaking toh. Ang kulit! -_______- "Miss nga kasi, baka magkasa--"

Tumakbo ako. Tinakbuhan ko siya. Aba, malay ko, manyakis pala yun? Edi narape pa ako. Pano nalang mga kapatid ko? Tss.

Narinig ko pang tinatawag niya ako habang papalayo ng papalayo ako sa kanya.

Nakikita ko na yung maliit naming bahay na gawa lamang sa plywood ang ding ding at lumang yero ang bubong.

Kahit na maliit lang bahay namin, maayos ang pagkakagawa niyan. At malinis ang loob.

"Ate! Ba't basang basa kayo? Di niyo po ba dala yung payong niyo?" Sabi ng bunso kong kapatid sabay abot sa akin ng tuwalya.

"Salamat Chinchin. Ang ate at kuya mo? Nasaan? Andiyan na ba?"

"Ah, opo ate. Kanina pa nga po nagrereklamu na gutom na daw sila eh."

"Jacey? Ney?" Tawag ko agad sa kanila pagkapasok ko. "Sorry kung ngayon lang si ate ha? Ang lakas kasi ng ulan. Eto na pala hapunan natin."

Pagtingin ko sa sala ay nakita ko si Jacey at Ney na nakapangalumbaba sa mesa. Nakatulog ata kahihintay sakin.

"Chinchin? Tayo nalang kumain? Baka pagod si Ate at Kuya mo. Magbibihis lang ako at aayusin ang higaan ng ate at kuya mo."

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Chin? Tulog kana din. May pasok ka pa bukas. Baka malate ka."


"Opo ate. Good night po!" Sabi ni Chin at hinalikan ako sa pisngi. Ang sweet talaga ng batang to. Haaay. Sayang lang at... Ah! Wag na nga. Naiinis lang tuloy ako.

Hinintay ko munang makatulog si Chin bago ako matulog. Hinding hindi ko iiwan tong mga bulilit. Ako na ang nagpalaki sa mga to, lalong lalo na kay Chin. Kasi simula nung baby pa siya, ako na ang nag alaga sa kanya. Si Jacey ang pinakamatanda sa kanila, 15 years na siyang buhay at kasalukuyang nasa 3rd year highschool. Habang si Courtney naman ay 12 y/o na at 1st year highschool na. 7 years old na si Chinley at nasa ikalawang baitang na sa elementarya. Siya ang bunso sa kanila.

Ako na ang nagpaaral sa kanila, simula ng makita ko sila sa isang eskinita. Magkakasama silang tatlo. Ang dudungis nila nun at may sakit pa nun si Chinchin. Naaalala ko pa nung, humihingi sila ng pagkain sakin kasi, apat na araw na daw silang hindi kumakain. Kasama si Chinley na sanggol pa.

Plano ko sanang hanapin ang mga magulang nila, eh kaso. Di nila alam kung anong pangalan nila o kung buhay pa nga ba sila. Kaya, kinupkop ko sila, pinakain at binihisan.

Mahigit anim na taon na sila dito sa akin. Oo, hindi ko sila totoong kapatid. Pero hinding hindi ko sila pababayaan. Ayokong matulad sila sakin. Na wala ng mga magulang.

Pinag-aaral ko silang tatlo kasabay din nito ay nag aaral ako. 3rd year college na ako. BS accountancy. Sa awa ng Diyos, natutustusan ko naman ang pangangailangan namin sa araw araw at sa paaralan nila.

Pinagsasabay ko ang pag-aaral ko at paghahanap ng pera. Tuwing wala akong klase magtratrabaho ako at maghahanap pa ng ibang rocket para kumita. Hindi kasi sapat na isa lang ang trabaho ko.

Mabuti nalang at scholar ako. Hindi ko kailangan gumasta ng pera sa school at na popokusan ko ang aking mga kapatid.

Kaya wala akong oras na dapat aksayahin. Sa buhay ko, every second counts. Dahil pagmahuli ako, baka wala kaming kainin.

"A-a-achoooooooo!!"

Aish. Mukhang sisiponin ako bukas. Sumasama na din pakiramdam ko.

Pumunta akong may cabinet para kumuha ng gamot na pwedeng mainom.

Haaaay.

Bat ngayon pa?

To be continued...

Otor:

Sorry kung sabaw sabaw. T_T Pero sana nagustuhan niyo yung simula. Kahit di ko na gustuhan ㄟ(≧◇≦)ㄏ

The Gap BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon